Paano kung may nakasalubong kang palaboy at binigyan ka ng regalo sa kaarawan mo?
Ang epic diba? Sya pa ang nagbigay sayo imbis na sya ang limusan mo.
At paano kung ang lovelife mo, nakasalalay sa raw LABINGTATLONG MAHIHIWAGANG BATO na binigay nya?
Anong gagawin mo?
Maniniwala ka ba...
o
Pupunta ka sa pinakamalapit na sanglaan, ibebenta ang mga ito at iisipin mong isang malaking joke lang ang lahat.
Will you chase the opportunity of love or let that opportunity slip away?
___________
Shin's POV
"Happy birthday to me. Happy birthday to me. Happy birthday, happy birthday... happy birthday to meeeee." kanta lang ako ng kanta habang nageemote sa may kalsada. 'Ni wala nga akong paki sa mga taong nakatanghod na sa akin ngayon. Birthday ko kaya ngayon. Pagbigyan na. Wala lang sanang babasag ng trip ko.
Habang palakas ng palakas yung pagbirit ko, mas maraming atensyon na ang napupukaw ko. Geh mga chismosa talaga. Humayo kayo at pagchismisan nyo ako.
"Nakakaawa naman yang batang yan mars. Kay ganda pa naman. Buang ata yan eh. Halika lumayo tayo baka hablutin nya yung mga pinamili natin." bulong nung isang chismosang mukhang bisugo. Bukod kasi sa malapad na ang noo ni ate, pati labi nya nasobrahan din sa kapal. Kaya siguro ganyan katabil ang dila nya. Bumulong pa sya nya ha, narinig ko naman.
"Naku hindi mars! Mukha syang palaboy. Tignan mo o, pati yung kinakain nya pinupulot na lang nya. Siguro naman matino pa ang isip nya." kumento nung isa.
'Tama yan! Mars ang tawagan nyo. Mukha kasi kayong mga alien na nakatira sa Mars na nagkatawang tao para sakupin kami. Harhar
Napaisip ulit ako. Anong pinupulot ang pinagsasabi ng mga 'to. Ano ako, taong grasa? Haller, kahit gaano pa ako kahirap, hinding-hindi ako mamumulot ng pagkain ko. Baka imbis na pagkagutom ang ikamatay ko, food poison pa ang ika-tsugi ko. Well, well, well, tama na muna daldal. Tinignan ko ang pipitsuging chocolate cake na binili ko sa isang pipitsuging bakeshop sa kanto. Okay lang naman to. Mga pipitsugin kong mga kaibigan lang din naman ang kakain.
"Golly gawgaw!" sigaw ko. Tinginan naman ang mga tao partikular na yung mga taong di naman ako tinatapunan ng tingin kanina.
"Putik naman oh! Wala na. Wala na yung cake. Ano na ang ipapakain ko kina Shan at Shawne ?" Kaasar! Nakita ko na lang na naluslos na yung box nung cake at parang 'ni wala pa sa one-fourth ang natira. Wala na talaga! Kahit yung alagang kuting nang kapit-bahay namin, mabibitin dito.
Nilingon ko yung pinanggalingan ko kanina at tinahak ko ito pabalik, umaasa ako na makikita ko kahit konting bakas nung chocolate cake na nalapirot na pala sa lalagyan.
"Hija, pwede bang makahingi ng makakain? I'm so hungry." May sumulpot na matanda sa tabi ko. Di ko nga alam kung saan sya nanggaling. Talaga palang may mga makabagong kabute ngayon panahon. Nakasuot sya nang kaparehong duster na sinusuot nung tita kong menopause tapos may matching pa syang bakya.
"Hija, I really don't want to be a bother but can you please spare me something to eat?" Medyo napanganga naman ako dun huwaw naman talaga. Ngayon lang ako nakatagpo ng busabos na english spokening dollar. Masyado na talagang advanced ang technology ngayon.
BINABASA MO ANG
13 Pieces of him
AdventureHindi ako si Darna pero may labing-tatlong bato ako. Wala man silang magic, hindi umiilaw sa gabi at hindi nalulunok, alam kong balang araw, they will serve their purpose. A very great purpose for my heart. 13 Pieces of him Do not plagiarize. All ri...