Dedicated to BAKS GARCI!!!
____________
CHAPTER 12
Shin's POV
[THE SECOND THIRTEEN]
Nandito ulit ako ngayon sa pinaglalagyan ko ng gem. Sa may halamanan sa may malapit sa hideout nila Hail. Kasalukuyan ko ng inilalapag yung pangalawang gem. Amethyst ang pangalan ng bato. Kasama ko ngayon sina Shan at Shawne.
"O ano? Iiyakan mo pa yan? Ang tagal ha." Shawne
"Hindi noh! Inaayos ko lang yung lagay. Baka mahulog."
"Uy Shin! Nasan na yung pader? Yung nagsasalita? Turo mo na dali." Masigasig talaga si Shan sa pader na yun. Kaso, hindi ko na pwedeng sabihin ang tungkol dun.
"Ay wala yun. Joke lang yun."
"Mukha mo Shin! Pagkatapos mong ipangalandakan sa mukha kong nagsasalita yun, ngayon joke lang?? Nasan na nga?" Shawne
"Wala nga. Ang kulit. Nanaginip lang pala ako nun. Di ko nga alam na panaginip lang pala yun eh"
"Ewan ko sayo. Halika na nga."
"Wait lang!" Luminga-linga pa ako. Kanina pa nga sila nagtataka kung bakit ako lingon ng lingon. Di ko sinabi na baka makita ako nung apat dito. Yung Poker Face Four. Ang dahilan ko, bawal dito ang mga estudyante at kailangan na makaalis agad kami.
"Lingon ka ng lingon Shin? May pinagtataguan ka ba?"Shan
"Ay wala. Lika na." Umalis na kaming tatlo
Nang makabalik kami sa classroom namin, nagyaya na yung mga classmates ko magpractice ng El Fili.
"Shin, dapat lakihan mo yung boses mo. Parang tunay na lalaki dapat." Sabi sakin ni Aira. Sya kasi yung gumawa ng script.
Eh di lakihan. Enebeyen. Ang daming ekek churva ng play na itey ha!
"Ok, tama na muna yan. Magbreak na muna tayo. Mukhang mga gutom na kayo eh. Mabuti pang magsikain muna tayo."
Tama yan! Yan ang pinakabrilliant sa lahat ng brilliant na naisip mo. Haha.
"Lika na! Labas na tayo." Hinatak kaming dalawa ni Shan ni Shawne. Gets nyo? Haha.
"Saan tayo kakain?"
"Saan pa ba? Eh di sa canteen. Alangan namang sa library tayo kumain Shin. Jusko, yung mga tanong mo ha! Palala ng palala day by day." Shawne
"Ang dami mong sinabi Shawne. Alam mo yun? Ang gusto kung sabihin, lalabas pa ba tayo o dito na lang sa loob ng school."
"Linawin mo kasi. Ang labo kasi eh."
"Nagugutom na ako. Alam nyo yun? Kaya halika na. Bago pa humaba yang usapan nyo at ugatin tayo sa kakatayo dito."
Paalis na kami ng may biglang umeksena.
"Why do I feel na andaming surot sa paligid?"
"Oo nga. Tama. As in you correct. Right. Check. " biglang sulpot naman ni Mindy. Nakangiti pa sya.
Nagroll eyes si Shan. Asar yan kay Trixie eh. Sino bang hindi? Eh ang sama ng ugali ng babaitang Trixie na yan! Santa ka na pag di ka pa nagalit sa kanya.
Walang umiimik sa aming tatlo. Ayaw naming pumatol. Baka baliktarin pa kami nitong babaeng to. Diba nga teacher nanay nya? Eh di may back-up na yan kung sakali. May ninong naman ako kung tutuusin. Kaso, hindi ako kakampihan nun. Hmpp! Pasalamat sya.
"Tatlong surot in a row. Grabe na to! Tsk tsk tsk. Ang sarap tirisin. Kaso, as much as I want to, I can't. My fi hands might get ewwww...."
"Yeah. Tama ka. Correct. Right. Check." Mindy.
BINABASA MO ANG
13 Pieces of him
AdventureHindi ako si Darna pero may labing-tatlong bato ako. Wala man silang magic, hindi umiilaw sa gabi at hindi nalulunok, alam kong balang araw, they will serve their purpose. A very great purpose for my heart. 13 Pieces of him Do not plagiarize. All ri...