Continuation: TRAP-ik

27 0 0
                                    

READERS!! SORRY ANG TAGAL MAGUPDATE. ITS BEEN WHAT 1 MONTH? hehe. Sorry. Sobrang busy lang talaga sa school. Nagpapaka-estudyante eh.

SO HERE IT GOES. CONTINUATION.

=============================

Nagtago kami sa likod ng isang store doon. Sumilip silip. Ang lakas ng usapan nila. Halatang mga ka-age lang din namin. Tin-ry kong dumungaw ng konti. Parang pamilyar sa akin yung dalawa?

Ako: Guys. Dito lang kayo ah. Check ko lang. If ever na may mangyari, sisigaw ako ng malakas. Ok?

Patty: Sige gerome. Ingat ka.

Ako: Sige na. Mabilis lang to.

At nagdahan-dahan ako ng lakad papunta sa may watsons at sumilip sa gilid ng escalator. Palakad-lakad yung dalawa. Babae't lalaki! Sino kaya 'tong mga to. Umakyat sila at naaninag ko na yung mukha.

SILA CHARD AT MEG. MAGKASAMA!! Ang laking relief. Tumayo ako at pasigaw silang tinawag.

Ako: PRE! Chard!

Chard: Huh? (nagulat ng saglit) OY. PARE!

Ako: Ang galing ah. Pano kayo napadpad dito?

Chard: Kasi tong si meg, nakita ko sa ue. Eh alam naman nating lahat nasa evcuation na. Kaya ayun napadpad kami dito.

Ako: Eh ikaw pano ka naman napadpad sa ue?

Chard: Ah.... Um..

Ako: Alam ko na. Okay na. (sabay naming tawa ng malakas) HAHAHA!

Ako: Meg! Ano? tahimik ka?

Meg: Wala naman. Btw bakit mag-isa ka lang?

Ako: Sungit! Hahaha. Hindi, may mga kasama ako. Tawagin ko lang. (lakad ko patungo dun sa pinagtataguan namin)

Ako: Pat? Jel? Mel? Katy! Zoey! Labas na. Dar! tska Diet! Labas na. Andito sila Chard. Dali!

Katy: Chard! oy. Kamusta? (sabay tingin ng masama sa akin)

Ako: Meg. Katy pala.

Katy: Hi Meg. (awkward na tingin nanaman sa akin)

Zoey: Hello guys. Excuse ah. (Hinila ako.) Hindi pa ba tayo aalis? alas singko na. Maglalabasan na yung mga santelmo. Sana di ka lumalandi kay meg ah. Tara na.

Ako: Ang daming sinabi? pwede nang mag-aya lang diba. (sarcastic tone)

Zoey: Halika na kasi. Masyado ng late.

Ako: Ito na po. MGA BRAD, TARA NA PO'T MAG-GAGABI NA.

At lumakad na kami. Sumama na din pala sa amin sila meg at gusto na rin nilang magpahinga. Medyo delikado na nga kasi late kaya dahan-dahan at mabagal. Medyo kinakabahan na ako kasi baka may biglang sumulpot. Bawal kami magpadalos dalos.

Melissa: Gerome! diba body body? bakit ka andyan?

Ako: Ayt. Sorry naman po, ito na tatabi na. (medyo kinilig ako dun ah)

Melissa: Malayo pa ba?

Ako: Konti na lang. Malapit na.

Habang papalapit kami sa kinaroroonan nung kotse, nakarinig kami ng mga kaluskos. Palapit sa kinaroroonan namin. Palakas ng palakas, pabilis ng pabilis. Lunakas yung tibok ng puso ko. Agad kong hinila si melissa, pati na rin yung iba kong kasama. Nakita kong bukas yung daanan sa may LRT. Although malapit na kami dun sa kotse, di ko na tinake at baka doon pa kami maaabutan. Tumakbo kami paakyat at walang tao. Paano yan? natrap na ata kami dahil kapag bumaba kami, baka nagaabang lang yung bolang apoy. PAANO 'TO?

=============================

Read, Comment, Share and Vote po. Thanks Readers.

You Wouldn't Believe ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon