A/N: This is how to pronounce the names of my characters, just for those whose asking:
Hail- heyl
Shawne- shon
Tyronne- Tay-rown
Cyriel- Say-ril
Xander- San-der
Yung iba, kaya nyo na sigurong basahin. Malalaki na kayo. Keribels nyo na yan. Mwahaha. Peace ^___^
_____________________
CHAPTER 7
Shin's POV
"Samahan nyo ako mamayang uwian. Hanap tayo ng lugar na pagiiwan ko ng gems."
Nandito kami ngayon sa classroom. Sumasagot kami ng seatwork sa math. Ang subject na super duper mega extreme hate ko. Ito ang subject na sa tanang buhay ko, hindi ako nakatikim ng line of 8 kahit minsan.
"Yes naman! Nakamove on na si Shin. Oks ka ng walang pera?" Si Shawne. Kunwari nagsusulat pero di naman talaga. Ginagalaw-galaw nya lang yung kamay nya kunwari.
"Syempre hindi. Sino bang magiging ok ng walang pera? Pero alangan namang magdrama pa ako?" Ginagalaw-galaw ko din yung kamay ko habang nakatungo para di kami mahalatang naguusap.
"Dun mo na lang iwan yan sa may nagsasalitang pader na sinasabi mo." Si Shan. Nile-leterring nya yung pangalan ni Xander. Xander Ian Fajardo pala buong pangalan nung asungot na yun.
"Bakit ba mukha kang nagsasalitang pader Shan. Gustong-gusto mo talaga dun."
"Syempre naku-curious ako."
"Curiousity kills the cat! Yan ang kasabihan Shan."
"Sorry ka Shin. Hindi ako pusa. Isama mo na kasi ako dun. Gusto ko ng makita yun eh."
"Alam mo bang mapanganib dun? Dun nagkukuta ang mga ligaw ng kaluluwang hindi nakita ang liwanag." Tinignan ko sya.
"Hay naku Shin! Kailangan mo ng komunsulta sa isang therapist. Kailangan mo ng magamot." Payo sa akin ni Shan. Halatang di sila naniniwala. Pinagpatuloy nya ang ginagawa.
"Psychiatrist." Mahinang usal nung katabi ko. Si Sugar na palaging tikom ang bibig. "Hindi therapist."
"Ah. Oo nga Shan. Mali ka naman eh. Nga pala Sugar, bakit di ka gumagawa? Di mo din alam ang sagot no? Hehe kawawa naman tayo."
"Tapos na ako." Mahinang usal nya.
"Weh? Di nga? Tapos ka na talaga?"
"Oo."
"Patingin nga." Akala ko hindi nya ipapakita yung sagot nya pero agad nyang inabot sa akin yung intermediate pad nya.
"Wow! Ang galing! Paano mo na solve to? Ang hirap-hirap nung equation sa board ha." Namamanghang tanong ko sa kanya.
"Madali lang naman yan. I can solve equations difficult than that." Walang halong pagyayabang yung sinabi nya. Para pa nga syang nahihiyang ewan.
"Talaga? Ah eh, di ko kasi alam kung paano yan i-solve eh. P-pwedeng pakopya?" Alam ko ng isasagot nito.
Sasabihin nyang: Ang hirap-hirap magsolve tapos mangongopya ka lang?! Mahiya ka naman!! Sabay irap.
O di kaya: Ayoko nga. Hindi ako nagpapakopya. Magsolve ka dyan magisa mo. Di tayo close! Tapos aagawin nya saken yung papel.
"Sure. Just hide it under your chair. Baka makita ka kasi ng teacher natin." Nagsmile pa sya.
BINABASA MO ANG
13 Pieces of him
AdventureHindi ako si Darna pero may labing-tatlong bato ako. Wala man silang magic, hindi umiilaw sa gabi at hindi nalulunok, alam kong balang araw, they will serve their purpose. A very great purpose for my heart. 13 Pieces of him Do not plagiarize. All ri...