CHAPTER 2

286 15 2
                                    

CHAPTER 2

Shin's POV

"Hoy! Bakit ang tagal mo? Kanina pa kami dito ha! Lipas na't lahat ang birthday mo ngayon ka lang dumating!"

 

"Oo nga. Tirik na nga mga mata namin sa gutom wala ka pa din. Wala na, may ulcer na kami."

 

"Ang OA nyo. Manahimik nga kayo pwede ba?" sabi ko. Ang iingay kasi nila.

"O, nasan na yung pinagmamalaki mong chocolate cake? Alam mo namang iyon lang ang ipinunta namin dito"

 

"Malamang, inubos na nyan sa daan. Sugapa yan eh."

 

"Wow makasugapa naman to. Parang ikaw hindi eh no?" depensa ko sa sarili ko sa kanila.

By the way, yung mga kausap ko ngayon ay yung mga kaibigan kong pinulot sa tae ng kalabaw. Baka bukas hindi na kami magkakaibigan nyan kasi naasar na ako sa kanila ngayon.

"O e kung ganun, nasaan na? Bakit wala ka naman dalang cake? Hindi naman siguro tayo naglakalokohan dito?" Pangungulit pa ni Shan.

"Sa kasamaang palad, wala na. Pero sa mabuting talampakan naman may natanggap ako." sagot ko.

"Tamo! Sabi ko sayo Shan eh. Sugapa talaga yang si Shin. Hindi man lang tayo naalala. 'Di man lang naisip na may naghihintay sa kanya dito." emote ni Shawne.

OA ba sila masyado? Kahit hindi ko na kayo tanungin, alam kong mga OA talaga sila. Mga lakas trip din yang mga yan eh. By the way, highway, kilala kami sa classroom bilang 'The Rhyme'. Wala kaming banda ha. Di rin kami member ng dance troupe na walang alam kundi magbalibagan ng katawan. Di rin kami yung katulad nung mga nerd at geeks na pambato sa mga patalinuhang contest. Mas lalong di naman kami yung mga naggagandahang estudyante na kabilang sa mga elite na tinuturing na 'yaman' at 'karangalan' ng school. Simple lang naman ang dahilan.Alam nyo na siguro kung bakit diba? Kung may pagkashunga din kayong katulad ko at masyadong slow makarelate sa mga bagay-bagay, sasabihin ko na rin. Obvious na magkakatunog ang mga pangalan namin. Pero iba-iba naman ang spelling. Ewan ko nga kung 'san nanggaling ung tawag samin na yun eh. Well, so much 'pordat. XD

Nilahad ko yung kamay ko sa harapan nilang dalawa.

"O, anong gagawin namin dyan?" tanong ni Shan

 

13 Pieces of himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon