Akala ko ako lang ang nakatulog.
Pagtingin ko sa cellphone -- nakita ko rin na natutulog si Francis.
Napatingin ako sa orasan, mag aalas singko pa lang ng madaling araw. Lagpas isang oras pala ako nakatulog.
Napatitig ako sa video ni Francis. Ang himbing ng tulog niya. Pinatong niya yung cellphone niya sa isang side table. Halatang sinadya niyang i-video ang sarili niya habang natutulog.
"Ang lakas din ng trip ng taong 'to," sabi ko sa sarili ko.
Parang nakangiti si Francis matulog. Ganito rin kaya siya ngayon sa ospital? What I mean is, hindi ba halata ang pain (sakit) habang comatose siya?
Hindi ko rin masisi si Raymond at ang nanay nila na hindi nila nahalatang may malaking problema si Francis last year -- yung problema niya with Carmina -- eh kasi ang galing magtago ni Francis.
Kung titingnan mo siya habang natutulog, eh iisipin mong wala siyang dala-dalang pait, walang uncertainties, walang lungkot.
Inaantok pa ako, kaya pinatay ko muna yung telepono ko.
MAKALIPAS ANG ILANG ORAS
"Manang, dito ulit si Tom ah. Para naman mabantayan. Kailangan ko kasi pumunta sa office ngayon. Wala pang binibigay na assignment sa akin."
"Ading, may problema ba sa kaso ni Francis?" Tanong ni ate. Hinila niya ako sa upuan na animoy pinapa-amin..
Hindi na ako nagdalawang isip pa. Ikinuwento ko kay ate Badet ang lahat-lahat, kahit yung tungkol dun sa videos ni Francis sa laptop niya.
Gusto daw makita ni ate yung videos, kaya ibinaba ko si Tom, bago ko inilabas yung laptop.
Isang laptop lang ang dala ko ngayon, yung kay Francis. Naisipan ko kasi na dito na lang ako mag susulat ng artikulo ko ngayong araw. Hindi naman siguro magagalit ang kaluluwa ni Francis kung gagawin ko yun.
VIDEO NAME: AUGUST 12, 2013. VLOG. VIDEO 3
Natutulog pa rin si Francis, kaya finast-forward ko siya -- hanggang dun sa parteng gising na siya.
May malaking gap yung video kasi nung tinuloy namin ni ate eh naka bihis na ng pang-trabaho si Francis.
Ngumiti siya, nakatingin sa camera, at nagsalita, "hi! Nakakatuwa ba ako matulog? Nalowbat pa yung phone ko. Pinanuod ko sarili ko matulog. Nakakatawa pala. Nakita ko kasi sa TV na ginagawa yun sa mga ospital."
Tumawa siya. "Eh kasi minsan natatakot ako. Ayokong bangungutin. Ayoko pa mamatay. So, if ever na binangungot ako, at least may video. Diba? Tapos, puwedeng makita ng maraming tao. At saka, puwede pang pag aralan ng mga scientists."
Tumawa siya ulit.
Napatingin sa'kin si ate.
"Ading, ang weird niya."
Natawa ako.
"Ate, kasi parang masikreto siyang tao. Yung tipong, kakausapin na lang niya yung sarili niya kesa mag-open-up sa iba."
"Siguro nga ading. Kung sabagay may mga ganyang tao talaga. Saka marami nang cellphone ngayon. Ang galing nga ng ginawa niya, at least makikita ng family niya."
Hinawakan ko bigla ang kamay ni ate. "Ate, hindi alam ng mga magulang ni Francis tong video. Yung kapatid lang niya, si Raymond. Kaya wala kang pagsasabihan ah?"
"Oo naman ading. Secret lang 'to."
Tinuloy namin ang panunuod.
May malaking gap nanaman yung video.
After nung tumawa siya at kinukuwento yung tulog niya eh tumuloy yung video sa canteen nung office nila.
