CHAPTER 18

97 6 3
                                    

Chapter 18

Shin's POV

Akala ko simpleng pagdo-donate lang ng mga delata at mga pinaglumaang damit lang ang gagawin ko. Pati pala pagde-deliver kasama kami.

Lahat kasi ng mga class presidents, sasama para irepresent yung klase. Gusto ko sanang kasama sina Shan at Shawne para di boring kaso ako lang talaga eh! Kaasar.

Kung tatanungin nyo ako kung anong nangyari sa amin ni Hail bilang magpartner? Wala. Wala talagang himala. Sinabi nya lang na magkanya-kanya daw kami. Ayaw nya daw ng may kapartner. Nabroken ako dun. Well ganyan naman karamihan sa umpisa. Tignan nyo sa ending ng kwentong 'to kami din ang magkakatuluyan. Mwahahaha. Yan ang spirit!

Papunta na akong school ngayon. 5 am palang kaya ang dilim pa. Dala-dala ko sa karton yung mga pinadadala. Mga delata, noodles saka mga lumang damit. Kinulimbat ko pa to kay Tito Fred na may mini grocery. Sabi ko, bigyan nya ko ng mga delata, noodles at kung anek-anek pa, lalakad ko sya kay Tita. Ayun, wala ng tinubo, abono pa. Ano bang nakita nun kay Tita?!

Nasa may pasilyo na ako at marami-rami naring mga nakakalat na estudyante.

Nakita ko si Tyronne. Dinaanan nya lang ako. Kailangan pa bang imemorize yan.

Nung medyo nakalayo na ako, nakita ko si Xander. Magkakasalubong kami at alam kong nakikita nya ako.

"Xander, tulungan mo naman ako."

Huminto naman sya at tinitigan ako. "Ayoko."

Nilampasan na nya ako. Dahil sa sanay na akong lampas-lampasan lang nila, hindi na ako naasar. Para saan pa? Buti sana kung may mangyayari. Wala naman diba? Kung magwawala ba ako dito, babalikan ba nila ako dito ha?? Magsalita ka!!

Pero matry nga nating maasar, baka bumalik ang isa sa kanila. 1,2,3, "Aah---"

Bigla akong napahinto ng agawin ni Xander yung daladala ko at naglakad na sa direksyon na pupuntahan ko. Sinundan ko nalang sya syempre.

"Salamat sa pagbubuhat ha. Sabi ko na nga ba tutulungan mo ako."

"Hindi ko naman talaga gustong buhatin 'tong inaamag na kahon mo kung di ko lang kailangan."

"Aba. Ganyan talaga kulay nyan. At kung di mo naman talaga ako gustong tulungan bakit mo kinuha yan?! Anong trip mo?"

"Look at the back and you'll know the answer."

Tumingin naman ako at nakita ko si Sandra at Madelyn. Ano ba tong mga babaeng to. Wala ba silang ibang ginagawa sa buhay kundi bumuntot ng bumuntot kay Xander?

"Ah. Kaya pala."

"And what's that suppose to mean?"

"Kaya pala bumalik ka at parang hindi mo ako nilayasan kanina."

"Xander, hintayin mo kami!" Sigaw nung dalawa sa likod.

"Bilisan natin." Ang bilis nyang maglakad. Ako sumusunod lang.

Halatang-halata na gusto na nya akong kaladkarin pero di nya lang magawa. May hawak kasi syang kahon diba.

Ting! May brilliant idea ako.

"Ay ang galing nilang sumayaw o."

"Bilisan mo ngang maglakad. Maaabutan na nila tayo."

"Saglit. Ang galing talaga nilang magsayaw. Tignan mo." Sabay turo ko. Tingin naman sya.

"Ako ba, pinaglololoko mo? Saan ang nagsasayaw dyan? Wala naman!" Sigaw nya sa akin.

13 Pieces of himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon