Ginawa ko to nung isang gabi, hehe. Ngayon ko lanf napost kasi may pasok eh. Hope you read it! THUMBS UP MADLA!!
>>>>>>>>>>>>>>>>>=<<<<<<<<<<<<<<<<<
Nagising ako na nakatali na kaming lahat. Minulat ko ang mga mata, hinanap ko sila Deither. Nakatali rin sila. Magkakatabi kami. Napansin ko ang paligid ng kwarto.. Medyo madumi, nakakalat ang mga maraming papel sa lapag, madilim na may isang bumbilya lang ang nakabukas. Kinabahan ako, "ano kaya gagawin nito sa amin? papatayin ba kami o gagawing alila o papalayain rin? ano ba!! naguguluhan na ako." angal ko sa sarili ko. Ilang oras din kaming nakatali mula nang nagising ako.Walang nagtangkang magsalita, kahit sino sa amin, kahit wala yung mga armadong lalaki sa loob.
Ako: GUYS! kamusta kayo?
Melissa: Obvious ba? Malamang nakatali rin.
Ako: (Nagulat ako sa sagot ni Melissa. Ano nakain nito? suplada. Sabi ko sa isip ko.) Ah eh.. oo nga. pero i mean ano nararamdaman niyo? sinaktan ka ba nila? este kayo pala?
Sabay siko sa akin ni Deither.
Diet: Kunyari ka pa! Eh ang concern mo lang naman dito sa melissa eh.
Ako: Bro..... wag ka na! (sabay sipa ko kay diet)
Zoey: Gerome. So anong plano mo?
Katy: Oo nga...
Ako: OHH? (pagulat kong sabi) andito ala kayo? eh mula kanina wala kayong script ah?
Zoey: Puro ka naman biro eh. Ano na nga plano mo? (medyo serious na ang mukha)
Ako: "PLAN 1: Makawala tayo sa pagkakataling ito.
PLAN 2: makuha yung mga gamit natin sa loob ng cabinet na iyon.
PLAN 3: Makatakas. Lumayo mula rito. Hindi pa tayo pwedeng bumalik sa evac. Baka sundan tayo nung mga yun."
Patty: GOOD PLAN!
Ako: Pero dahil wala tayong matulis na bagay, hindi natin magagawa ang plan 1. So wala na ring plan 2 and 3. So mamatay na tayo. HAHAHAHA! (pabiro ko)
Patty: Yeah dude its not even funny. (sabay taray sa akin at tumalikod)
Ako: JOKE LANG! Diet kunin mo nga yung swiss knife dito sa bulsa sa likod ko. Dali.
Diet: Teka. Baka dumating sila.
Ako: Hindi yan. Kaya nga bilisan mo eh.
Diet: eto na eto na. Nakuha ko na. (inabot sa akin.)
Ako: Akin na. (kinuha ko sa kamay niya, at pinutol yung tali sa kamay ko.)
Sinunod ko si Deither, Si Darwin, Si Melissa, Patty, Katy at Zoey.
Ako: Ayan. Kumuha na kayo ng kahit na anong mabigat na bagay. Martilyo, Bat, Bakal, Upuan.. Kahit ano basta. Tapos na tayo sa plan 1 kaya plan 2 na. Yung mga gamit natin.
Jelly: Eto, may nakita akong martilyo. Ge, kunin mo oh.
Ako: Akin na. Ayun, tara dun sa cabinet.
Patty: Wait guys. Baka bigla silang dumating. Mapatrouble pa tayo.
Ako: Tama ka. Umph, Darwim at Pat maiwan kayo dito at bantayan ang pinto. Kapag bumukas dahan niyong lapitan at alam niyo na. Pst! Zoey at Katy, dyan kayo sa bintana. Takpan niyo saka bantayan. Melissa at Jelly, kayo ang may pinakaimportanteng gagawin.... Umupo at manahimik. Okay? HAHAHA. Joke lang. Dyan na lang kayo, magbantay. Tara na!
At pumunta nga kami doon sa cabinet. medyo malaki kasi yung kwarto kaya may division kami. Kinuha ko yung flashlight sa bulsa ko at tinungo namin yung cabinet. Tinry kong buksan pero ayaw. Pinihit ko ng martilyo yung knob pero konti lang yung umangat. "pano ba to? teka ah." Sinipa-sipa ko at pinigilan ako ni deither.
Diet: Bro! baka marinig ka.
Ako: (habang sinisipa yung pinto ng cabinet) hindi yan.. Konti na lang.
Diet: Bilisan mo! baka maabutan nila tayo.
Nakarinig kami ng mga padyak ng mga sapatos. Palapit sa kwarto namin. Natataranta na ako. Ginaya ko yung position ng bumbero sa nabasa ko. Yung left leg, stand firm medyo naka lean. Habang yung right leg ang ipangsisipa ko malapit sa knob ng cabinet. 1........2........3!!
Nagcrack yung pinto at bumagsak. SUCCESS!! Kinuha agad namin yung mga bag. Lahat. wala kaming tinira. Sakto bubuksan na mga armadong lalaki yung pinto ng malapit na kami kila darwin.
Darwin: Ano? nakuha niyo na yung mga gamit?
Ako: Oo. dali plan 3 na! (Sinitsitan ko sila Zoey and friends na lumapit ng konti sa amin, para kapag binugbog na namin yung mga armado eh mabilis silang makalabas)
Umiikot na yung doorknob, mabagal, maririndi ka sa tunog ng kalawang sa loob. Bumubukas na ang pinto, and bigla namin silang sinunggaban!
Ako: HAAA!!
Sinipa ko sa pribadong parte yung isa, napaluhod. Pagkatapos ay nilapit ko ang mukha sa tuhod ko at obviously tinuhod ko ito. Bulagta! Pero para makasiguro, dinambahan ko ito at siniko ulit sa t'yan. Ang brutal ko no? Hahaha. Habang si Patty, pinagpapalo ng upuan sa katawan yung lalaki na bugbog sarado na kakasipa ni Darwin. Si Diet naman, dinambahan sa likod yung isa at nginudnod sa sahig ang mukha. Nang makasiguro na kaming hindi sila makakatayo, dali dali kaming tumakbo palabas. Hinila ko na sila, si Melissa na naman ang hawak ko, kaya ganadong ganado na nanaman ako. hahaha.
Pagkalabas namin, buti na lang andoon pa rin yung kotse namin. Dali kaming sumakay at ako na ang nagdrive. Wala namang sisita. Humarurot kami pero hindi patungong evac, kundi patungong manila. Malayo sa mga armadong grupong kumulong sa amin.
>>>>>>>>>>>>>>>>>=<<<<<<<<<<<<<<<<<
Psst! READ, COMMENT, VOTE AND SHARE guys.
-Frederald
BINABASA MO ANG
You Wouldn't Believe This
AdventureAnong gagawin mo kung nasa isang sitwasyon ka ngayon, na hinding hindi mo aakalaing mangyayari sa 'yo? Paano kung hindi mo alam kung ano ang kinakalaban mo? Anong gagawin mo? Susuko ka ba? Or You'll fight for your life...