CHAPTER 4

270 13 4
                                    

CHAPTER 4

Shin's POV

Another day. At ang aga kong nagising. Im so proud of myself.

Papasok na naman ako ng school. From monday to friday, ganito ng ganito. Wala naman akong napapala. 'Ni wala nga akong natutunan eh! Sana bigla nalang masunog yung school namin para may excuse akong hindi pumasok. Pero syempre, joke lang yun.

Haist! Kelan ba magkakaroon ng pagbabago?

Binuksan ko ang kurtina at umupo sa silya na malapit. Nakatunghay ako ngayon dito sa may bintana namin. Mula kasi dito ay tanaw na tanaw ang pagkalaki-laking tv ng kapitbahay namin.

"Ang pagbabago ay nasa kamay mo kaya't simulan mo."

Tumingin naman ako sa kamay ko.

"Wala naman eh"

Commercial ata yun sa nalalapit ng botohan.

"Ate, hindi naman literal na kamay ang tinutukoy dyan. Minsan, gamitin mo rin yang isip mo. Hindi yun nakakamatay promise!"

Bigla akong nagulat ng biglang sumulpot si Justin. Ang kapatid ko na akala mo, mas matanda pa sa akin kung makaasta.

"Oo na. Hiyang-hiya naman ako sayo. Ang talino mo eh!"

Sa totoo lang, matalino naman talaga yan. Consistent honor yan at hindi nawawala sa highest section. Minsan nga, yan pa ang pinipilit kong gumawa ng assignment ko. At nagpapaturo na rin akong magenglish sa kanya ngayon.

Sa tingin ko naman, nagi-improve ako. Aba dapat lang no!!

PARA HINDI NAMAN NAKAKAHIYA KAY HAIL MYLOVES.

"Sige na. Magbihis ka na. Baka malate ka pa."

Tumango siya at umalis na para magbihis.

Syempre, kahit nagaasaran kami nun, mahal ko parin yun. Lambingan na lang ata namin yung asaran.

Nanunuod ako ngayon sa isang 42 inch flat screen tv. With wifi. Ang sosyal diba? May wifi yung tv nila. Sabi yan ng kapit-bahay namin. Ngayon nga lang ako nakarinig ng ganun eh. Meron pala nun? Siguro, bagong brand yun ng TV. Ano sa tingin nyo?

Well, mabalik tayo. Tama kayo ng narinig. Nakikipanuod lang ako sa kapitbahay namin. Wala kasi kaming tv dito sa bahay eh. Wala naman kaming pambili. Pambili nga ng project sa school kailangan ko pang diskartehan. Tapos pambili pa ng tv ang po-problemahin ko? Wag na lang. Dito na lang ako sa kapitbahay. Malaki na, libre pa.

Nakakapagaral lang naman ako sa school na pinapasukan ko ngayon dahil sa ninong ko na matalik na kaibigan ng tatay ko. May sumpaan ata sila. Kung sino daw ang mauunang yumao, kailangan daw akuin ng matitira ang mga naiwang obligasyon at responsibidad ng nauna.

SALAMAT TAY! Alam ko namang habang ginagawa mo yung sumpaang yun, kami ang nasa isip mo. ANG MAIWANAN MO KAMING NASA AYOS AT MABUTI.

Nanunood ako ngayon ng anime. Mamaya pa naman ang pasok ko.

"Eden. Excuse me. Hindi ko makita." sigaw ko. O diba, parang ako lang ang may-ari?

Umupo naman si Eden para maayos akong makapanuod. Mabait talaga yang pamilya nila Eden. Nakakalibre na ako sa panunuod, binibigyan pa nila kami ng ulam tuwing nagluluto sila. Siguro ganun talaga. Gusto lang nilang tulungan kami ng kapatid ko at ng tita kong old maid para makaraos sa buhay.

"Meron tayong German bread, English bread at French bread. Ngunit napapansin nyo bang walang Japanese bread? Kaya't walang ibang paraan kung hindi ang likhain ito" sabi sa TV

13 Pieces of himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon