Readers!! Hi paramdam naman kayo oh. Hahaha. :)) have a nice day!
>>>>>>>>>>>>>>>>>=<<<<<<<<<<<<<<<<<
Habang bumabyahe kami, napansin nilang tahimik ako.
Patty: Ge. Ano nangyari sa yo?
Ako: ..............
Patty: Ano nga? Bakit ka ba tahimik? may problema ba?
Melissa: May tama ka ba?
Ako: May tama sa yo. (sabi ko, pero pabulong lang. haha)
Melissa: Ano? (may halong asar at pagkagulat)
Ako: Wala. Sabi ko, mali na sinama ko pa kayo dito. Dapat ako na lang pumunta mag-isa baka sakaling hindi tayo nagtatatakbo ngayon at nagtatago. Sana lang talaga.
Patty: Hayaan mo na. Nangyari na ang nangyari. Wala na tayong magagawa.
Ako: Sana nga, nangyari lang....
At binalot ng katahimikan ang buong kotse. Nagdrive ako ng nagdrive.... walang direksyon. Mula sa marikina, nakarating kami dito sa may araneta ave. Malapit sa St.Peter's. Nagdrive pa ako at nakarating kami dito nga sa v.mapa. Pinark ko yung kotseng ginamit namin, yung tucson, kaya madaling magdrive. (Auto kasi) anyway, alas onse na at hindi pa kami nagaalmusal. Pumunta ako doon, kung saan may burger machine na stall. Binuksan ko at chineck yung ref. May ilang patties at drinks pa. Andun pa rin yung mga tinapay. Tinake ko na yung chance at tinawag sila.
Ako: Oy! may pagkain dito. Tara!
Zoey: Ooh. Sarap..
Katy: Oo nga. Teka marunong ka ba?
Ako: Oo naman. Burger lang to. Saka pangarap ko makapagluto sa ganitong stove. Hahaha. (sabi ko sabay pritp ng mga patty.) sakto na siguro sa amin yung tag-isa lang at babaunin namin yung iba. Tama,.
Habang nagluluto ako, napansin kong lumayo sa amin si Melissa. Sumandal siya sa kotse naming nakaparada. Malayo ang tinitingnan. Parang ang lalim ng iniisip. Binilisan ko yung pagprepare ng mga burger at ibinigay sa kanila isa-isa. Pati yung drinks binigay ko na rin. Medyo malamig pa. Hehe.
Ako: Guys! oh kain na kayo. Puntahan ko lang si Melissa.
Katy: Sige! (sabay bulong kila Jelly)
Jelly: Chancing nanaman. (pabulong na narinig ko pa.)
Habang papalapit ako, dala yung burger at drinks, nakita niya ako at inirapan. Pero nilapitan ko pa rin siya. Alam kong
gutom na yun. Naiinis lang sakin.
Ako: Mel? Huy. Kain ka na. (medyo ngarag yung boses ko, natatakot eh)
Melissa: Di ako gutom. Iwan mo muna ako. (umiiwas ng tingin)
Ako: Sige na. Alam ko namang galit ka pa sa akin eh. Dahil dun sa kanina. (malungkot na pilit ko)
Melissa: (biglang umiyak at yumakap sa akin) Gerome!....
Nagulat ako.. di ko alam gagawin ko. Niyakap ko na lang siya pabalik. Hinigpitan niya yung yakap niya at humagulgol.
Ako: Tahan na. (ti-nap ko yung likod niya) Eto oh, kumain ka muna. Gutom lang yan.
Melissa: (mahinang sinuntol yung balikat ko) Eh kasi, akin na nga.
Umupo siya sa trunk ng isang kotse at sumandal. Nilapitan ko siya at tinabihan. Kinausap ko siya sabay kagat doon sa burger..
Ako: So anong problema mo? bakit lumalayo ka sa amin?
Melissa: Eh kasi. I feel so lost. Hindi ko alam ang gagawin ko. Yung family ko hindi ko alam kung nasaan. Kanina muntik na tayong makidnap. I thought I was going to die. (sabay iyak at pinunasan yung luha gamit yung braso)
Ako: Mel. Sorry ulit. I never intend it.
