CHAPTER 6 of 9: "Time Capsule" PART 1

755 13 1
                                    

"What the ----, ang galing mo talaga Melody," sabi ni Raymond na kausap ko sa kabilang linya.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi kong alam ko na kung nasaan yung nawawalang cellphone ni Francis.

Ang problema, eh wala na pala dito sa Metro Manila yung matagal na naming hinahanap.

"Raymond, upon checking the location app on your brother's laptop -- eh mukhang naibenta na yung telepono."

Huminga muna ako ng malalim bago ko itinuloy ang sinasabi ko.

"I can't believe na nasa Quezon province na yung phone ng kuya mo. It's somewhere within Calauag, Quezon."

Galit na galit si Raymond.

"Sige, ako na lang ang pupunta don." Sabi niya. "Gagamitin ko na lang yung kotse ni kuya."

"Okay. Dadalhin ko yung laptop ng kuya mo diyan sa bahay ninyo. And then, ako na ang pupunta ng Las Piñas para makuha yung box."

Halos walang hanggang pasasalamat ang narinig ko mula kay Raymond. Parang napansin ko pa nga na naiiyak siya -- pero hindi lang niya pinapahalata.

Pagkatapos ng tawag, eh agad kong binuksan ang laptop ni Francis.

Nagbabaka sakali lang ako -- baka kasi may mga bagay pa dito sa laptop na maaring makatulong sa kaso niya. Minsan kasi, sumasagi sa isip kong sinadya ang pagkasagasa niya.

"Hindi imposible yun," sabi ko sa sarili ko. Sa dami na nang na-encounter kong kaso dito sa Pilipinas, eh hindi malayong may gumawa kay Francis non.

At hindi na rin ako lalayo pa -- parang iba ang kutob ko dun sa binanggit nung babae sa video number 3. Si Carmina yun. Yung "malaking iskandalo" pag nalaman ng iba.

"May kinalaman ka ba sa aksidente, Carmina?" Tanong ko sa sarili ko.

Sana wala.. Sana wala kang kinalaman Carmina. Mahal na mahal ka pa man din ni Francis.

Maraming pictures si Francis sa laptop niya. At sa totoo lang, kahit pictures and videos lang ang nakikita ko, eh lalo ko siyang nakikilala.

Yung personality niya. Yung priorities niya sa buhay. Yung weaknesses niya..

May isang album si Francis na punong puno ng pictures ng family niya. Silang dalawang magkapatid, ang alaga nilang aso, bonding with their parents, at kung sinu-sino pang tao na hindi ko kilala, pero halatang mga kamag-anak or close friends nila.

"Family" ang album name na nilagay ni Francis. May more than 1,000 pictures ang naka save dito.

May isa rin siyang album na punong puno naman ng pictures sa office nila. Apparently, it's named "office" -- At andito sa album na 'to yung mga office activities niya, at pati na rin yung bonding niya with his workmates, including Carmina.

May short video pa nga siya sa album na 'to.

Dun sa video, nagtatawanan si Francis, yung Brandon, tapos yung isang lalaki na ka-office mate nila, habang si Carmina naman eh nag pre-present ng report sa harap ng maraming tao.

Pinagtatawanan nila Francis yung drawing ni Carmina. Dapat kasi cellular tower yung drawing, pero iba yung kinalabasan. Parang medyo bastos, alam niyo na..

"Shut up you three!" Sabi ni Carmina sa video na medyo natatawa rin. "It's a cell tower. For God's sake." Dagdag pa niya.

Hmm. Hindi naman siguro kayang ipasagasa ni Carmina si Francis. Mukha naman silang close na close -- bukod pa sa "love" connection nila.

Hay. Ang gulo ng isip ko. I want to help Francis. I want to end his case -- kaso parang nag-ra-rush ako, at kung sinu-sino na ang pinag bibintangan ko, and my list includes Carmina.

He's From The Past, And I Love Him [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon