Test
Matapos ang ilang araw. Naging close na kami ng loves ko. I mean, hindi pala.. kasi ako yung lumalapit sa kanya. Kumbaga nagiging friendly ako kay Matthew.
"Huy!" panggugulat ni Nadine saakin.
"Ano ka ba! Papatayin mo ako sa gulat e!" sabi ko saka ko siya binatukan. Sumusobra na tong babaeng to a.
"Aray Chloe..." aniya at hinaplos ang ulo niya
At matapos ang ilang oras biglang nag iba ang facial expression niya. Kung kanina naiinis dahil sa pagbatok ko, ngayon nakangiti na siya. Yung tipo ng ngiti na parang may nalaman siya.
"So, bakit mo palaging nilalapitan si Matthew?" tanong niya
Hindi naman ako sumagot. Nagkibit balikat lang ako.
"Uyy... si Chloe... crush mo si Matthew no?!" sabi niya at agad kong tinakpan ang bunganga niya.
"Sshhhh....keep quiet, baka kung ano ang sabihin nila" sabi ko at dahan dahang inalis ang kamay ko na nasa harap ng bibig niya
At para siyang baliw na nginingitian ako. "So crush mo nga si Mat--"
hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. "Hindi no"
"Weh.. di nga, bakit mo siya linalapitan?"
"Wala lang. Gusto ko lang namang makipag kaibigan sa kanya" palusot ko
At ang lokaloka bigla nalang sumimangot. Anong problema nito. Ang lakas ng mood swing ng babaeng 'to.
"O bakit?" nagtataka kong tanong
"E kasi, naghahanap ka ng kaibigan e. Bakit ayaw mo na ba akong kaibigan. Kaya ka ba lumalapit sa Matthew na yun?" sabi niya
Tignan niyo to. Napaka drama. Pero mas okay to kesa sa magduda siya na crush ko si Matthew.
"Ano ka ba Nadine, you'll always be my best friend, okay? tsaka wag kang mag-alala pag nakikipagkaibigan ako sa iba.. They're just my friends, and you're my bestfriend. There's a big difference" sabi ko
"Uh so sweet" ani Nadine at niyakap niya ako.
Yinakap ko narin siya pabalik. Napakadrama kasi e.
"Uy.. Kayong dalawa. Magreview na kayo" ani Sir Duke.
Oo nga pala magpapa test si Sir. Ano ngaba yung diniscuss niya. Buti nalang nag take down notes ako. Kaya naiintindihan ko parin.
Kasi naman araw araw akong nababahala. Nasa likuran ko nga kasi si Matthew diba. Minsan tinitignan ko siya sa peripheral vission ko. At nakikita kong nakatingin siya saakin.
Alam ko naman na nakatingin siya kay sir at nakikinig kaya siya tumitingin sa harap niya, at napagkakamalan ko na ako yung tinitignan niya. Assuming kasi ako.
*Tang... tang... tang*
"Okay class, I'll give the test tomorrow" ani Sir Duke
Hayy salamat saved by the bell na naman ako. Makakareview pa ako para sa test bukas.
Ang hirap pa naman ng binibigay ni Sir. 1-20 Identification na nagpapasakit sa ulo ko. Matching type, kasi ganon naman raw kami, mga matsing.
At yung pinakamahirap yung test na may pagpipilian ka. Halos pwede lahat kaya naguguluhan ako kung minsan.
'Kailangan kong makakuha ng mataas na score'. Yun palagi ang nasa isip ko. Kaya determinado akong magreview. Sineseryoso ko ang pag aaral ko.
Unlike others..
Running for salutatorian kaya ang lola niyo. Syempre alam ko naman na hindi kaya ng powers ko na maging valedictorian. Kasi nga si loves yun. Oo magaling talaga si Matthew.
Siya yung tipong mahuhulog lahat ng babae, dahil halos nasa kanya na ang lahat.
"Tayo na Chloe" ani Nadine at hinatak ako.
"San tayo?"
"Sa bahay....luh.. biyernes na Chloe.. diba mag iisleep over ka sa bahay? nakalimutan mo ba?" tanong niya
"Ah.. oo nga pala no"
Yung tomorrow pala na sinabi ni Sir ay sa Monday. Akala ko pa naman bukas na.
Todo review pa naman ako.
Pati si Sir paasa narin. Haaayyy..
BINABASA MO ANG
Destiny
Teen FictionNaniniwala ka ba sa Destiny or in tagalog tadhana??yung tipong nagkatagpo yung dalawang tao nang hindi sinasadya.. Kaya pa kaya nilang takasan ang isat-isa kung silang dalawa naman talaga yung itinadhana ng puong maykapal Ipinanganak si Chloe sa is...