CHAPTER 1

301 16 2
                                    

CHAPTER 1

Shin's POV

Ayun! umuwi akong windang sa mga pangyayari. Tulaley ako sa mga mamahaling bato sa kamay ko. But wait! Nasabi ko ba talaga ang  word na 'mahal'? Jusmiyo marimar I am soooo vrilyant mahihiya sa akin ang diamonds hehe. Ito ang sagot sa lahat ng kalbaryo ko. May pangtuition na ako!

YES LET'S PARTEHH!!! TUGS TUGS TUGS

Kaso biglang...

"Hinayupak ka! Bumalik ka dito."

Waaah! Tinangay ni kuyang magnanakaw yung box na binigay ni Lola. I shout for joy. Este, sumigaw ako ng saklolo. Pero waray upay, waray gani. Walang pumapansin sa akin. MGA MANHID!!

Kaya ng mapansin kong nagmumukhang tanga na ako dito kakasigaw, tumigil na ako and run for the thief. Wahaha. Lumelevel up na ako! Paenglish- english na lang. Well may kasabihan nga tayo, Black is beauty if your brain is empty. Oy walang agawan ng quotes ah. Akin lang yan.

Hindi ko na namalayang habang sumisigaw ako ng HELP eh tumatawa ako at the same time. Mukha akong aning na gumala dito. Ng biglang....

"Miss, are you insane or something?" nabangga ko ang isang lalaking makupad pa sa pagong maglakad. Tinignan ko sya.

Di ko sya masigawan. Hindi dahil sa nabighani ako sa kagwapuhan nya... pero infact ang gwapo nya talaga. Ay, ang kerengkeng ko. Nanakawan na ako't lahat nakuha ko pang lumandi. Pero seriously, hindi ko naintindihan ang sinabi nya.

"Yes. I am." sagot ko na lang. Bahala na. Kaylangan ko ng mabawi ang kayamanan ko. Naks naman. Kayamanan talaga eh.

"Tss. Sabi ko na nga ba. Do you want me to send you to the nearest psychiatric ward?"

"Ha? Oo sige. Pero later nalang yan pwede? Kahit hindi kita maintindihan. Pero tulungan mo muna ako. Parang awa mo na."

"Call someone else. I'm busy."

"Sige na po, saglit lang promise!"

"I said i'm busy."

"Sige na." hinigit ko pa ung damit nya. Sinamaan nya ako ng tingin. Oh my! Takot ako.

"Back off." napabitiw naman ako sa kanya.

"Eh di wag. Ang yabang neto. Sayang hati pa naman sana tayo sa perang mapagsasanglaan ko nung mga yun. Pero dahil ang sama ng ugali mo. Manigas ka dyan."

 

Nilayasan ko sya. Hindi lang sya ang tao sa mundo.

Nagpatuloy ako sa paghahanap ng aking nawawalang 'kayaman kuno'.

Sa di kalayuan ay namataan ko si kuyang magnanakaw.

"HOY AKIN YAN! IBALIK MO SA AKIN YAN. NOW NA! AT THE COUNT OF TEN DAPAT NASA DESK KO NA YAN! 1,2--"

"Tanga ka pala e. Wala ka namang desk saan ko ilalapag to?" tanong nya.

"Ay ibibigay mo na?" Medyo nagalak naman ako sa sinabi nya.

"Hindi wala ka namang desk. Tsaka akin na to!"

 Punyemas pengeng desk ipapalamon ko lang saglit sa magnanakaw na to.

"At kelan naman naging sayo yan?"

"Kanina. Nung ninakaw ko sayo." 

Amputik, pilosopo to ha.

Hinablot ko naman ulit pabalik ung kahon. "O ninakaw ko na sayo. Akin na ulit to. Sige, ciao!" tinalikuran ko na sya.

Nagulat na lang ako nung biglang may bumalya sa likod ko. "Aray!" 

Amputik, nabalian ata ako. " Bakla ka ba ha?!" nakuha ko pa talagang mangasar.

Sinamaan nya ako ng mukha. "Baka gusto mong sample." Akmang sasampalin nya ako. Sa katunayan nyan, nakaluhod na ako ngayon sa maalikabok na kalyeng ito. Medyo baboy lang kasi nung isang araw may nakita akong tumataeng aso dito sa mismong kinasasadlakan ko.

"Ops, ops, ops!" napatigil naman sya.

"Ganito na lang, hati na lang tayo. Para lahat masaya. Diba?!"

Mukhang pinagisipan nya naman yun. Yes! Mauutakan din kita akala mo ha. I'm genuiser than you. I am the genuiest of them all hoho.

"Akin ung mga gems, sayo yung kahon." Alok ko. Patas naman diba? diba?

At alam nyo kung anong ginawa nya sakin?

Lumapit sya...

Dahan-dahan...

Slowly...

But surely

Nanginig ako sa kinasasdlakan ko.

Ayan, konti na lang, malapit na sya. 

At sa paunti-unting paglapit nya, alam kong konting-konti na lang din, KATAPUSAN ko na.

Hanubayan, ang slow-mo naman nitong lumapit. Ano kami dito, gumagawa ng music video? 

Ang sama ng tingin nya. Parang kakainin ako. 

Pikit kaya ako? Para maganda yung moment ng pagkamatay ko. 

Nasa harap ko na sya. At unti-unti kong nakikitang papalapit ang mga malalaking kamay nya sa mukha ko. 

Waaah! Mamatay akong may black eye. Ampangit naman. Baka laitin lang ako ng mga taong dadalo sa burol ko. 

At dahil sa thought na mamatay ako, Pumikit na lang ako. 

at...

at...

"Hoy!" napadilat ako.

"Kukuhain mo ba 'to o hindi?" tinignan ko yung kamay nya.

Yung kaninang ine-emote, emote ko na mamatay akong may black eye ay purong katangahan at ka-OA-yan ko lamang pala. Kala ko sasapakin ako ni kuya eh. Yun pala, Inaabot nya lang sakin ung mga gems. At anak ng tokwa! Mas interesado talaga sya sa BOX? Yung totoo, uto-uto ba si kuya o sadyang tanga lang sya?

Syempre kinuha ko yung mga gems. Aarte pa ba ako?

Ayun. Umalis syang masaya. Asdfghjkl! Masaya talaga sya? Engot naman nun. Ngayon ko talaga napatunayang i'm genuiest of them all.

Haist. Uuwi na talaga ako. Kung anu-anong mga weird na tao ang nakasalamuha ko ngayon.

13 Pieces of himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon