Pagkatapos ko ilagay yung blue box sa bag ko eh agad akong nagmadali para makalabas ng apartment ko. Dala-dala ko rin si Tom. Iiwan ko muna siya kina ate, bago ako dederetso sa ospital, para kausapin si Francis.
Tumawag sa akin kanina yung editor ko. Excited sila na mabasa ang draft ko ng interview with Francis. Nangako ako na tatapusin ko hanggang mamayang gabi.
"Melody, any updates on your exclusive interview with Francis?" Tanong sa akin ng editor ko kanina. "Hopefully eh ma enganyo ang readers na mabasa ang kuwento ni Francis." Dagdag pa niya.
In the midst of the "Dexter Mercado craze," eh naniniwala pa rin kami ng editor ko na kaya naming mag hakot ng readers -- mga taong makikinig sa sasabihin ni Francis. Sa kuwento niya. Sa side niya.
MAKALIPAS ANG ILANG ORAS
Matapos kong ihatid si Tom sa bahay nila manang eh agad akong nag taxi at dumeretso sa ospital.
At ngayon, nasa tapat na ako ng kuwarto ni Francis.
Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko na laman ang blue box niya -- at mga videos niya na inilipat ko sa laptop ko mula sa aking telepono.
Sana.. Maalala niya ako, at ang paghanga niya sa akin pag napanuod niya muli ang "Francis from the past."
"Melody, I'm not sure if it's gonna work," sabi ni Raymond sa akin kanina nung tinawagan ko siya at kinuwento ang plano ko. "But let's try."
Inaantay na ako ni Raymond sa loob.
Kumatok ako ng dalawang beses, at agad na may nagbukas ng pinto.
Nagulat ako. Si Carmina.
Lumabas muna si Carmina, bago niya isinara ang pintuan.
"Melody, na receive ko yung text mo kagabi. Yung tungkol dun sa box."
Biglang hinawakan ni Carmina ang kamay ko.
"Sorry Melody, pero hindi ko matatanggap ang box na yan. Sa tingin ko, dapat isoli mo na lang yan kay Francis. Or, maybe, bury it again."
Nagulat ako sa sinabi ni Carmina.
"Alam ko Melody. Nararamdaman ko. You like Francis -- at naniniwala ako na Francis deserves you, and not me. Ilang beses ko na siyang niloko. Wala na akong karapatang angkinin ang pagmamahal niya. Ang atensyon niya."
Napaupo si Carmina sa bakanteng silya sa tapat ng kuwarto ni Francis. Tinabihan ko siya agad.
"I'm so sorry Carmina. Hindi ko napigilan ang sarili ko." Sabi ko, sabay hawak sa kanyang kaliwang kamay.
"Don't worry Melody. I know naman eh. Wala kang kasalanan. Actually, I like you. Magiging masaya si Francis pag nakilala ka niya ng lubusan. Pag nagkalapit kayo."
Pinunasan ni Carmina ang luha sa kanyang mukha bago muling nagsalita.
"Last year, nung time na nag-aaway kami ni Harold, at nababalitaan ko ang paghanga ni Francis sa'yo. Nagselos ako. Kasi pakiramdam ko, nakaka move on na siya. Napaka selfish ko Melody. Sobrang selfish ko.."
Dahan dahan na binitawan ni Carmina ang kamay ko, at tumayo.
"Gawin mo ang lahat para maalala ka niya." Sabi ni Carmina, sabay ngiti.
Naglakad si Carmina palayo sa akin, pero bago pa siya makalagpas sa katabing kuwarto, eh bigla siyang lumingon, at ngumiti.
Nabuhayan ako ng loob. With Carmina's blessing (approval) -- pakiramdam ko, eh numipis ang namamagitan sa aming dalawa ni Francis.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kuwarto ni Francis.
At habang isinasara ko ang pintuan eh may naririnig akong tawanan. Biglang nagsalita si Raymond.
BINABASA MO ANG
He's From The Past, And I Love Him [Completed]
Mystery / Thriller"He's from the past.. Pero kasama ko siya ngayon. Bigo akong iwasan na mahalin siya.." Siya si Francis Suarez, isang engineer sa isang malaking telecom company dito sa Pilipinas. At ako naman si Melody Fagar, isang reporter sa isang kilalang news...