Akala ko all will go smooth. Sorry din sa family mo. Feeling ko nga kasalanan ko lahat eh. From the time na tinext ko kayo na pumunta dito dahil walang pasok until now. Parang ako ang cause ng lahat ng ito. (medyo kumulot yung boses ko na nagpapahiwatig na naiiyak) Sorry ulit.
Melissa: (hinawakan ako sa kamay) Gerome, look at me. Walang may kasalanan nito. Everything happens for a reason. Magthank yoy na lang tayo na we're all safe at magkakasama. Thank you nga sa paglead sa amin ah. Thank you. (sabay gulo sa buhok ko)
Ako: (uminom ng 7up) Salamat rin for believing me.
Hindi na sumagot si Melissa, pero ang pagtango niya ay signal na "your welcome" ang sagot niya. Naubos na namin yung pagkain at niyaya ko na siya sa pumunta sa grupo na saktong katatapos lang ding magbrunch.
Diet: Oy! Sa wakas at bumalik na rin kayo. Ang tagal niyo ah. Baka naman....
Katy: Deither! ano ba?
Ako: HAHAHA. oks lang yun.
Melissa: guys, sorry sa pagiging stubborn ko. Ang dami ko lang talagang iniisip. Buti nga't napakalma ako ni gerome eh. (siniko ako sa balikat)
Patty: Yihie! aray may mga langgams. Hahaha.
Ako: Tara na nga! tapos na ba kayo? Try nating bumisita doon sa SM. Para makapagpalit ng damit. Medyo mabantot na tayo oh. Tapos pasok na lang tayo dito sa For sure wala ng tao doon, lahat inivacuate na.
Lahat: TARA!!!
Nilakad lang namin yung sm. Tutal isang kanto lang naman. Binigyan ko sila ng directions.
Ako: Oh pwede tayong maghiwa-hiwalay sa isang floor. Pero hindi sa buong mall. Kung nasaang floor ang isa, andun ang lahat. Bawal umakyat ng mag-isa okay? find the easiest way out if ever may nangyari. Find your buddy. Ok? Bilisan lang natin. Ayaw kong abutan tayo ng gabi dito. Go.
Ang buddy ko si Melissa. Magkahalong tuwa't takot ang bumabalot sa akin.
Syempre dahil buddy ko si Melissa at syempre nakakatakot rin dahil baka lumabas sa kung saan yung kumaksat na mga bolang apoy. Any, pina-una ko na siya sa gusto niyang puntahan. Syempre ladies first. Pumunta siya sa kashieca at /herbench. Daming kinuha. Pabango, undies, hanging shirts, tshirts, shorts and pants. Sabi ko sa bag ko na lang niya ilagay para hindi mabigat. Ang sweet lang talaga namin. Hahaha.
Ako namam, dumayo sa oxygen and bench. Kumuha rin katulad ng mga kinuha niya except sa hanging shirts. Hahaha. Tinawag ko siya at niyaya sa dept. store pero nakasara yung pinto eh. Sayang! bibigyan ko pa namam siya ng sapatos sana.
Patty: Gerome!! Ge! (sigaw niya)
Melissa: Pat!! bakit? andito kami sa dept. store.
Patty: Yihie kanina pa talaga ako kinakagat ng langgam. Hahaha. biro lang.
Ako: Tara na? Asan ba sila? Diet! Jelly! Katy! Zoey!
DJKZ: Yow? Alis na tayo?
Katy: Alis na tayo? parang may narinig kasi ako na pumasok eh..
Di kilalang boses: Oy pare, astig dito. Walang tao. Tara! akyat tayo... baka may magandang makuha. HAHHA.
At nagsimula silang umakyat. Palapit. Agad kaming nagtago sa likod ng stall ng odyssey. Dahan dahang sumulyap
AT........
>>>>>>>>>>>>>>>>>=<<<<<<<<<<<<<<<<<
Readers! Hi. Please SHARE, READ, COMMENT AND VOTE! paramdam namam kayo. :))
-Frederald
BINABASA MO ANG
You Wouldn't Believe This
AventuraAnong gagawin mo kung nasa isang sitwasyon ka ngayon, na hinding hindi mo aakalaing mangyayari sa 'yo? Paano kung hindi mo alam kung ano ang kinakalaban mo? Anong gagawin mo? Susuko ka ba? Or You'll fight for your life...