Habang nasa itaas kami ng LRT. Naguguluhan ako. Paano kami makakababa? San kami pupunta? Mamaya hinahanap at nag aalala na mga pamilya namin. Shit. Bigla akong napaisip. Ting!
Pwede kaya kaming maglakad gamit yung riles ng tren? Baka pwede para makaabot kami sa santolan at makahanap ng masasakyan. PWEDE? PWEDE!
Ako: Guys! alam ko na kung paano tayo makakaalis dito. (apura kong sabi)
Katy: Pano? Sige nga. (inis)
Ako: Ganito. Lalakad tayo sa gitnang parte nung riles. Hanggang sa santolan. Pero for sure kapag nakalayo na tayo pwede na tayong bumaba dito. Para lang di tayo maabutan nung mga bolang apoy.
Zoey: Eh teka. Paano kung makaakyat yung mga yun dito?
Ako: Di naman siguro. Kesa mastuck tayo dito.
Patty: Siguro nga. Osya tara na. Bago pa magbago isip natin.
Ako: Oh mauna na kaming mga lalaki.
Bumaba ako sa riles. First time ko to kaya medyo exciting. HAHAHA. Sumunod sila diet. Inalalayan namin yung girls, syempre. Buddy to body kaming lahat. Buti na lang nakapagrepack kami ng mga gamit.
Dahan dahan kaming nagsimulang maglakad. Nasa unahan ako syempre, bilang lider. Cautious pa rin kami dahil baka makita kami nung mga santelmo. Habang naglalakad, kinausap ko si Melissa.
Ako: So, uhh. (medyo kulot yung boses) Di ka ba natatakot?
Melissa: Takot na takot na kaya ako. Buti na lang kayo kasama ko lalo ka na. HAHAHA.
Ako: What? Mother Hubbard! (sigaw ko sa isip) Tama ba yung narinig ko? AHH. Buti na nga lang din at walang napapahamak sa atin.
Melissa: Kaya nga eh. Teka, pansin ko parang alam na alam mo lahat nung nangyayari.
Ako: Hindi. (lumakad patagilid dahil may poste) Nagresearch din kasi ako. Para handa lang. Kesa wala diba.
Melissa: Ah. Sabagay. Oh. Di na natin napansin. Gilmore na tayo oh.
Ako: Ay oo nga no. Stop over muna tayo. Malayu-layo na rin pala nalakad natin. GUYS! (pasigaw ko)
Stop over muna tayo. Pahinga muna tayo. 6:30 na rin eh. May dala naman tayo mga pagkain diba.
LAHAT SILA: OO! ang bilis niyo! parang wala kayong mga kasama ah.
Ako: Sorry po! Whahaha.
Nagpahinga na kami. Umakyat mula sa riles na medyo basa-basa tanda ng lumipas na ulan. Nagsettle muna kami sa isang side ng tabi-tabi. Sobrang dilim, although may kakaunting ilaw sa paligid. Hindi sa LRT. Salamat dahil baka makuha namin yung atensyon nung mga yun. Nagbukas ang ng maliit na emergency light, good enough para sa aming lahat. Grabe ang lamig! Ano kaya kakainin namin? Naghalukay ako sa mga bag na dala namin.
Ako: Diet! Ano ba kakainin natin? di naman wede cup noodles kasi wala namang mainit na tubig.
Diet: Edi yung mga ready-to-eat na lang. Yung mga nakasachet. Nakakuha kasi ako ng kanin dun sa SM. Mukha ngang bagong saing eh. Pagkasyahin na lang muna natin.
Ako: Ah sige sige. (Sabay bukas nung mga sachet)
Habang naghahanda kami, pinaikot ko muna sila darwin para ma check yung buong station para safe lang. Siguro mga 20 minutes na rin ng makabalil sila, niyaya ko na rin sila kumain. Habang kumakain kami, di naming maiwasang pag usapan yung mga nangyayari.
Darwin: Sa tingin niyo, end of the world na?
Ako: Grabe ka naman. Kaya ka laging binabangungot eh. Kung anu-ano iniisip mo.
Diet: Eh kasi naman, ano ba kasi yung nangyayari?
Patty: Alam niyo guys, kahit magtanong kayo ng magtanong di naman masasagot yan eh. Di natin alam lahT kung ano ang puno't dulo nito. Ang importante is ligtas tayong lahat.
Zoey: PALAKPAKAN!! WHAHAHA. Aray! (binatukan ni patty)
Ako: Basta, kailangan mamaya o bukas makarating na tayo sa marikina para makauwi na rin tayo ah. Walang hihiwalay. Magkasama tayong umalis, magkasama tayong uuwi.
Natapos kaming kumain at nag-ayos na. Magpapahinga na rin muna kami. Kanya kanyang pwesto pero BB pa rin dapat (Buddy to Body). Ako, syempre. Dreams do come true. Hahaha. Katabi ko si Melissa. Pero nung time na yun, hindi siya yung iniisip ko. Binabasa ko yung dyaryong nakuha ko sa tabi ng BDO sa bandang V.Mapa Station.
"BOLANG APOY! KUMAKALAT! tabloid kasi. Sinasabing kumakalat itong mga bolang apoy sa mga lugar kung saan maraming kabahayan at establishimento. Ang siste raw ay nais nilang kumuha ng kakaibang mga bato na sa ating mundo lang makikita. Ang CG-17 isang rare na dyamante na nakukuha sa mga concrete walls at semento. Totoo nga ba ito? Handa ba tayo? Walang makakapagsabi."
Ako: Huh? Totoo to. (sabay kagat sa biscuit na hawak ko) asan kaya ako makakahanap ng panlaban doon? BAHALA NA. Tulog na rin sila, maliban saming tatlong lalaki. Syempre, nagbabantay kami.
Ako: psst! Okay lang kayo?
Diet: Oo. oks na oks.
Darwin: Walang dyahe. (sabay punas sa mukha)
Ako: Mga gagi.. HAHAHA.
Ilang oras din kaming nakatengga at inantay mag alas-singko na umaga para makaalis na rin kami ng maaga. Nag ayos na ko pati sila diet. Ginising ko na si Melissa, at yung iba pa. Niyaya ko na sila para makapaglakad na rin kami ng malayu-layo. Mga antok pa nga tong mga to. Kamusta naman kami diba? Walang tulog. Hahaha.
Naglakad na kami ng naglakad at umabot kami sa Araneta Center. Doon nagimbal kami sa aming nakasalubong.
----------
Readers! Comment, Spread and Vote. Salamat mga brad!
BINABASA MO ANG
You Wouldn't Believe This
AventuraAnong gagawin mo kung nasa isang sitwasyon ka ngayon, na hinding hindi mo aakalaing mangyayari sa 'yo? Paano kung hindi mo alam kung ano ang kinakalaban mo? Anong gagawin mo? Susuko ka ba? Or You'll fight for your life...