Sighting
"Chloe" ani Nadine sabay yugyog sa balikat ko
Saka ako natauhan. Sa totoo lang kasi walang pumamasok sa isip ko sa mga linelecture ni ma'am kaya natutulala ako. Hindi kasi ako makaconcentrate dahil alam kong makikita lahat ni Matthew ang mga galaw ko.
Haayyy... Sana sa hindi ko nalang piniling umupo dito sa harapan.. Yan tuloy. Mas lalong wala akong naintindihan... Hayyy life....
Nang hindi nagtagal matapos narin yung lecture. At saka naman nagpaquiz si ma'am..
Yung totoo ngayon paba siya magpapaquiz, ngayong wala akong naintindihan. Sinasadya ba ni ma'am??
"Okay bring out 1/2 sheet of paper" ani Mrs. Hernandez
Nagdadalawang isip ako kung ilalabas ko ba yung papel ko o hindi. Sa oras na ilabas ko to, baka pagpyestahan ito ng mga kaklase ko. Kahit meron silang papel hihingi parin sila.. Ewan ko ba sa kanila, nababagot ata silang maglabas ng papel.
Iginala ko ang paningin ko at napansin kong may papel na silang lahat.
Okay.. Pwede ko nang ilabas, safe na safe na ang papel ko..
Wooohhhh... Sa wakas
At paglabas ko ng papel. Napanguso ako dahil may kumalabit sa balikat ko. Akala ko ligtas na ko. Pero akala lang pala yun..,. Hay heto na nga ba ang sinasabi ko.
Pagkalingon ko, napalitan ng saya ang pakiramdam ko dahil sa nakita ko.
Bumungad saakin ang mukha ni Matthew. Hay ang gwapo niya talaga!!!Siya pala yung kumalabit saakin... Kilig much!!!
Hinintay ko yung sasabihin niya kahit alam kong hihingi siya ng papel..
"Can you give me some paper?" ani Matthew
Laking pasasalamat ko kasi ako pa talaga yung tinatanong niya ng ganon. Pwede naman siyang humingi sa katabi niya pero saakin siya humihi.
Hayy ang swerte ko naman... Hindi kaya may hidden desire din siya saakin??? Hahahaha napaka assumera ko talaga..
"U-uhm.. Si-sige" pautal-utal kong sagot sa kanya.. Hay nakakahiya. Sino ba naman ang hindi kakabahan pag kausap mo ang isang Matthew Salazar
Agad ko siyang binigyan ng papel..
"Thanks Chloe" aniya saka ko siya nginitian... At my goosshhh ... Ngumiti din siya pabalik...
Ang hot ng pagkakabigkas niya sa pangalan ko. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko kaya nag-iwas agad ako ng tingin.. My gosh.. Parang matutunaw na ako. Pero kailangan kong hindi magpahalata lalo na sa lokaloka kong best friend.
Pag nagkataon patay ako....
"O ba't ang pula ng mukha mo? May allergy ka ba??" tanong ng best friend ko
Buti nalang may pagkashunga tong best friend kong 'to.
"Number 1.." ani ma'am
At nang matapos na ang quiz, confident naman ako sa mga sagot ko dahil sa mga stuck knowledge ko.
"Okay pass your papers" ani ma'am
Nang makalipas ang ilang segundo.. Nagpasa na ng papel ang mga nasa likuran ko.. At nang ibigay ni Matthew ang sinagutan nila, hindi ko agad ito tinanggap.. Kasi pinagmasdan ko muna yung papel niya.... Gooosshhhh... Ang ganda ng sulat niya... Daig pa niya ang mga babae...
"Uyy... Ano pa ang hinihintay mo.. Kunin mo na" sabi ng best friend ko nang napansin niyang hindi ako umiimik.. Namangha kasi talaga ako sa sulat kamay ng loves ko no... I mean ni Matthew no....
*tang.....tang....tang*
Nagring na ang bell.. Hudyat ito na susunod ang favorite subject ng kaibigan ko.... R E C E S S...
Dahil sa kakulitan niya. Napilitan akong magligpit ng gamit ko para makapunta na kami sa canteen.. Haayy... Palagi nalang.
"Hayy... Ang bagal mo.." aniya sabay hatak sa kamay ko... Hatak talaga.. Parang masasakal na yung kamay ko sa pagkakahawak niya... Kaiyak
"Ouch" sabi ko nang sa wakas binitawan na niya yung kamay ko dahil nasa tapat na kami ng canteen. Pahaplos haplos naman ako sa kamay ko dahil sa nadaramang sakit..
Hindi manlang nakonsensya ang lokalokang 'to.. Hindi manlang nagsorry o kahit ano jan... Mas inuna pa niya yang pagkain niya..
"What are you looking at?" tanong ko kay Nadine nang napansin kong ginagala niya ang kanyang mata... Nakaupo kami ngayon sa bench kung saan kami madalas magpunta.. Okay kasi yung view.. At saka gusto ko ring tumambay sa ilalim ng puno..
"As you see Chloe, I'm sighting" sabi niya sabay tingin sa left, right at kung saan saan.
"Of what?"
"Cute boys for you.." Aniya sabay subo ng junkfood..
Talagang nag-eefort siya para lang saakin. Bilib din ako sa kanya..
What's the big deal in having a boyfriend.. Ikakamatay ko ba kung wala akong ganon? Pero para saakin mas gusto kong maghintay sa totoong pag-ibig.. True Love ika nga..
Habang naghahanap si Nadine ng 'cute boys' raw para sakin, namataan ko naman si Matthew na lumalakad sa quadrangle.. Hay halos lahat ng babae napapatingin sa kanya.. On the other hand, hindi pala lahat, kasi hindi manlang siya napansin ng best friend ko... Akala ko ba naghahanap siya....
Hayyy nako... Ewan ko ba dito...
Mas mabuti na yun.. Kesa sa malaman ng lokalokang to ang totoo...
Haayyy Matthew.

BINABASA MO ANG
Destiny
Ficção AdolescenteNaniniwala ka ba sa Destiny or in tagalog tadhana??yung tipong nagkatagpo yung dalawang tao nang hindi sinasadya.. Kaya pa kaya nilang takasan ang isat-isa kung silang dalawa naman talaga yung itinadhana ng puong maykapal Ipinanganak si Chloe sa is...