CHAPTER 8 of 9: "Stranger" PART 1

710 13 3
                                    

Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong ni Francis.

Nakatitig siya sa akin, habang ako naman eh napahawak sa table na inayos ko kanina. Aaminin ko ba sa kanya na crush ko siya?

Kaso, baka naman magulat si Francis. Ni hindi nga niya ako kilala -- hindi niya ako maalala.

Naisip ko tuloy, "anu ba Francis? Sabi sa akin ng kaibigan mo, binabasa mo articles ko sa internet nun? Bat di mo ko maalala?"

Ah, alam ko na! Sasabihin ko na lang sa kanya na napanood ko yung mga video blogs niya, at natutuwa ako sa kanya.. Kaya hindi ko siya maiwan ngayon dito sa ospital.

"Kuya? Bakit?"

Si Raymond, nakatayo sa gilid. Nakatingin siya sa kuya niya, tapos bigla siyang napatingin sa akin.

"Melody, bakit?"

Hindi ko alam kung matutuwa ako na biglang nagising si Raymond. Narinig niya sigurong nag uusap kami ng kuya niya.

"Ah, Raymond, yung kuya mo kasi. Tinatanong ako kung bakit ko siya binabantayan."

Tumingin bigla si Raymond kay Francis.

"Ah, kuya, kasi.. Si Melody, humingi ako ng tulong sa kanya na bantayan ka. Wala pa kasi akong tulog. Ang haba ng binyahe ko -- tapos dumeretso pa ako sa presinto nung nahanap na yung nakasagasa sa yo."

Napaupo ako bigla, habang si Raymond naman eh umupo sa silya sa kanang bahagi ng kama ni Francis. Nakinig ako sa usapan nilang magkapatid.

"Mon, nakakahiya kay Melody. Hindi naman natin siya kaanu-ano, tapos andito pa siya nagbabantay."

Nagpatulong si Francis kay Raymond na dagdagan ang unan sa kanyang likod.

Nilagyan ni Raymond ng dalawang unan ang likod ni Francis kaya parang nakaupo na siya sa kanyang kama.

Biglang tumingin sa akin si Francis, at nagsalita.

"Ah, Melody. Okay na ako. Kahit hindi ka na magbantay dito. Okay lang. Puwede ka nang umuwi."

"Ah sige Francis. Tutal tapos ko naman na yung ginagawa ko," ang sabi ko. Nagmadali ako na ilagay ang laptop sa bag ko.

Tumayo na ako. Nakatingin pa rin sa akin si Francis.

Nakatingin lang din si Raymond sa akin. Alam kasi niya ang dahilan kung bakit gusto kong mag-stay sa kuwarto. Kung bakit nagmamagandang loob ako na bantayan ang kanyang kapatid.

Pero walang magawa si Raymond -- ayaw ni Francis na bantayan ko siya. Ayaw niyang nasa kuwarto ako. Obvious naman eh, di ba?

Naglalakad na ako papuntang pintuan nang narinig ko ang sinabi ni Francis.

"Mon, nasaan si Carmina? Puwede ko ba siyang makita?"

Hindi ko na pinakinggan ang sagot ni Raymond, at nagmadali na akong makalabas ng pintuan.

Siguro hindi alam ni Francis yung buong kuwento, yung koneksyon ni Carmina sa anak ng congressman na nakasagasa sa kanya -- sa sumagasa sa kanya. O siguro, hindi niya maalala?

Narealize ko tuloy -- mahal pa rin ni Francis si Carmina. At yung pagmamahal na yun eh napaka lalim, na kahit naalog pa ang utak niya, eh hindi niya yun nakalimutan.

Naglalakad na ako sa hallway palabas ng ospital nang may biglang tumawag sa akin.

"Miss Melody," sabi ng nasa likod ko.

Paglingon ko, nakita ko si Miss Espinosa, nakangiti.

Halos ka-edad ko lang si Miss Espinosa. Hindi siya nakasuot ng pang nurse. Siguro pa-out na rin siya.

He's From The Past, And I Love Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon