Sorry. Late update.
One shot ko po: http://www.wattpad.com/23899486-glow-in-the-light-feelings-one-shot
------------------
CHAPTER 14
Shin's POV
"Shin..."
"Hail?!" Hohemhee!! Ito na ba ang pinakahihintay kong tawag nya? Dyos ko, ano po bang kabutihan ang nagawa ko nung nakaraan kong buhay para pagpalain nyo ako ng ganito?
"Anong Hail? Shin, si Ninong Fred 'to. Nandyan ba si Mildred?"
Si Ninong Fred 'to? Ang nagiisang pursigidong sumusuyo sa lipas na ng panahon kong Tita? Buti pa to si Tita lumalablayp na eh. Ako, nganga parin.
Naku, sana naman di ako umabot sa edad ni Tita bago ako magkalablayp. Haller! Paparamihin ko pa ang napakaganda kong lahi noh!
"Tulog pa si Tita, Nong. Mamaya nalang po kayo tumawag kasi baka pag ginising ko yun, mabungangaan pa ako." Di ko nalang sinabi na pinagtataguan sya ni Tita.
Syempre, ano pa bang ginawa ko? Eh di bumangon na.
Ginawa ko lahat ng gawaing bahay na nakaatang sa akin at nagmadali na akong maligo.
Walang kain-kaing tinakbo ko ang bahay ni Shawne. Sinabayan ko yung eroplano para makatipid. Haha. Joke lang!
"Sa may kanto lang po ng Hererra." Sabi ko sabay abot ng pera kay manong driver.
"Pang-ilang kanto neng?"
Bakit? Ilang kanto ba meron yung lugar nila Shawne? Parang isa lang naman.
"Ilang kanto po ba meron dun manong?" tanong ko. Kasi naman eh! Tuwing pumupunta ako kila Shawne, wala namang tinatanong na kanto.
"Apat. Di ka ba maalam sa lugar na to neng?"
Ay chika-chika na kami ni Manong. Close na agad?! :)
"Maalam naman po." ginaya ko talaga yung word ni Manong. "Kaso, diba isa lang po ang kanto dun?"
"Apat neng. Bakit? Ilan ba yung kanto ng bahay nyo?"
So, ano namang konek ng kanto ng bahay namin sa kanto ng Herrera.
"Apat po." Sinagot ko na din. Mamaya, iligaw pa ako nito paginisnob ko. Ako palang kasi yung sakay nya.
"Yun pala eh. Ang bahay din namin may apat na kanto. Ang bahay ng presidente din may apat na kanto. Kaya malamang sa malamang, may apat na kanto rin ang lugar na pupuntahan mo neng."
Frustrated engineer siguro tong si Manong. Andaming alam.
"Sige po. Sa pangatlong kanto na lang."
"May karagdagang bayad neng." Hirit ni Manong.
"Ay naku manong ah! Niloloko mo ata ako eh! Bababa na nga lang ako."
Bumaba na ako tapos nakipagtitigan kay manong driver sa rearview mirror.
Anong akala nya sakin? Uto-uto? May paapat-apat na kanto pa syang nalalaman ah! Kuuu!! Kung di lang talaga to matanda at kaedad ko lang ipa-flying kick ko talaga to sa puro KANTO nyang mukha.
Haist! Grabeng modus naman oh. Ako pa talaga ang natyempuhan.
"Bakit ka bumaba neng?" Tanong ni Manong.
"Maglalakad na lang ho ako. Bye. Pagpalain nawa kayo ng eight pesos ko. Babuu! Chorvaloo."
Nagmartsa na ako paalis-. Magalay-lakad nalang muna tayo for the meantime. Masaya naman to eh. Kahit hindi. T____T
BINABASA MO ANG
13 Pieces of him
AdventureHindi ako si Darna pero may labing-tatlong bato ako. Wala man silang magic, hindi umiilaw sa gabi at hindi nalulunok, alam kong balang araw, they will serve their purpose. A very great purpose for my heart. 13 Pieces of him Do not plagiarize. All ri...