Nakatingin pa rin sa akin si Francis.
Iniayos niya yung anggulo ng camera kasi natatakpan ng anino ng cellphone ang mukha niya.
Ngumiti muna siya bago nagsalita ulit. "Ay teka lang, against the light ako. Wait. Oh ayan, nakikita mo na ba ako?"
Ngumiti nanaman siya.
"Hindi ko maintindihan Carmina. I know we're destined. Alam mo yun? Yung tipong bago pa lang tayo ipanganak eh nakatadhana na tayo para sa isat isa.. Forever."
Napangiti ako. Tapos biglang isinara ni Raymond yung laptop.
Tumawa muna siya, bago nag salita. "Uy, Miss Fagar. Nawiwili ka na sa video ni kuya. Ingat ka lang, baka mainlove ka."
"Hindi ah," sagot ko naman. "Napaka interesting ng video ng kuya mo. Vlogs tawag diyan diba? Yung parang blog, pero ivi-video nila yung sasabihin nila?"
"Yup. And it's quite obvious na tuwang tuwa ka sa video ni kuya. Abot tenga ang ngiti mo eh."
"Ay ganun ba? Hindi ko napansin," sabi ko, tapos hindi ko na napigilan. Natawa ako.
Nakiusap si Raymond na huwag ko ipagsabi sa iba o ibalita sa website namin yung video ng kuya niya.
"Mahirap na Miss Fagar, baka kasi mag-viral tapos pagpyestahan ng press. Sana maintindihan mo."
Napatingin ulit ako sa laptop. Tapos tumingin ako kay Raymond. "Wag ka mag alala. Walang makaka alam. Promise."
Na cu-curious ako sa videos ni Francis. Kaya kinapalan ko na ang mukha ko at tinanong si Raymond kung puwede akong makahingi ng kopya.
Tiningnan muna ako ni Raymond. Parang binabasa niya ang mukha ko.
Nagsindi muna siya ng isang sigarilyo bago muling nagsalita.
"Sana mapapagkatiwalaan kita Miss Fagar."
Tumango ako. "Oo naman. Saka wala naman sigurong masama kung mapanood ko yung mga video."
Matapos ang huling buga ni Raymond sa kanyang yosi eh nagsalita siya.
"Sige, payag ako. Pero wag sana kumalat. At saka, wag mo sana mabanggit sa mga magulang ko na may video na ganito si kuya."
Nakatitig sa akin si Raymond, kaya sumagot ako agad, "okay.. Okay. Walang makaka alam kahit magulang mo."
"Hindi lang yun Miss Fagar. May kapalit yang pag she-share ko sa videos ni kuya. Tutulungan mo akong hanapin yung cellphone."
Ngumiti muna ako bago sumagot. "At your service. Saka puwede ba, call me Melody na lang? Hindi naman masyadong magkalayo edad natin."
Tumango si Raymond at iniabot ang kanyang kamay. Yung shake hands namin -- para siyang simbulo na may kasunduan kaming dalawa.
"Operation hanapin ang cellphone ni Francis!" Sabi ko. Pero napalakas ata kasi napatingin yung mga tao sa katabi naming mesa.
Ngumiti si Raymond.
"Sige kopyahin ko na yung videos." Sabi ko, sabay labas ng aking laptop.
"Hindi mo na kailangan kopyahin Melody. Itago mo yung laptop. Para na rin maitago ko kila mama." Sagot naman ni Raymond. "Kukunin ko na lang sa'yo pag tapos mo na panuorin lahat ng videos."
MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO
Nagkayayaan muna kami ni Raymond na mananghalian. Mag aalas kuwatro na pero ngayon lang kami kakain. Nawili din kasi kami sa kuwentuhan.
Naisip ko tuloy na at least, medyo nakalimutan ni Raymond ang nangyari sa kuya niya. Sabi kasi ni nanang (mother in ilocano) ko, pag malungkot ka daw, mag isip ka ng ibang bagay.
BINABASA MO ANG
He's From The Past, And I Love Him [Completed]
Mystery / Thriller"He's from the past.. Pero kasama ko siya ngayon. Bigo akong iwasan na mahalin siya.." Siya si Francis Suarez, isang engineer sa isang malaking telecom company dito sa Pilipinas. At ako naman si Melody Fagar, isang reporter sa isang kilalang news...