Chapter 17
Shin's POV
'Em home safe! Lakas maka-gm diba? Grabe! Umuwi akong magisa. Iniwan talaga ako ni Xander! Kung gusto nya akong iwanan sana sinabi nya nalang diba?! Naghintay pa tuloy ako.
Wala naman akong masyadong ginawa. Tinitigan at sinukat ko lang ng 'di ko mabilang na ulit yung mga pinamili namin. Waharhar! Winner ang wardrobe ko ngayon. Kakabugin ko ng bonggang-bongga sina Shan at Shawne nito! Hihi.
Nang magising ako kinabukasan, akala ko, walang pasok kasi yung kalendaryo sa pader na namulatan ko, nasa December na. Akala ko tuloy Pasko na at bakasyon na namin. Pero syempre, napakaimposible nun.
Ito na me, lucky me! Nakipagunahan ako sa magaling kong kapatid sa banyo. Potek naman kasi eh! Kung kelan ako nalate sa pagbangon, nakiuso rin sya at tinanghali rin pala sya ng gising.
"Ako muna ate! Mas maaga call time ko sayo!" Banat ng kapatid kong si Justin habang nakikipag-unahan sa akin sa banyo.
"Hanep! Lakas makacall time ah! Artista ka? Umalis ka nga dyan! Alam mong maaga ang pasok mo 'di ka gumising agad."
"Ikaw din naman ah! Alam mong maaga pasok mo bakit di ka gumising nang maaga?!" Inirapan nya ako sabay tulak sa akin papunta sa gilid.
Ayun. Ang mautak na matsing kong kapatid ang nagwagi. Wala na akong ibang choice kundi maghintay.
Habang naghihintay ako, binuksan ko yung bintana at nakinuod ulit ng anime sa kapit-bahay namin sa di kalayuan. Nagenjoy naman ako.
Sa sobrang enjoy ko, napapahagalpak pa ako ng tawa na mismong kapit-bahay naming si Eden, eh naririnig. Nagpapapadyak pa nga ako sa tuwa eh. Nakakatawa kasi yung palabas.
Nang matapos na yung pinapanood ko, aba, di parin tapos yung kapatid ko. 'Di kaya nalunod na yun sa tabo?! Sana nga po! Para wala na akong kaagaw sa cr. Mwahahaha. Napakabait ko talagang kapatid.
Pagtingin ko sa wallclock, nahulog ako sa silya ko.
Shet! 15 minutes na lang magbe-bell na sa school.
No choice. 'Di na ako aabot kung hihintayin ko pang lumabas mula sa matagal na pagkukuskus ng libag yung kapatid ko.
Pumunta na lang ako sa lababo at itinapat ko nalang yung buhok ko sa gripo. Walang shampoo! Nasa loob ng cr. Konting wisik-wisik na lang sa katawan. Sana naman kasi kasya yung buong katawan ko sa lababo. Nako, masasapok ko talaga tong kapatid ko eh! Wala tuloy akong ligo ngayon.
Pagkatapos ko goyoin ang sarili kong kunwari ay "naligo" ako, nagbihis na ako ng uniform sa kwarto.
Humahangos na ako katatakbo. Parang pakiramdam ko, yung malapit na walking distance na ginagawa ko dati, parang lumayo ata.
Ganito ba talaga pag late? Akala ko ka-OA-yan lang dati na pag nagmamadali ka, kahit anong lapit ng pupuntahan mo, parang ang layo.
Feeling ko nga, sinabutahe ako ng DPWH at pinahaba nila yung kalyeng tinatakbuhan ko ngayon.
Humahangos na ako sa pagtakbo ng sa wakas narating ko rin ang ubod sa gandang school namin. Ang yabang ko diba?! :p
"Shin! Dito! Uy Shin!" Natanaw ko sa malayo si Shan na may pakaway-kaway pa habang tinatawag ako.
Palabas ng kanya-kanyang room lahat ng estudyante. Ano ba? Uwian na ba? Pagkatapos kong tumakbo papunta dito, pauuwiin lang din pala ako?!
"Dismissal na?" Tanong ko agad paglapit ko. Hinihingal pa ako partida.
BINABASA MO ANG
13 Pieces of him
AdventureHindi ako si Darna pero may labing-tatlong bato ako. Wala man silang magic, hindi umiilaw sa gabi at hindi nalulunok, alam kong balang araw, they will serve their purpose. A very great purpose for my heart. 13 Pieces of him Do not plagiarize. All ri...