Pinakita ni Francis sa video yung kinakain niya, bago itinutok yung camera sa mukha niya, at nagsalita.
"Ang ulam for today is.."
Pero bago pa siya tumuloy na magkuwento eh biglang may lumapit na babae sa kanya. Ipinatong ni Francis sa mesa sa tabi ng plato niya yung cellphone kaya hindi namin nakita ni ate kung sino.
Nakatutok yung camera sa ceiling ng canteen. Pero, naririnig namin yung usapan nilang dalawa.
"Wala sanang makaka alam dun Francis. Alam mo na, malaking iskandalo." Sabi nung babae.
"Seryosohan na ba kayo?" Tanong ni Francis dun sa babae.
"Mahal ko siya. Kaya sana suportahan mo na lang ako." Sagot naman nung babae.
At biglang nag stop yung video.
Nagtinginan kami ni ate, at bigla siyang nagtanong.
"Anu yun?"
"Hindi ko alam ate. Hindi naman nakita yung babae dun sa video. Pero may hinala ako.."
"Eh sino ading?"
"Si Carmina. Yung taong mahal niya."
Parang nagkamot ng ulo si ate Badet, at muling natanong. "So, ibig mong sabihin, in love etong si Francis kay Carmina, tapos si Carmina eh in love sa ibang tao?"
"Check! Manang, parang kinukunsinte niya si Carmina kasi mahal niya. Pero ang nakakapag taka lang, eh yung sinabi nung babae sa video. Kung si Carmina man yun. Diba kasi sabi niya malaking iskandalo?"
"Ay oo nga ading. Hala."
Bigla akong tinuro ni ate, bago nagsalita. "Hoy ading ha, malaking iskandalo na nga 'tong pagkasagasa ni Francis. Wag ka nang mangialam."
Tininginan ko si ate. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
Oo, aaminin ko, parang off-limits na 'tong love story ni Francis sa hit-and-run case niya. Pero, parang na cu-curious ako kung anu yung nangyari sa kanila ni Carmina. Kung bakit hindi sila nagkatuluyan.
"Manang, sabi kasi sa akin ni Raymond, nung araw ng aksidente ni Francis, eh nalaman niya yung tungkol dun sa taong mahal ni Carmina. Pero di bale, wag kang mag alala. Kung magbabalita man ako tungkol kay Francis, eh yung tungkol lang dun sa aksidente, at hindi kasama dun yung love life niya."
Nagpaalam na ako kay ate. Gusto ko kasing tawagan si Raymond at tanungin kung napanuod niya yung video number 3.
"Hello, Melody? Andito ako sa ospital. Bakit?"
"Ah, kumusta diyan? May itatanong kasi ako."
"Anu yun?" Tanong ni Raymond.
Parang may naririnig akong babae at lalaking nagsasalita sa tabi ni Raymond.
"Ah Raymond. Puwede ka bang kausapin ng personal? Kasi may itatanong ako. Tungkol dun sa video number 3."
"Sige Melody, puntahan mo ako dito sa ospital."
Agad kong ibinaba ang telepono at dumeretso sa ospital.
Pagdating ko sa tapat ng ospital eh agad kong nakita si Raymond, nag aantay.
Binati niya ako. Naglakad siya bigla. Sumunod naman ako.
"Raymond, saan tayo pupunta? Dito na lang tayo mag usap."
Tumingin sa akin si Raymond.
"Hindi Melody. Puntahan natin si Kuya. Dun tayo sa kuwarto niya mag-usap."
Kinabahan ako. Pero parang natuwa ako, kasi makikita ko na si Francis.
BINABASA MO ANG
He's From The Past, And I Love Him [Completed]
Mystery / Thriller"He's from the past.. Pero kasama ko siya ngayon. Bigo akong iwasan na mahalin siya.." Siya si Francis Suarez, isang engineer sa isang malaking telecom company dito sa Pilipinas. At ako naman si Melody Fagar, isang reporter sa isang kilalang news...