Gustong hawakan ni Francis ang kanyang ulo, pero halatang nahihirapan siya kasi maraming nakaturok sa kanyang kanang kamay, habang ang kanyang kaliwang kamay naman eh punong puno ng galos.
Hindi rin ako sigurado kung may pilay ang kanyang kaliwang kamay kasi umaray siya kanina nang subukan niyang igalaw ito.
"Hindi ko maigalaw ang paa ko. Ahhh.."
Nag-pa panic na si Francis..
"Aray.. Aray."
At nagsimula na rin akong magpanic. Nawala ata sa isip kong tawagan agad ang mga doktor at sabihin sa kanilang nagising na si Francis.
"Hold on Francis. Wait lang, tatawagan ko na yung nurse sa baba. Wag kang malikot. Baka makasama sa iyo."
MAKALIPAS ANG ILANG ORAS
Nakaupo ako sa silyang inayos ko kanina malapit sa paanan ng kama ni Francis. Nasa kuwarto na ang ama niya, at si Raymond.
Tahimik ang buong kuwarto.
Nahimasmasan na ang lahat.
Kani-kanina lang eh nagsisigawan ang lahat, pati na si Francis.
At kahit nagpapanic kanina, eh bakas sa mukha ni Raymond at ng kanyang ama ang kagalakan -- dahil sa wakas, nagising na si Francis.
Hawak hawak ni Raymond ang kamay ng kanyang kapatid. "Kuya, hindi ako makapaniwalang gising ka na. Nagpapasalamat talaga ako kay Lord."
Ngumiti si Francis. Tiningnan niya ang kanyang ama, at ang kanyang kapatid bago nagtanong, "asan si mama?"
"Ah, kuya. Nagpapahinga."
Bilin kasi kanina ng doktor na huwag munang ipaalam kay Francis ang nangyari sa kanyang ina, para hindi siya ma "stress."
Hindi ako sigurado kung alam na ng ina ni Francis ang pag-gising ng kanyang anak -- pero kanina, nabanggit ni Raymond sa akin na natutulog pa ang mama niya, pero ligtas na rin siya sa kapahamakan.
Tinurukan daw ng pain reliever si Francis kanina. Nag papanic kasi siya.
"Anak," sabi ng kanyang ama, "ilang araw ka na kasing tulog. Naka ilang beses na rin na nagpunta ang mama mo dito para bantayan ka."
"Pa, hindi ko pa rin maigalaw ang paa ko."
"Anak, ang sabi ng doktor maigagalaw mo rin yan, pero kailangan mo ng therapy. Kaya wag mo na muna pilitin."
Tinitingnan ni Francis ang mukha ng kanyang ama. Pagkatapos non, eh napatingin din siya kay Raymond.
Maya maya eh lumingon sa akin si Francis. Tinititigan niya ako.
Nginitian ko si Francis. Pero parang hindi niya alam kung ngingiti rin siya.
Tumingin si Francis sa kanyang kapatid. "Sino siya?"
"Ah kuya, si Melody Fagar. Diba? Hindi mo ba maalala? Yung reporter sa internet?"
"Hindi ko maalala Mon."
Tapos tumingin sa akin si Francis. "Sorry, hindi kita maalala. Na meet na ba kita noon?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko -- at nag sink-in nanaman sa kukote ko na hindi ako kilala ni Francis. At kung kilala man niya ako noon, eh siguro, masyadong manipis ang alaalang iyon.
Kumbaga sa kahoy, masyadong marupok.
"Ah, hello Francis. Wag mong pilitin. Kung hindi mo ako maalala, eh okay lang. Hindi naman kasi tayo magkakilala in person bago ka maaksidente eh." Paliwanag ko, sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
He's From The Past, And I Love Him [Completed]
Mystery / Thriller"He's from the past.. Pero kasama ko siya ngayon. Bigo akong iwasan na mahalin siya.." Siya si Francis Suarez, isang engineer sa isang malaking telecom company dito sa Pilipinas. At ako naman si Melody Fagar, isang reporter sa isang kilalang news...