CHAPTER 15
Shawne's POV
"Shawne!"
Utang na loob! Walang pasok! Natutulog pa ako eh!
"Shawne!"
Hay nako! Manigas ka dyan. Bahala ka dyan. Basta ako, matutulog pa.
"Shawne! Shawne! Shawne!"
"Wala. Nasa Japan. Nasa taas ng Eiffel Tower. Kumakain ng cherry blossom. Tatalon na sya. Punta ka nalang sa burol nya." Sigaw ko para lumayas na kung sino mang istorbo sa kapayapaan ko ngayon.
Wait, nasa Japan ba yun? Parang Paris ata. Bayaan na nga. =_=*
Zzzzzz....
"Shawne!" Ay ang kulit? Nasa Japan pa nga ako eh. Gaaaah!!
"Meralco po! Puputulan na po kayo ng ilaw. Di po kayo nakapagbayad ng bill nyo on-time."
"Gora lang! Putulin nyo na."
"Shawne!"
"Wala nga!" Pupungas-pungas kong sigaw.
"PDEA kami! Nagtutulak ka ng droga. Huhulihin ka namin!"
"O sige, di ko na itutulak, BUBUHATIN ko na lang! Umalis ka na."
"Hoy Shawne! Si Shin to! Ayaw mo ba akong papasukin? Sabihin mo lang. Aalis na ako."
"O sige. Umalis ka na."
"Shawne naman eh!" Sigaw parin nya sa labas.
Pambihira naman tong si Shin oh! Ang aga-agang mangapit-bahay. Naglalaway pa ako dito eh.
"Ito na. Saglit lang."
Nagtoothbrush, at naghilamos muna ako bago ko lisanin ang taas ng mansyon namin. Wahahaha. Mansyon talaga eh noh?
Bukod po sa kaalaman nyong maganda ako, Weh?! Sige na. Om-oo nalang kayo. Madalas akong mapagkamalang tomboy. Ewan ko ba! Porke't maiksi ang buhok ko tomboy na agad?! So pag nagpahaba na ako ng buhok di na babatikusin ang sexual preference ko? Ganun ba yun?
Mahilig din ako sa mga loose na damit. Komportable kasi sa katawan. Ayoko kasing maglaway ang mga fafables sa super sexy kong body. Minsan ta-try ko magfit na damit. Pero saka na pagtinopak ako.
Sa ngayon, tama na muna tong daldalan natin sa mala-lesbiana kong fashion sense at babain na natin ang malamang na nagwawala ng si Shin na takas sa Manila Zoo.
"Grabe. Anong bang ginawa mo at parang kalahating-oras mo nang nakalimutang naghihintay ako dito?" Tamo, sabi ko sainyo eh. Nakapamewang pa sya pagbukas ko ng pinto.
"Ay, highblood agad? Ang aga-aga pa wag kang bad vibes. Baka di tayo swertehin."
Nagtuloy-tuloy si Shin sa sala namin at humilata sa sofa.
"Anong maaga? Magtatanghalian na señorita! 'Yang gising mo wala sa ayos!"
"Ganun talaga Shin. Minsan na nga lang tayo walang pasok eh. Samantalahin na." Sabi ko.
"Saglit, anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Namiss kita Shawne eh!" Nagulat ako ng biglang bumangon si Shin at niyakap ako ng mahigpit.
"Ay, ang drama teh ha!" Ano nanaman kayang nakain nito at ang agang magdrama? Niyakap ko din sya. Syempre, mahal ko tong luka-lukang to. Pati na yung isa pang loka, si Shan.
Nagulat na lang ako ng biglang nagtatalon si Shin. Ay parang may tama lang?
"Anyare sayo?"
"Kasama ko si Hail kanina. :)"
BINABASA MO ANG
13 Pieces of him
AdventureHindi ako si Darna pero may labing-tatlong bato ako. Wala man silang magic, hindi umiilaw sa gabi at hindi nalulunok, alam kong balang araw, they will serve their purpose. A very great purpose for my heart. 13 Pieces of him Do not plagiarize. All ri...