Kabanata 1

181 23 1
                                    

Assuming





Yumuko na lang ako dahil sa kahihiyan at inisip na dapat ay maglakas loob ako para magpaumanhin sa lalaki. Kahit sa totoo lang hindi ko naman talaga sinasadya. Hayyyy!!! Kaya mo yan Chloe






Lalapit na sana ako pero pinigilan niya ako.




"STOP IT RIGHT THERE!" sigaw niya at itinuro pa kung saan ako nakatayo.






Nagkasalubong ang kilay niya halatang galit. Sino ba naman kasi yung hindi magagalit kung natapunan ng coke float, alangan naman na ikasaya pa niya ito.





Agad akong dinalaw ng kaba.





Pinatigil pa niya si manong guard na kanina pa nagpupunas ng hindi maalis-alis na dumi sa polo niya, at agad akong hinarap. 




Sa wakas makakapagsorry na ako.






"So-sorry may-" hindi ko masabi sa kanya ng diretso dahil sa nararanasan kong kaba.




"SORRY? Anung magagawa ng sorry mo ngayon? WALA!"





Bahagya akong napapikit sa pagsigaw niya.




"If you wa-want to... I'll buy you a ne-new polo." sabi ko dahil yun lang ang naisip kong solusyun






"I can buy my own polo without your help, sa susunod kasi tignan mo yung dinadaanan mo.." sabi niya





Napalitan ng puot at galit ang kanina lang ay kabang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Kaya pala niyang bumili, eh ano pa ang pinagpuputuk ng buchi ng lalaking to.. Yabang !!!





"May hinahanap lang kasi ako-" at agad niya itong pinutol





"May hinahanap?" sarkastikong sinabi ni Mr. Yabang




"Eh bat ka tumatakbo?"





Naalala ko si Nadine na nasa pilahan pa pala at sinabi niyang bilisan ko kaya ako tumatakbo.





Inabot na ata ako ng dalawang oras kakahanap sa faber ballpen na yan, at mukhang matatagalan pa dahil dito kay Mr. Yabang.






Agad kong iginala ang aking paningin para tignan kung saang banda yung faber. Nakita kong malapit lang yun kay Mr. Yabang. Bumaling ako sa kanya at nakita ko yung mala Adonis niyang mukha, maputing kutis at pansin na pansin mo yung abs na bumabakat sa damit niya dahil sa pagkabasa nito.





Humakbang ako papalapit sa kanya. At marahas na kumuha ng tatlong pirasong ballpen sa tabi niya. At agad hinarap yung kamay kong hawak hawak yung mga ballpen sa tapat ng mukha niya.






"Hinahanap ko lang naman to, pero paano ko naman kasi mahahanap kung nakaharang ka naman." Sabi ko at agad tumalikod at nagsimulang maglakad para wala na siyang masabi




Haiiissstt... Buti di na siya sumagot.....






Hinanap ko si Nadine sa pilahan at nakita kong binabayaran na niya yung mga pinamili namin. 







Nang tumingin siya sa akin agad kong winagayway ang kamay kong may hawak ng mahiwagang ballpen. Medyo natagalan akong makapunta sa counter dahil naglalakad lang ako, mahirap na no baka maulit na naman yung nangyari kanina.





"Hay Chloe...sinasabi ko na ngabang aabuutin ka na naman ng ilang oras yang pinagsasabi mong saglit"
Sabi niya habang papalapit ako sa kanya at humalukipkip






Ngumiti na lang ako at nagkibit balibat.




"oh.. bat may dumi ka sa damit" sabi ni Nadine at agad kong tinignan yung damit ko






Naka white v-neck shirt at high waist shorts lang ako kaya mapapansin mo yung iilang tumalsik sakin dahil sa nangyari kanina..






"Uhm..."






Napansin kong marami palang tumitingin sa amin ni Nadine dahil sa tagal ng pag-uusap namin sa counter. Kaya lumapit ako sa kanya at bumulong.






"I'll just tell you later.. when we get to the car"




Nang matapos kong bayaran yung pahabol ko kanina, naisipan kong baka magutom na naman yung bestfriend ko sa biyahe sa kakadaldal.




"Nadine why don't you buy us some food, burger or something.. I'll just get my car.."




"Okay.." sabi niya at nag thumbs up






Lumabas ako sa mall at pumunta sa parking area. Dala-dala ko yung mga pinamili namin na agad ko namang nilagay sa backseat.






Sumalampak ako sa pagkakaupo sa drivers seat, at naghintay sa paglabas ng bestfriend ko sa mall.






Sa kakahintay may namataan akong lalaki. 




Talaga namang nakakaagaw siya ng pansin at agad ko siyang namukhaan.





"O-M-G... Si Mr. Yabang" at napunta yung kamay ko sa harap ng bibig ko dahil sa pagkabigla.







Naka white v-neck shirt na siya ngayon at colored pants. Wow parehas na kaming naka V-neck. Lahat ng taong naglalakad ay napapatingin sa kanya. Talaga namang nababagay sa kanya yung dala niya.







Naglalakad sila ngayon ng guard niya patungo dito sa parking area. 





Kinabahan ako nang nakita kong papunta sila sa direksiyon kung saan ako nakapark. At nakatingin pa sila dito.. OMG baka may balak silang gawin sakin, at baka patayin nila ako dahil sa ginawa ko.







Pumikit ako nang makita kong papalapit na sila sa kotse pero agad akong dumilat nang tumunog yung magarang sasakyan na naka park sa tabi ko. Nakita kong pumasok si Mr. Yabang at yung guard niya at saka sila umalis..






Napaka assuming ko naman...




Paano naman nila malalaman na kotse ko to. At saka tinted to, kaya walang makakakita sakin dito sa loob. Yumuko ako at nilagay yung kamay saka yung ulo ko sa manibela.






"Hayy... ano ka ba Chloe.. kaya sila tumitingin dahil sakanila yung sasakyang nasa tabi ng kotse mo. Huwag ka ngang assuming.." sabi ko sa sarili ko






At nang tumanaw ako sa bintana nakita ko si Nadine dala-dala yung mga pagkain, kaya umayos ako sa pagkakaupo at pinaandar tong kotse.






At saka ko ito pinaharuruot.

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon