CHAPTER 9 of 9: "Past" PART 3 (Finale)

956 27 13
                                    

AFTER NEARLY 6 MONTHS

Sa maniwala kayo't sa hindi, hindi ko dinelete yung videos ni Francis.

Minsan, pag may time ako, pinapanuod ko pa rin siya.. Lalo na yung video number 7, 8 and 9, yung mga videos na masaya lang si Francis. Puro siya ngiti. Puro siya tawa.

It's been more than five months since he left, para magpa therapy sa Amerika. Para makalakad siya.

Since our big fight, hindi na ulit kami nagkita, o nag-usap man lang sa telepono.

Gago ako eh. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko -- kaya siguro wala akong mukhang maiharap sa kanya after naming mag away.

Pero kahit ilang buwan na rin ang nakalipas, sa tuwing inuulit-ulit ko ang videos niya, eh lalo akong napapa-mahal sa kanya.

Hindi ko alam kung tama ba, o mali, ang mahalin ang "Francis from the past" -- kasi deep inside my stupid brain and heart, eh alam kong hindi na babalik ang Francis na yun. Yung Francis from 2013.

That Francis na minahal ko, matagal nang patay -- at ang buhay ngayon eh ang Francis na hindi ako maalala.. Yung Francis na nakalimutan na kahit konti, eh may naramdaman para sa akin.

Kagagaling ko lang sa mall, namili kasi ako ng make-ups.

Last month kasi, na promote ako -- at ang matagal ko nang pinapangarap, eh nangyari na, I'm now a television reporter.

For the past month, sangkaterbang lugar na rin ang nadayo ko. From Northern Luzon, to Bicolandia, to Visayas and even some parts of Mindanao.

And it's all thanks to my short interview with Francis Suarez.

Nakatanggap pa nga ako ng award dahil sa interview na yun.

"Fagar emphasized how important life is," sabi nung isang review sa article ko.

"Francis Suarez is an angel, reborn. A gift from God," sagot naman nung isang radio reporter na nakabasa ng artikulo ko.

Parang exaggerated, pero Francis is truly a gift of God. Siya lang naman ang nagpa-realize sa akin, at sa maraming tao, ng napakaraming aral ng buhay -- like, how to move on from a broken heart. How to be happy. How to forgive.

And more importantly.. How to forget, especially those memories that could drag you down.

Nireport ko yung mga sinabi ni Francis, yung mga naalala lang niya.

Tapos, sobrang ikli ng report ko, so nag isip ako ng kung anu-anong fillers para lang magmukhang mahaba yung article..

Pero ang hindi ko inakala, ang sa tingin kong fillers lang eh yun pa pala ang magpapaganda ng report ko.

From his relationship with his family, how he views life, at kung anu ang tingin niya sa kamatayan -- tinackle ko lahat.

Nagbigay ng input si Brandon sa report ko, yung sinabi niya sa akin sa kotse..

"Dying young is his biggest fear," sabi ni Brandon. "Naniniwala kasi si Francis na may purpose tayo sa buhay, so pag namatay ka ng maaga, eh feeling niya hindi mo na fulfil ang mission mo sa mundong ito.."

Nireport ko rin yung tungkol dun sa paborito niyang kanta, yung "If I Die Young."

Yung isang ka-opisina niya, yung nakita ko sa video number 8, kinausap ko rin yun.

"Alam mo ba Miss Melody, si pareng Francis, favorite niya yung part nung kanta, yung 'funny when you're dead how people start listening'."

Totoo naman yun. Karamihan ng tao diyan, mapapansin lang nila ang good deeds and achievements mo pag patay ka na -- kasi ganun ang buhay.

He's From The Past, And I Love Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon