CHAPTER 13
Shin's POV
Alam nyo yung feeling na himbing na himbing ka na, ginising ka pa?!
Yung nasa dreamland ka na at abot mo na ang lahat ng pangarap mo tapos may biglang eeksena?
Yung hihilik ka na sana tapos biglang naudlot?
Hay naku! Badtrip na gumising ako ng kalampagin ni Tita yung pinto ng kwarto.
Magtataray na sana ako kaso mas mukhang badtrip to kesa sakin.
Salubong ang kilay at kunot-noong binigay saakin ni Tita yung cellphone nya.
"Oh 'ta? Anong gagawgin ko dyan?" Ide-delay ko muna pala ang pagtataray ko. Sa ibang araw na lang. :))))
"Ihampas mo sa ulo mo!" Yun oh! Pilosopo si Tita!
"Di nga 'ta? Ihahampas ko talaga to. Walang sisihan pagnasira ah!"
"Pinamimigay mo ba yung number ko?! >___<"
"Hindi naman po. Bakit po?"
"May nagtext dyan! Ikaw talagang bata ka! Pinagkakalat mo ang numero ko."
"Unang-una tita, hindi nga ako ang nagbigay ng number nyo. 'Di ko nga kabisado yun. Pangalawa, wala naman sigurong magtatangkang manghingi ng number nyo at makipagtextmate sa inyo. Ang tanda nyo na nga ang sungit nyo pa."
"Baka gusto mong hambalusin kita?"
"Joke lang tita. Masyado ka kasing highblood eh! Pinapatawa lang kita. :))"
"Siguraduhin mong hindi mo pinamimigay ang numero ko kung hindi! Ay naku!"
"Ano 'ta? "
"Alam mo bang balak ko ng ibigay sayo yang cellphone na yan at hindi ko naman din napapakinabangan? Pero---"
Syet! Nabuhay ang katawang tao ko dun ah. "Pero tita, di talaga ako yung nagbigay nung number mo promise! Promise talaga mamatay man si mingming!"
"Ayusin mo nga yung pesteng text ng text dyan. Dyosmiyo ang barumbado nyan at walang galang! Ibalik mo nalang kapag tapos na."
"Sige po tita! :) Goodnight! Ay goodmorning na pala. Goodmorning mabait at maganda kong tita! :"> "
Excited na bumalik naman agad ako sa higaan.
Nawaglit na sa isip ko yung pinoproblema ni tita at kinutingting ko ng kinutingting yung cellphone. Naaliw ako ng sobra. Naglaro ako, nagpicture, at nagpatugtog ng bigla ako mapabalikwas ng tumunog yung cellphone sa kantang di pamilyar sa akin.
*ba-ba-ba-ba-banana, ba-ba-ba-ba-banana*
Hala! Ano kaya yun?
*Bananahhh...potato naaaahh...bananaaah~
To ga li no po ta to ni ga ni ba lo ba ni ka no~
ji ga-ba-ba-ba-ba-na-naaaahhh~~~
Yo planu hu, la pa no nu to
Ma banana like a nupi talamu....*
May nagtext pala. Grabe. Anong klase trip meron 'tong si tita at ganito ang message alert tone?
fr: +63918******3
|Hey! Speak up.|
Ito na ata yung sinasabi ni tita. Ano kaya ang kailangan nito? Syempre, nagreply naman ako.
to: +63918*******3
|Hu u po? Kila2 po ba kita?|
*alien song* Tumunog na naman yung kantang parang ewan lang.
BINABASA MO ANG
13 Pieces of him
AdventureHindi ako si Darna pero may labing-tatlong bato ako. Wala man silang magic, hindi umiilaw sa gabi at hindi nalulunok, alam kong balang araw, they will serve their purpose. A very great purpose for my heart. 13 Pieces of him Do not plagiarize. All ri...