CHAPTER 19

132 5 1
                                    

Chapter 19

Shin's POV

Natuturete na ako kung saan ako sasakay. Kung sa bus ba ng school o sa van ng Poker Face Four.

Shet lang kasi. Anong hangin na naman ba kasi ang pumasok sa kukote ng Xander na yun at sinabi nya kay Hail yun.

Kung sa school bus ako sasakay pauwi, magtataka yung iba kung bakit di ko kadikit yung kutong lupa na si Xander. At si Sierra. Bubwisitin lang ako nun.

Eh kung sa van.... eeehh. Bistado na nga aketch diba. Anong makapal na mukha pa ang maihaharap ko sa kanila? Kay Hail My Loves? Bakit ba kasi ang yaman nila at ora-oradang nagpadala ng sasakyan yung mga magulang nila.

Pero teka, ba't ba ako namomroblema? 'Ni wala ngang nagaaya sa akin sumakay sa van. Hay shunga ko talaga. Nag-isip pa ako wala namang option. Hindi mo talaga ginagamit yang isip mo Shin! Dahil minsan mo lang paganahin, ayan sobrang purol na!

Paakyat na ako ng school bus ng may biglang tumawag sa akin."

"Shin."

Eto na nga. Tinawag na ako ni Hail.

Nagmadali ako sumakay ng bus kaya di ko nakita yung apakan. Ayun, dumiretso yung mukha ko dun sa loob.

"Okay ka lang?"

"Hehe. Okay lang. May tinignan lang ako sa loob." Sabay himas ko nung noo ko. Sakit. Tumama eh.

"Join us sa van."

"Ha?"

"Sa van tayo."

"Ha?" tama naman yung narinig ko diba? inaaya nya ako?

"Are you deaf? I said dun na tayo sa van."

"Dito na lang ako. Gusto ko dito."

"Sa amin ka nalang sumabay."

"Okay lang talaga. Dito nalang ako."

"Please. Come with us."

"H-hala. Sige na nga." Bakit nakikiusap sya. Kung nilaglag na ako ni Xander dito kay Hail at di sya nagalit at nagawa pa nya akong yayain, malaki ang tsansa. More chance of winning! Sige umasa ka pa. Para kapag mali na naman tatawanan ka na naman nung mga kaibigan mong may sapak.

Hays! Mga friendships. Kung kasama ko lang kayo ngayon sobrang saya ko siguro dito. Sabay-sabay nating titirisin si Sierra. Mwahahaha.

Sa huli, magagawa ko ba syang tanggihan? Sumama na ako. Choosy pa ba?!

Binuksan ko yung van at nakita ko sa loob yung tatlo kasama yung isang driver at isang bantay ata nila na nakauniform din. Bale sa backseat kaming lima.

Sumakay na si Hail. Ako rin sumunod na.

Tahimik kaming lima. Ano to, alin ang naiba? Ako lang babae dito ha. Nakakailang.

Yung upuan kasi, ewan ko ba bakit ganito yung ayos. Parang hindi pangkaraniwang van. Magkakaharap kaming lima. Para kaming sindikato na nagpaplanong mang-salvage. Naramdaman ko nang umandar yung sasakyan. Pagabi narin kasi at gagabihin na kami sa daan.

"Ano ba tayo dito? Paunahang mapanisan ng laway?" Nagsalita na ako. Ang tahimik eh. Ang katabi ko nga pala ngayon ay si Cyriel at Tyronne. Shet. Si menopause baby. Mwahahaha.

"Minsan talaga puro kababuyan yung lumalabas dyan sa bibig mo." Comment ni Tyronne sa tabi ko.

Inirapan ko nga. Kasi naman eh. Ano ba talagang problema nitong ungas na ito?

13 Pieces of himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon