Hi reader. You still there? I' ll try to update the story atleast 3 chapters a day for you. Whahaha
==========================
Umakyat na kami sa Recto Station ng LRT.
Katy: Huy, ano ba nangyari sa' yo kanina? Parang bangag ka naman?
Ako: Hindi ko nga alam eh. Hmph!! Kalimutan na natin yon, mababaliw lang tayo sa kakaisip.
Katy: 2 pong V. Mapa (sabi sa kahera)
Pucha! Hindi naman pala 'to nakikinig. Para kong tanga... Walang kinakausap. Hahaahah. Natawa na lang ako.
Katy: Tara na!!
Ako: Katy, about dun sa kanina. Parang nagkaroon ako ng slight vision.
Katy: Vision? Vision! Ano madame auring? WHAHAHA.
Ako: Bayan? Puro ka naman joke. Hindi ako nagbibiro.
Katy: Hala ka? May sakit ka ba? Ngayon lang kita nakitang ganyan ah?
Ako: Eh kasi nga, hindi ko maexplain yung nangyari kanina. I thought I was going to die.
Katy: ( kumuha ng tissue, pinahid sa ilong) NOSEBLEED! NOSEBLEED!
Ako: Funny... Ano ba? Bahala ka nga. Hindi ko na lang ikukwento.
Katy: JOKE lang. Ito naman. So ano na?
Then, yun nga. Kinuwento ko lahat. Pero para talagamg hindi siya makapaniwala. Akala niya nangtitrip lang ako.
After mga less than 10 minutes nasa V.Mapa Station na kami. Bumaba na kami and pumunta sa bahay ko. Katabi lang kasi ng LRT Station yung bahay namin. Uy! Hindi kami mga illegal settlers ah? Isang maliit na village yung street namin. And beside ng village eh yung SM Sta. Mesa. As in, beside lang talaga. Anyway, narating na namin yung bahay namin nang nagtext yung pinsan ni Katy na si Zoey, na nasa SM daw siya at sunduin daw namin siya.
Cellphone conve..
Zoey: Kat! Sunduin niyo ko. Dito ako sa Artwork.
Katy: Sige, wait lang. Baba lang namin yung mga pinamili namin sa bahay ni Gerome.
Zoey: K.
Langya, K lang ang sagot. Whahahah.
Dahil kabisado ko ang SM StaMesa mula sa sulok nito, nagikot-ikot muna kami. Punta dito, punta dyan. Ang lamig!! Whoa, at nung napadaan kami sa sports warehpuse na pagkaliit-liit, may nakita akong baseball bat na bagong labas lang. Maganda 'to. Halos parang kulay ginto. Nung tiningnan ko yung presyo. GINTO NGA! 9,995. Wag na lang uy, bili na lang ako ng bagong phone. Hahaha.
Nung umuwi na kami, nagbukas agad ako ng TV. lipat dito, lipat doon. Then, NEWS FLASH! tententenen-tenen. "Isang Meteor Shower ang dadaan sa ating summer capital. Sa Baguio. Inaasahang darating ito ng alas-otso ng gabi kung kaya't maaga pa lang ay dagsa na ang mga tao upang makakuha ng pwesto para masaksihan ang penomenal na pangyayaring ito . Para ,sa karagdagang balita ma...g...log........."
"Gerome! Huy! Ano ba? Natutulala ka nanaman!! HUY!"
Sigaw ni Katy sa'kin habamg nakatulala sa tv.
Ako: huh? oh! Ano na..
Zoey: oh bakit ka kasi natulala?
Katy: Hay nako, kanina pa yan. Mula nung nasa Quaipo. Ewan ko ba, nakatext lang si Melissa eh.
Zoey: Yiee, Melissa.
Ako: Ano ba? (habang naka- ngisi, kinikilig daw ba)
Katy: HAHAHAHA. Sabi na nga ba eh. Oh Siya, ipagluto mo na kami.
Pesteng babae 'to oh. Pagkatapos mangantyaw, utusan ba naman ako sa sarili kong bahay? Whahaha. Pero oks lang close ko naman silang dalawa. Super close!
Hindi ko maalis sa isipan ko kung coincidence lang ba? O pahiwatig na talaga yun mga nakikita ko. Una, yung sa Quiapo. Ngayon naman sa balita. Ano ba? Natotorete na'ko.
Nagluto kami ng corned beef na may patatas, as usual. At slightly sunog ito. Hahaha. Pero masarap siya ah. After nun, dun na magovernight sila Zoey and Katy sa'min. Wala naman sila mama eh. Umalis, pumjntang antipolo. Nagpa-iwan ako, kasi nga may lakad kami nila Katy. Nagtext sa'kin si mama na bukas na daw sila uuwi. Kaya dun ko na lang sila pinatulog. Ako sa sofa bed, silang dalawa sa kama. Hahaha.
Habang natutulog ako na nakaharap sa pader, nanaginip ako..... "Nasa School daw kami ng mangyari yung pagdagsa ng mga tao. Nagkakagulo daw, lahat kami nagpapanic. Pero I stood still, at conscious. Hinablot ko sina Zoey at Katy papunta dun sa maliit na janitor's room malapit sa Frasi Bldg. At duon nagtago kami for almost 6 hours. Mga 11 am nagstart yung breakout ng mga tao."
==========================
Masyado ng bang mahaba reader? Hahahah. Comment or Vote below. =)) hoping for positive feedbacks and suggestions.
BINABASA MO ANG
You Wouldn't Believe This
AdventureAnong gagawin mo kung nasa isang sitwasyon ka ngayon, na hinding hindi mo aakalaing mangyayari sa 'yo? Paano kung hindi mo alam kung ano ang kinakalaban mo? Anong gagawin mo? Susuko ka ba? Or You'll fight for your life...