CHAPTER 9

170 11 1
                                    

_______

CHAPTER 9

Shin's POV

"What the heck are you trying to do with Xander?" Sita sa akin ni Hail Myloves. Bakit ba tuwing may nagagawa akong di maganda tsaka sya biglang susulpot? Bad shot na bad shot na ako!

"Ah, w-wala." Namumula na ako ngayon ng sobra-sobra. "Nag....nag b-bibiruan lang kami. Hehe." Sabay smile ko ng pilit.

Nilapitan ako ni Hail at biglang lumapit yung left hand nya sa akin. Shemay! Ano ito? "By stabbing him with that knife?"

Hinawakan nya ang kamay ko at unti-unti nya itong ibinaba. Ohmygollygawgaw to the max! Hinawakan. Ni. Hail. Myloves. Ang. Kamay. Ko!!! Kill me now!!

Dahil sa thought na baka nananaginip lang ako at pawang biro lang ang lahat. Yung paglapit nya sa akin. Pagkausap nya sa akin at yung paghawak nya sa kamay ko. Gusto kong sampalin yung sarili ko! Yung malakas na sampal na makakapagparealize sa akin na totoo ang lahat.

Malapit na sana dumapo yung kamay ko sa pisngi ko ng biglang....

OOOHHHHMMMMMMGGGGGGG to the ewan'th level! Shetness kalurley! Pinigilan ulit ni Hail Myloves ang kamay ko. Kilig to the bones to the blood to the nerves ako dito sa kinauupuan ko. Pero ng iniwasan ko ang tingin ni Hail Myloves, at tumingin ako sa ibang direksyon, mas nagulat ako.

NAPAKALAPIT NG MUKHA NI XANDER SA AKIN! AT HAWAK NYA RIN ANG KAMAY KO!!!

Nakalean sya sa table para lang maabot ako. Ang epalogs naman ng isang to! Moment na namin ni Hail Myloves umekstra pa. Nakakabanas.

"Baliw ka ba? Magpapakamatay ka pa sa harap namin! Gagawan mo pa kami ng problema!!" Galit na sabi sa akin ni Tyronne. 'Anproblema nya? Inaano ko sya?

"If you really want to end up your life, go find a secluded place. Wag dito. Maraming aawat sayo." Si Cyriel. Sabay ngisi at tingin kay Hail at Xander.

Binitiwan naman nung dalawa yung kamay ko. Hoy! Hail Myloves, wag muna. Ibalik mo yung kamay mo, di ko masyadong na enjoy eh! Ambilis. Pwedeng pa-extend?? :)

"Hey Miss! Bitawan mo na yang kutsilyo mo. You look horrible." Tyronne.

Sukat sinabi nya yun, napatingin ako sa kamay ko. Peste! Kaya pala pinigilan ako nung dalawa kanina. Hawak-hawak ko pa pala yung kutsilyo. Akala nila, magpapakamatay ako sa harap nila.

Ibinaba ko na yung kutsilyo at humarap sa kanila. "D-diba, biro-biruan nga lang kami dito? Hehe. Kunwari, ako naman yung mamamatay kaya ganun." Sinong niloko mo Shin! Mga matatalino yang kaharap mo. Hinding-hindi yan kakagat sa sinabi mo.

Hindi nila pinansin yung sinabi ko at kinausap nila si Xander.

"Xander! Anong ginagawa nyan dito?" Cyriel

"Oo nga. Mukhang takas pa sa mental yang babaeng yan. I never thought you like her kind." Tyronne

Hindi sumasagot si Xander.

"Diba, you're supposed to meet Clarisse by now? Why you end up with her?" Hail

"Nagkita na kami ni Clarisse. Break na kami." Xander. Super seryoso nyang sabi. Nakaupo sya habang nakatayo yung tatlo. Ako, nakaupo din. Nakatingala ako sa kanila at nakikinig sa mga pinaguusapan nila.

"Bakit mo ginagawa kay Clarisse yun? T@ngina ka! Sinaktan mo sya." Hail.

"Bro! Damn you! Akala ko ba, seryoso ka sa kanya?" Cyriel.

"Well, f*ck you is all I can say Xander." Tyronne.

Grabe! Bakit nagpapaulan sila ng mga mura? Sino ba si Clarisse kay Xander? Diba, wala lang naman kay Xander si Clarisse kasi nga, nagpatulong pa sya para lang maidispatsa nya yun? Saka, kilala nila si Clarisse? Close silang lahat? Naiingit ako. I-close ko din kaya sila? Siguro ang sarap ng feeling. Parang prinsesa lang. Sana nga mangyari yun. At kapag nangyari yun, si Hail Myloves ang prinsipe ko. Omeged!

13 Pieces of himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon