"Si Harold Malvar ang sumagasa sa akin," paglalahad ni Francis. "Pero hindi ko maalala kung bakit. Basta ang naaalala ko, sumakay siya sa kotse niya. Tapos binarurot niya."
Napansin kong mas napahigpit ng hawak si Carmina sa bakal sa dulo ng kama ni Francis. Naramdaman ko pa na medyo gumalaw ang kama. Napansin din ni Francis, kaya bigla siyang napatingin kay Carmina.
"Carmina, what's wrong? Are you alright?" Pag-uusisa ni Francis.
"Yes. I'm fine," sabi ni Carmina. Pero halatang pinagpawisan siya. Pinunasan niya ang pawis niya gamit ang kanyang kaliwang kamay, habang ang kanang kamay niya eh kapit na kapit pa rin sa bakal.
Umubo muna si Francis, bago nito tinuloy ang pagkukuwento.
"Basta ang na-aalala ko," sabi niya bago tumingin kay Carmina, "sabay kami lumabas ni Carmina ng office. Basta ganun."
Tumahimik muna si Francis, mga sampung segundo, kaya naman pinause ko yung recording.
"Carmina, wala ka bang maalala? Please tulungan mo akong magkuwento. Hindi ko maalala yung nangyari matapos natin lumabas sa office."
Nakatingin si Francis kay Carmina na animoy nagmamaka awa.
"Sorry Francis. Hindi ko rin maalala." Sabi ni Carmina. Bumitaw ang kanyang kanang kamay sa bakal, at ginamit ito para punasan ang kanyang pawis.
"Kasi, nung madaling araw na naaksidente ka. Na depress ako. Hindi ko kinaya nung naibalita sa telebisyon." Paliwanag niya.
Biglang may kumatok sa pinto. "Ah wait lang, ako na ang magbubukas." Sabi ni Carmina.
Napatingin sa akin si Francis.
Parang nahiya ako, kasi ang tagal niyang nakatingin, kaya yumuko ako.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. "May dumi ba sa face ko?"
"Wala naman. Gusto ko lang magpasalamat." Sagot naman ni Francis. Nung napatingin ako sa mukha niya, eh ngumiti siya bigla.
"Oh, Melody. You're here. Kuya! What's with the laptop?" Pag uusisa ni Raymond.
"Where's Carmina?" Tanong agad ni Francis.
"Eh kuya nung pagbukas niya ng pintuan sabi niya may bibilhin lang daw siya sa canteen ng hospital."
"Hi Raymond," pagbati ko. "Kasi gusto ng kuya mo eh interviewhin ko siya."
Biglang ngumiti si Raymond. "Talaga lang ha."
"Uhm. Raymond. May itatanong ako sa'yo. It's not that important naman. Kaya mamaya na lang." Sabi ko.
"Yeah. I know. Nabasa ko mga texts mo nung nakuha ko yung phone ko." Sagot naman niya.
"May internet ba yang laptop kuya?" Biglang tanong ni Raymond.
"Meron. Kay Melody 'to. Pinakita ko nga sa kanya yung blog ko."
Biglang lumapit si Raymond, at iniharap ang laptop sa kanya. "Kuya, matagal din na comatose ka. Hindi mo ba namimiss mag Facebook?"
Ngumiti si Francis. "Oo nga no. Sige Mon ilagay mo nga sa Facebook. Mag la-log in ako."
Nag type si Raymond.
Hinila ko ang silya, at umupo. Nangawit din ako sa puwesto ko. Napatayo kasi ako kanina nung binanggit ni Francis yung pangalan ni Harold.
Iniharap ni Raymond ang laptop kay Francis. Nakita ko na nag-type si Francis. Nag la log-in na siguro siya. Pero nagulat lang ako kasi kahit naaksidente si Francis, at nacomatose, eh naaalala pa rin niya yung username at password niya.
BINABASA MO ANG
He's From The Past, And I Love Him [Completed]
Mystery / Thriller"He's from the past.. Pero kasama ko siya ngayon. Bigo akong iwasan na mahalin siya.." Siya si Francis Suarez, isang engineer sa isang malaking telecom company dito sa Pilipinas. At ako naman si Melody Fagar, isang reporter sa isang kilalang news...