Hello.
If you love "He's From The Past, And I Love Him" at hindi naman kayo busy -- eh please check out my new ongoing book. It's entitled GL Card (Ganda Lang). It's about Miss Ganda Sarmiento-Lang. Chicklit siya, light lang, may mga twists, at kung anu-ano pang kalandian with life lessons, siyempre.
Like "Passport to Lurve" (first book), and "He's From The Past," the new book, "GL Card", also runs inside the so-called "Qarla Universe" na nag e-exist din si Dexter Mercado, Edna Mariano, in addition to Melody Fagar and Francis Suarez. Kung lalabas man ang isa sa kanila sa GL Card, eh yun ang dapat ninyong abangan!
Here's the first chapter of the book.
If you're interested then please check it out on my profile page.
Salamat!
Sana lahat tayo eh mabiyayaan ng GL card. ^.^
Lurve,
Qarla.
-----------------------
INTRODUCTION
Kasalanan ko bang maging maganda? Of course not!
My name is Ganda with the capital G. My complete name is Ganda Sarmiento Lang, and I live in the beautiful city of Manila, capital of the Republic of the Philippines.
Siguro nagtataka kayo kung bakit Ganda ang name ko. Well, hindi ko rin alam sa mom and dad ko -- basta ang chika nila sa akin, ang ganda ko daw since birth, so ang suggestion ng aking tita, si Tita Marie, eh pangalanan daw akong Ganda.
Kung sabagay, bat pa lalayo ang parents ko di'ba? Dapat direct to the point! Ganda! Napaka patriotic. Napaka realistic. Napaka obvious!
I'm the only daughter of Mr. Bob Lang, and Mrs. Jessica Sarmiento-Lang.
Baka hindi kayo aware, pero ako talaga ang lubos na pinagpalang babae sa Sampaloc, kasi, nabiyayaan ako ng GL CARD.
Hindi lahat ng babae sa mundo eh may GL card. Napaka powerful kasi neto.
Like for example, pag may GL card ka, tapos nag LRT ka. Rush hour. Puno na ang tren. Well, just wave your GL card and expect na ura-urada, magkakaroon ka ng mauupuan.
Punong bus ba kamo teh? Walang problema. Just wave the GL card, and poof -- instant seat!
Mahabang pila sa school cafeteria? Problema ba yun? Just flip your hair, wave your GL card, and kabooom -- nasa harap ka na ng linya. Libre pa ang food!
Umuulan. Agawan ng taxi. Move closer to the road, sigaw ka lang ng "taxi", then wave your GL card, and after five seconds -- nasa harap na si manong! Hindi ka pa aagawan ng boys.
Well, not unless, may kakompetensya kang girl na may GL card din. So, kailangan bilisan mo. Pasok ka agad ng taxi, then close the door, at ilabas ang iyong pinkish na dila. Bleh!
Still working ang aking GL card. Namana ko siya kay mom na Miss Manila nineteen kopong kopong. I can't remember the exact year na nanalo si mom eh. Basta dahil dun sa pageant, eh nagkakilala sila ni dad.
So, na cucurious na ba kayo kung ano ang GL card?
Hahaha! GL card is -- well --- ganda lang!
Ang tanong. Paano mo malalaman kung wala kang GL card?
Examples below.
Pag puno sa LRT at hindi ka makakuha ng seat, panigurado wala kang GL card.
Sa cafeteria, hindi ka makasingit? I'm quite sure wala kang GL card.
Punong bus? Walang gentleman na nagpapaupo sa'yo? Naku teh, sorry, wala kang GL card.
At para sa iba diyan na hindi na na-eexperience ang privilege of being beautiful. Ang mapapayo ko lang, eh check the back of your card. Baka expired na.
Hahaha. With the capital H.
Anyway, I'm getting ready kasi next week na ang pageant sa school. I need to win, para lalong lumakas ang bisa ng GL card.
Pero may konting problema. Yung pinsan ko kasi, si Monalisa, may GL card din yun.
Na inform ako ng aking mga ninjas yesterday na sasali din daw si Monalisa sa pageant. So, apparently, kailangan kong galingan sa pag pro prodyek para mag winnie cordero (manalo).
At ang masasabi ko lang -- palakasan na lang kami ng GL card.
Wish me luck!
BINABASA MO ANG
He's From The Past, And I Love Him [Completed]
Mystery / Thriller"He's from the past.. Pero kasama ko siya ngayon. Bigo akong iwasan na mahalin siya.." Siya si Francis Suarez, isang engineer sa isang malaking telecom company dito sa Pilipinas. At ako naman si Melody Fagar, isang reporter sa isang kilalang news...