CHAPTER 8
Shin's POV
"Matagal pa ba?"
"Wag kang atat. Maghintay ka dyan." Inirapan nya pa ako.
"Hindi ka pa ba oorder? Nagugutom na ako."
"Do you have lots of something inside your stomach? Kanina ka pa ha!"
"Oo nga eh. Kanina pa nga ako nanghihingi ng pagkain sayo pero kahit candy, ayaw mo akong bigyan."
"Bakit di ka ba makahintay ha?! Are you that hungry?!"
"Manghihingi ba ako sayo ng pagkain kung hindi?! Akala ko ba, ako ang bobo? Bakit parang mas bobo ka pa sakin?"
"Wag mo akong sinasagot ng ganyan! Baka nakakalimutan mong-----" Pinutol ko sya sa sasabihin nya.
"Na may alas ka sa akin? Oo alam ko na yan. Kung may alas ka, meron naman akong heart, spade, diamond saka flower. Pati king, queen at jack nasa akin. Ano lalaban ka pa? Tong-its ka na. Mwahahaha." Tinawanan ko sya ng nakakaloko. Grabe! Laughtrip ang mukha nya. Parang intsik na nalugi.
"Yes. You have them all. But I HAVE HAIL." Lintik! Nadali ako dun ha.
"O sige. Swap na lang tayo."
"Crazy." Lumingon sya. Halatang naiinip na din. Ayaw pa kasing umorder eh. Nagmumukha na kaming tanga dito. Habang kumakain ang lahat, kaming dalawa, nakaupo lang.
Siguro, nagtatanong kayo kung bakit magkasama kami ng boklogs na Xander na to ngayon sa isang fine dinning restaurant na ito no? Ganito kasi yun.
FLASHBACK
Naglalakad ako ngayon sa ulap. Yup, yup, yup! Ulap talaga. As in, clouds. Napanaginipan ko kasi si Hail Myloves. Nakangiti sya sa akin at magkaholding hands kami. Nakakakilig nga kami sa panaginip ko eh. Para kaming magboyfriend girlfriend. Nakasukbit sa balikat nya yung bag ko. Tapos nagpunta kami sa park. Kumain kami ng kung ano-ano. Ice cream, pizza at kung ano-ano pa. Pinupunasan nya rin ako ng pawis kapag pawis na pawis na ako. Lakad lang kami ng lakad. Ang saya-saya nga eh. Ang sarap sa pakiramdam na kasama mo yung taong mahal mo. Parang solo nyo yung daigdig.
"Shin, umuulan na." Nginitian nya ako. Shet! Umuulan na nga pero ang hot nya parin. Tulo laway ako nito eh!
"Paano yan? Wala tayong dalang payong?" Nginitian ko din sya.
"Maligo na lang tayo sa ulan."
"Talaga? Maliligo tayo sa ulan?" Masayang tanong ko sa kanya.
"Oo. Halika na." Hinaltak nya ako sa ulanan.
"Ang sarap maligo sa ulan. Ulitin ulit natin ito ha?" Nagpacute ako sa kanya.
"Oo naman. Basta, ikaw ulit ang kasama ko. Kahit bagyuhin pa ako." Hinaplos nya pa yung pisngi ko. Nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko. Waaaahhh! Alam ko na to eh. Magki-kiss kami! Yahoo! Dream come true!
*Bumagyo bigla*
"HOY SHIN! BUMANGON KA NA NGA DYAN! NAPAKATAMAD MO TALAGANG GUMISING!!! NAMAOS NA SA PAGTILAOK ANG MGA MANOK, NAGHIHILIK KA PA DIN DYAN!!!!"
Kung sinuswerte ka nga naman oh! Nandun na eh! Malapit na eh! Nakanguso na nga ako. Konting tulak na lang, plangak! Hershey Kisses na! Nakakabanas!! Kaya pala biglang bumagyo ay dahil may hawak na sprinkler si Tita Mildred. Winisikan nya ako para magising.
BINABASA MO ANG
13 Pieces of him
AdventureHindi ako si Darna pero may labing-tatlong bato ako. Wala man silang magic, hindi umiilaw sa gabi at hindi nalulunok, alam kong balang araw, they will serve their purpose. A very great purpose for my heart. 13 Pieces of him Do not plagiarize. All ri...