"Ang pag-ibig, walang pinipiling oras, araw, o sitwasyon.
Kusa yang darating, lalo na kung iyon ang nakatakda.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ang dami nating nakaka halubilong tao.
Pero hindi ba kayo nagtataka kung bakit minsan, isang araw, eh may bigla na lang darating na taong espesyal, yung tipong, hindi pangkaraniwan?
"One of a kind," ika nga nila.
At kahit anu pang gawin mo, eh hindi siya maalis sa isip mo.
Hindi mo siya puwedeng iwasan.
At kung lalayo ka man sa kanya..
Eh gagawa ng paraan ang kapalaran para paglapitin ulit kayo sa isat isa..
Dahil kayo ang nakatakda."
----------
MARCH 19, 2014
"Ay ang corny naman netong blog na to," sabi ni Melody. Agad niyang isinara ang kanyang laptop at umupo sa kanyang malambot na sofa.
"Nakakabilib din yung ibang tao. Nagagawa pa nilang magsulat ng mga ka cornihan about love sa internet."
Kausap ni Melody ang kanyang sarili.
Napailing siya.
"Sa dami ng problema sa mundo, nagagawa pa nilang isipin ang love." Dagdag pa niya.
Maya-maya pa ay may tumabi kay Melody..
Tiningnan ni Melody ang kanyang katabi. Si Tom. Isang Shih Tzu.
"Pero alam mo Tom, naiingit ako sa kanila. Kasi, buti pa sila, may oras sa love.. Eh ako? Wala!"
Hindi napansin ni Melody na nakatulog pala siya sa sofa.
Makalipas ang ilang oras ay nag-ring ang telepono ni Melody. Tiningnan niya muna kung sino yung tumatawag.
Humikab muna siya.. At nagsalita. Kausap pa rin niya ang kanyang aso.
"Wow, daig pa ang alarm clock. Tom! Ang galing ng timing!"
"Si boss, may ipapasulat nanaman 'to," sabi niya, habang nakatingin sa alaga niyang aso.
Umupo muli si Melody sa kanyang "workstation" matapos niyang kausapin ang nasa kabilang linya.
Uminom muna siya ng tubig bago muling binuksan ang kanyang laptop.
"Hay buhay, ang hirap maging internet journalist.."
"Tom, dadalhin muna kita kay ate, mukhang puyatan nanaman to."
Tumingin si Melody sa orasan niya, mag aalas kuwatro na ng madaling araw.
Pero hindi na siya puwedeng matulog. Kailangan na niyang dumeretso sa ospital, at puntahan ang kanyang bagong assignment.
BINABASA MO ANG
He's From The Past, And I Love Him [Completed]
Mystery / Thriller"He's from the past.. Pero kasama ko siya ngayon. Bigo akong iwasan na mahalin siya.." Siya si Francis Suarez, isang engineer sa isang malaking telecom company dito sa Pilipinas. At ako naman si Melody Fagar, isang reporter sa isang kilalang news...