Binuksan ko agad ang ilaw, at tumakbo sa aking workstation, sa laptop ni Francis.
Nanginginig akong binuksan ang laptop niya. Takang taka kasi ako kung paano nangyari yun. Paano napunta sa cellphone ko yung video number 6, gayung wala naman yung video sa laptop?
Pero may hinala na ako -- kaya nilakihan ko yung window ng folder na pinaglagyan ng videos ni Francis.
At tama nga ang hinala ko, nakagilid yung video number 6, sa may kanang bahagi ng window -- hindi siguro napansin ni Raymond yun nung pinanuod niya yung mga videos.
Tinawagan ko si Raymond, maraming beses, pero hindi siya sumasagot.
"Baka natuloy na ang operasyon ni Francis," sabi ko sa sarili ko.
Binuksan ko ang telebisyon para makibalita -- pero ang sabi sa reports, hindi pa nag pu-push through yung operation.
Baka tulog pa si Raymond.
Hindi ko na natiis -- napagdesisyunan kong buksan na ang video para panoorin.
VIDEO NAME: AUGUST 17, 2013. VLOG. VIDEO NUMBER 6
Nasa kuwarto si Francis.
"So basically, walang pasok ngayon. Saturday. So, may time ako na ibaon na sa limot ang lahat." Paliwanag niya, habang inaayos ang kanyang magulong buhok.
Maya-maya pa ay ipinatong niya ang kanyang cellphone na pang video sa isang table, bago muling nagsalita.
"Nilagay ko na lahat sa iisang box."
Pumunta si Francis sa isang gilid ng kanyang kuwarto. Makalipas ang ilang segundo, lumapit na siya sa harap ng camera na may hawak na isang box.
"Eto yung Carmina box ko." Sabi niya. Yung box eh carton box na kulay blue, tapos makapal.
Tinanggal niya yung takip at ipinakita sa camera isa isa yung laman.
Una niyang nilabas eh yung mga pictures nila ni Carmina. Siguro lagpas kuwarenta yung lamang pictures nung box.
Yung pangalawa, eh yung cellphone na si Carmina lang ang nakaka alam nung number. Yung hinahanap ni Raymond.
Yung pangatlo, yung diary. Yung notebook na pinagsusulatan ni Francis.
"Pupunta ako sa Las Piñas later, kasi makikipag kita ako sa friend ko. But before I drive home, eh ibabaon ko to somewhere."
Nagulat ako. Wow. Las Piñas talaga? Pero kung saan man ibabaon ni Francis yan eh kailangang mahanap ko. Kailangan makuha ko yang box na yan.
Pero, kailangan din na malaman muna ni Raymond -- baka kasi hindi siya pumayag na buksan ko yung box. Or, baka sumama siya sa'kin sa Las Piñas para hanapin yung box.
Pagkatapos ipakita ni Francis yung laman ng box eh isinara na niya ito.
"May mga bagay talaga sa mundo na hindi natin kotrolado." Paliwanag ni Francis. "For the past 10 years of meeting other people, liking others, and getting to know them, eh na realize ko na ang hindi talaga puwede -- eh hindi puwede. At ang hindi sa'yo, eh hindi iyo. Kaya, wag pagpilitan di'ba?"
Tinamaan ako sa sinabi ni Francis.
Last year kasi, nung nakipag hiwalay ang ex-boyfriend ko sa'kin, eh naging bitter ako.
Mahal ako ni Jerome, pero na-approve na ang petition niya, at kailangan na niya pumunta dun sa Amerika para makasama ang kanyang mga magulang at kapatid.
Sa isang restaurant, last year, ang huli naming pag-uusap.
"Melody, you have a bright future ahead. I don't wanna drag you down. Or leave you with a promise that I can't fulfill." Paliwanag niya sa akin nung nakaraang taon.
BINABASA MO ANG
He's From The Past, And I Love Him [Completed]
Misterio / Suspenso"He's from the past.. Pero kasama ko siya ngayon. Bigo akong iwasan na mahalin siya.." Siya si Francis Suarez, isang engineer sa isang malaking telecom company dito sa Pilipinas. At ako naman si Melody Fagar, isang reporter sa isang kilalang news...