"Melody, tara, pasok ka na. Habang wala pang ibang press." Paanyaya ni Raymond.
Nakatayo ako sa tapat ng kuwarto ni Francis. May kaba sa aking dibdib.
Pakiramdam ko kasi, eh makikita ko na ang taong inistalk ko ng dalawang araw. Yung lalaki sa videos.
Okay sige, nakita ko na pictures niya sa internet. At kabisado ko na ang mukha niya kapapanuod ng videos niya.
Pero iba ang nararamdaman kong kaba, kasi, makikita ko siya na nakahiga lang.
Hindi nagsasalita.
Walang malay.
Pero tumitibok pa rin ang puso.
Anu kaya ang tumatakbo sa isipan ni Francis ngayon?
Alam kaya niya ang nangyayari?
Nararamdaman kaya niya ang mga taong nasa paligid niya?
Feeling ko kasi, pag comatose ka, eh para kang binabangungot -- yung tipong gusto mo nang gumalaw pero hindi mo maigalaw ang katawan mo..
"Melody, bilis."
Napatingin ako sa mukha ni Raymond. Bigla niya akong hinila.
Malamig ang kuwarto ni Francis. Tanaw mula sa kinatatayuan ko ang paa niya, pero may harang na wood divider na naghihiwalay sa mga sofa at kama niya.
Naglakad na si Raymond papunta sa kama ng kanyang kapatid.
Nakatayo pa rin ako malapit sa pintuan. Tiningnan ko muna yung door knob. Naka lock.
Tumingin ako kay Raymond. Bigla siyang sumenyas na lumapit na ako sa kama.
Dahan dahan akong naglakad. Ibinaba ko ang laptop sa table.. At muling naglakad.
Nakita ko na si Francis.
May oxygen mask siya.
Yung heart rate monitor eh nakapatong sa kaliwang mesa sa gilid niya.
May mga gasgas sa mukha ni Francis.
"Ang sarap pa rin ng tulog ni kuya." Sabi ni Raymond. Hinila niya yung upuan na malapit sa kinatatayuan niya.
Pagkaupong pagkaupo niya ay agad niyang hinawakan ang kaliwang kamay ng kanyang kuya.
"Kuya, lagpas tatlong araw ka nang tulog. It's time to wake up.."
Kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko ang luhang dumadaloy sa mukha ni Raymond.
"Kuya, andito si Melody Fagar. Diba dati binabasa lang natin yung reports niya sa internet? Oh, andito na siya kuya, kaya gumising ka na. Nakakahiya. Hindi ka pa naka-ayos."
Ngumiti ako. Ngumiti din si Raymond.
MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO
Nakaupo ako sa sofa, habang si Raymond naman eh nagtitimpla ng kape. Ibinigay niya sa akin yung isang baso, bago umupo.
Humigop muna ng kape si Raymond bago nagsalita.
"So, napanuod mo na pala yung video number 3."
Tiningnan ko si Raymond. Tumango ako.
"Kasi si kuya hindi naman mahilig mag kuwento yan, kaya hindi ko rin alam kung ano ang nangyari. Pero alam ko kasi kasama din si Carmina dun sa field visit ng mge engineers. May dinalaw silang cellular tower sa Batangas."
"So Raymond, posibleng dun nalaman ni Francis yung tungkol dun sa karelasyon ni Carmina?"
"Yup, it's possible na may nalaman si kuya dun. Pero hindi ko rin sigurado."
BINABASA MO ANG
He's From The Past, And I Love Him [Completed]
Mystery / Thriller"He's from the past.. Pero kasama ko siya ngayon. Bigo akong iwasan na mahalin siya.." Siya si Francis Suarez, isang engineer sa isang malaking telecom company dito sa Pilipinas. At ako naman si Melody Fagar, isang reporter sa isang kilalang news...