CHAPTER 6

203 10 3
                                    

A/N: This is how to pronounce the name of my characters:

Hail- heyl

Shawne- shon

Yun lang. Yung iba, kaya nyo na siguro i-pronounce. Malaki na kayo. Joke! Peace po!

Shin's POV

Hawak-hawak nya parin ang kamay ko. Ang kamay ko na kanina lang ay nilalapirot ni Shan. Inagaw nya ang kamay ko kay Shan! Lagot ako! O______O

"Alam kong nagbibiro ka lang Xander. Joke lang to diba?"

"No. Im not joking. Im breaking up with you. May girlfriend na ako. Lubayan mo na ako Madelyn please lang."

Madelyn?? Nung nakaraan Sandra. Ngayon Madelyn naman. Multitasking? Sabay-sabay? Sa sungit at suplado nyang yan, may nagkakandarapa pa sa kanya?

Aba! Nagsalita ang hindi nagkakandarapa din sa isang ubod din ng sungit!

"Ayoko Xander. Di ko ito matatanggap. I'm gonna kill my self!!"

Aba. Talaga naman o! What a coincidence? Pare-pareho ng linya ang mga girlfriend nitong lokong to ha! Bakit di kaya sila magsabay-sabay na lang para isang lamayan na lang?

"Guess what, I really don't care."

"Xander. Please naman. I'm willing to share. Kahit pagsabayin mo na lang kaming dalawa okay lang. Just please, wag mo akong iwan."

Ano to? Nestea? Share-share? Kanyang-kanya na tong si Xander. May Hail Myloves na ako.

"Ah eh miss excu---" Pinutol ako ni Xander sa sasabihin ko.

"It's okay Divine. No need to say something. Break na kami kaya no need to worry."

"Divine ka dyan?! Hindi Di---" Shete to! Ayaw akong patapusin.

Tinatanggal ko yung pagkakahawak nya sa akin ng pasimple. Pero, wala eh. Makapit talaga.

Naguusap pa din silang dalawa ni Madelyn. Habang ako, hindi makaepal. Si Shan, nakatayo lang. Nanlalaki ang mata. Si Shawne, ayun, binibilang yung mga bato. Hindi man lang ako tulungan.

"Hoy Shan. Kumurap ka naman dyan. Baka lumuwa na yang mata mo."

Tinignan naman ako ni Shan. Alam ko na yang tingin na yan. Magagalit na naman yan.

"Lets go Divine." Hinila nya na ako.

"Hindi nga ako si Divine." Pinanlakihan ko sya ng mata.

"Just ride okay?!" Bulong nya sa akin.

"Bakit naman ako sasakay? Wala namang sasakyan?"

"Huh?!" Naguguluhang sabi nya.

"Sabi mo ride."

"Stupid! What I am trying to say is, go with the flow. Pretend. Act like my girlfriend."

"At bakit naman?! Okay ka din ha! Humanap ka ng ibang mauuto mo."

Nakikipagsagutan na ako sa kanya pero pabulong lang din.

"Do you want me to beat the hell out of you? I can make your life miserable. Choose, you'll act or you'll die?!" Nginitian nya ako ng nakakaloko.

May pa-die die pa tong lokong to laspag na yang panakot na yan. Paano nya ako papatayin aber? Papakainin nya ako ng ipis? Baka sa harap nya pa mismo ko papakin yung ipis makita nya.

Konti pa lang ang nalalakad namin palayo sa kanila pero katakot takot na asar na ang napapala ko dito kay Xander. Shete naman o! Dati nilalampasan lang ako nito ha. Ngayon hinaharas na ako. Leche!

13 Pieces of himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon