"Ading, gising.. Uy.. Gising."
Unti unti kong minulat ang aking mga mata. Nakaupo sa aking harapan ang ate ko, katabi ang kanyang asawa.
Kinalabit ako ng pamangkin ko na karga-karga pa rin ang alaga kong aso.
"Tita, sino si Francis?"
Hindi ako nakasagot agad. Lumunok muna ako ng sarili kong laway.
Masakit pa mata ko. Hindi pa rin talaga ako sanay sa maikling tulog.
"Ading, nasobrahan ka ata sa trabaho ngayon," sabi ni ate habang hinahaplos ang kanang kamay ko. Nakatingin sa akin ang asawa niya. Si kuya Manolo.
"Kala ko kung anu na nangyayari sa'yo. Francis ka ng Francis," sabi ni kuya na halatang nag aalala din.
Kararating lang daw ni kuya Manolo galing sa opisina nang naabutan niya akong natutulog sa sofa. "Alam ko binabangungot ka kasi naka ilang kalabit ako sa'yo hindi ka nagising," kuwento niya. "Tapos ilang ulit mo binanggit pangalan nung lalaki. Sino ba yun?"
Nagtinginan kami ni ate.
Lukso ng dugo. Parang alam ni ate na may bumabagabag sa akin, kaya napansin kong iniba niya ang usapan.
"Sige na, tumayo ka na diyan. Dito ka na kumain."
Pagkatapos namin kumain ay agad kong kinuha ang bag ko na may dalawang laptop.
Sumenyas si kuya Manolo. "Diyan ka na lang, ako na tatawag ng taxi mo para hindi ka mahirapan."
Paglabas ni kuya ay agad lumapit sa akin si ate Badet. "Anung problema ading?"
"Ading. Wag ka magsinungaling sa akin. Ganyan ka pag may problema -- tumutuloy sa panaginip. Ilang taon na rin kitang katabi sa kama kaya alam ko."
Tumango lang ako. Nakita ko si Tom na nakatingin sa akin kaya binuhat ko siya.
"Ate, babalik ako dito bukas. At saka ako magkukuwento. Iwan ko ulit si Tom dito bukas."
Hinaplos ni ate ang kanyang maikling buhok.
Kilala ko si ate. Hinahaplos o hinahawakan niya ang buhok o ang noo niya pag nag aalala.
At sa mga oras na ito, eh alam kong nag-aalala siya. Simula kasi nung nag-asawa siya at bumukod, eh dalawa lang kami na andito sa Maynila. Ang mga magulang naman namin at ang kapatid naming bunso, si Arnold, 17 years old, eh nasa probinsya namin sa Cagayan.
31 years old na si ate. Ako naman eh 23. Malayo ang agwat ng edad naming dalawa kasi yung kuya ko, 8 months old pa lang eh binawian na ng buhay.
Kakatapos ko lang sa kolehiyo nung nakaraang taon.
Maswerte ako kasi madali akong nakakuha ng trabaho. Ang sabi nila, advantage daw ang "looks" ko, at sa pinili kong propesyon, importante ang presentable ang itsura.
"Maganda ka kasi Melody," kaya daw mabilis akong na-hire sabi ng matalik kong kaibigan na si May.
Hinawakan ni ate ang kanang kamay ako. "Basta ading, sabihan mo ako agad nu adda parikut (kung may problema, in ilocano)."
Tumingin ako kay ate, "haan ka nga madanagan manang (wag kang mag alala ate, in ilocano). Basta, sasabihin ko sa'yo bukas."
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang taxi. Tinulungan ako ni kuya Manolo na buhatin ang mabigat kong bag.
Pagsakay ko sa taxi, habang buhat-buhat ko si Tom, ay kumaway ako at nginitian si ate at kuya.
Pagdating ko sa apartment ko sa Kapitolyo, Pasig, ay agad kong inilabas ang dalawang laptop. Pero inilagay ko muli sa bag yung laptop ko, at iniwan ang laptop ni Francis na nakapatong sa lamesa.
BINABASA MO ANG
He's From The Past, And I Love Him [Completed]
Mystery / Thriller"He's from the past.. Pero kasama ko siya ngayon. Bigo akong iwasan na mahalin siya.." Siya si Francis Suarez, isang engineer sa isang malaking telecom company dito sa Pilipinas. At ako naman si Melody Fagar, isang reporter sa isang kilalang news...