READER!! HI!! next chapter na po. "New Beginning".
>>>>>>>>>>>>>>>>=<<<<<<<<<<<<<<<<<<
Nagising ako ng magaalasais na ng umaga... may muta sa mata, mga tatlo ata yun. Hahaha. "Ang aga pa..." sabi ko sa sarili ko, pagkatapos kong magunat-unat ng katawan. Tumayo na ako sa higaan at inayos ito. Kinuha ko yung sneakers ko at lumabas ng evac. "evac na tawag ko para maiksi na, haha tamad." Pagkalabas ko....., uhmm. Ang sarap ng simoy ng hangin. Maaliwalas ang langit.
Ang hindi ko alam, ito na pala yung simula ng mas malawak na trahedya. Naglakad-lakad ako at napansin ko na parang may malaking maitim na usok sa kalangitan na mula doon sa sta.Lucia mall. Kinabahan ako... "coincidence? o sinusundan kami ng trahedya o ito na kaya yung kumakalat na alien encounter?"Agad akong pumasok sa evac at ginising si patty. Alam ko may alam yun sa mga ganito, kaya medyo masikreto to.
Ako: Pat. Pat. (tapik ko sa balikat nya) Patty. Huy.
Patty: Oh? (medyo antok pa) bakit? maaga pa ah.
Ako: Tara! may papakita ako sa yo. (pabulong kong sabi)
Naglakad kami papunta sa labas at sabay kong turo dun sa may sta.lucia mall.
Patty: WOAH! Ang laking usok naman yan? (pagulat nyang sabi)
Ako: Diba? hindi ba nakakapagtaka?
Patty: Tara!! puntahan natin.
Ako: Teka!! Gisingin natin yung iba. (sabay pasok sa evac)
At Yun nga, ginising namin sila Katy, Zoey, Darwin, Jelly, Deither at Melissa. Tahimik lang. Dahan-dahan kaming lumabas at obviously kinda tumakas. Hahaha. Sumakay kami sa isang kotse, ewan ko. Parang sumasang-ayon yung mga bagay sa amin. EWAN. Basta nakasakay kami, tapos. Si Deither yung nagdrive.... habang nagddrive siya, pinagmamasdan namin yung paligid.. Walang tao. As in, puro kotseng wala sa ayos. Nagtaka kami... "bakit ganun? wala namang nagbalita o nagsabi ng ganyan sa tv o radyo. Weird."
Nakarating kami sa sta.lucia siguro 30mins lang, pero hindi namin nakita yung mall mismo. Bumaba kami agad at tinungo nga yung lugar kung saan may
apoy at all of a sudden walang sunog. Ang weird talaga. Pumunta kami sa kalapit na mga street. Ni isang tao, wala. Tinake namin yung chance na pumasok sa isang sports warehouse.
Ako: Oooh... Astig!! (sabay apir kay diet)
Katy: OMG! My favorite.... Sports attire! (sabay kuha ng ilang tshirts na yonex)
"Ano ba yan? walang pakundangan. HAHAHA." (sabay sabi ko sa isip ko)
Hindi ko na sila mga pinansin, pati si melissa. Haha, yun talaga? ayun, pumunta ako doon sa medyo madilim na parte ng warehouse. Kinuha ko yung flashlight ko sa bag ko. Inilawan ko yung mga bagay sa mga racks. May sapatos na nike, kulay bumblebee. Sinukat ko, at sakto. Nilagay ko kaagad sa bag. May medyas din akong sinama, sayang eh. Hahaha. Kumuha din ako ng mga tshirts na muscle fit. Mukhang maganda tingnan eh. Sama mo na rin yung ilang sunglass. Sorry, libre kasi. XD habang nagpapakasasa kami sa mga kinukuha namin, di namin namalayang may ilang armadong grupo ang pumasok.
Epal na armadong lalaki: HOY!! anong ginagawa nyo dito? Kami ang may-ari nito!
Ako: Weh? Wala namanf nakalagay ah. Kami ang nauna dito!
Epal na AL(Armadong Lalaki): Aba!! Ang tapang mo ah. Gusto mong bugbugin kia? HA!?
Patty: Ah!! Mama... ang sabi po niya eh, kami po ang nauna dito, pero paalis na rin naman po kami eh. Sorry po ulit. (sabay siko sa tagiliran ko at sinabing "hala ka, ang tapang tapang mo. Ako bubugbog sa'yo eh.)
Sabay hugot sa amin ni Patty palabas ng warehouse. Akala namin makakaalis na kami nang biglang,...
Epal na AL: hep!! hindi na kayo pwedeng umalis! bihag na namin kayo.
Ako: Teka! diba aalis na nga kami? wala kayong makukuha sa'min. Walang pangransom mga magulang namin.
Epal na AL: Aba! pumapalag ka pa ah.... (sabay suntok sa t'yan ko, na siyang ikinabagsak ko)
Deither: Boss! tama naman na ho. Wala naman talaga kayong makukuha sa min eh.
Pero sinuntok rin siya nung AL at sinalo naman siya ni Jelly.. Sumigaw yung AL at sinabing.
AL: Walang lalabas! mukhang matatapang 'tong mga to. Lalo na 'tong dalawang 'to. Sino 'to?
Melissa: Kuya! Gerome! Gerome yung pangalan niya. (medyo sumigaw)
Jelly: Deither yung isa.. (parang may pagka-asar na tono)
Kinilig naman ako doon, at parang medyo nawala yung sakit nung pagkakasuntok sa akin. Nagdadrama na lang ata ako dito eh. Haha. Pero anyway, bigla nila kaming dinala doon sa pintong kanina ko lang nakita at nagdilim.
>>>>>>>>>>>>>>>>>=<<<<<<<<<<<<<<<<<
Readers!! kamusta? comment or message niyo naman ako , para alam ko na maguupdate agad ako. Salamat!!
READ, COMMENT, SHARE AND VOTE!
-Frederald
BINABASA MO ANG
You Wouldn't Believe This
AdventureAnong gagawin mo kung nasa isang sitwasyon ka ngayon, na hinding hindi mo aakalaing mangyayari sa 'yo? Paano kung hindi mo alam kung ano ang kinakalaban mo? Anong gagawin mo? Susuko ka ba? Or You'll fight for your life...