And then another day and a another day and another day passed by, parang nakakasawa na. Gigising sa umaga, maliligo, maghahanda, pupunta sa school, uuwi, matutulog. Then ayan na namab gigising, maliligo, school, hangout sa barkada, uuwi, matutulog. Nagsasawa na talaga ako. As in everyday seems normal, nothing happens very exciting. Hayy, buhay nga naman.
And then, come the day when it all began.
Habang naliligo ako para pumasoksa school, nag-flicker yun ilaw ng isang beses. Syempre usual na yun, medyo nagj'jump yung kuryente. Pero nag'flicker ulit ng second time, then another, then another, pabilis ng pabilis...... And them boom! Napundi yung ilaw at medyo nagkacrack yung bulb. Syempre, minadali ko na at medyo natatakot na ako. Pag labas ko ng CR. "Ma! Anong nangyari?" habang papalakad papasok dun sa kwarto. "nagbrown-out lang ata anak." habang naghahanda nung kandila na inilagay niya sa ibabaw ng laa ng sardinas. Syempre ako kumuha ng rechargable ng ilaw at dinala sa loob, magbibihis pa kaya ako. Kuha dito, hanap doon, suot dito, lakad doon. Wala pa ring ilaw, usually mga 5 minutes lang tumatagal yung brownout dito sa amin eh. Bakit kaya? Ang weird ah. Tinanong ko ulit si mama, "Ma, may bagyo daw ba?" kunot noo kong sabi. "Wala naman eh, sabi sa balita." habang nagme make up. Papasok na din kasi siya. Ang weird lang talaga. Psh. Sana may pasok, nakakatamad dito sa bahay eh. Or beter yet, wala pero sana pumunta dito ang barkada. Hahaha... Masaya yun!! After nung mga imagination kong pupunta sila dito, lumabas ako ng bahay para magcheck lang kung madilim sa labas. Tama nga ako!! Madilim, as in walang ilaw. Blackout ba ito? Ang weird talaga ng araw ngayon. Favorite word lang? Haha. Medyo nakakatakot na nakakaexcite kasi I've been waiting for this, yung medyo exciting peronpara sumobra at nakakatakot na. Pumasok na ko sa bahay after all that thoughts at nakita kong papalabas na din si mama. "Nak, alis na ko. Ingat sa pagpasok mo. Text mo ko pag asa school ka na." sabi ni mama habang nagsusuot ng sapatos. "Yes, inay. Ingat din po" medyo pang-asar yung tono sa part nung inay. Hehe.
Naghanda na ko at papasok na nung sinabi sa UKG sa ch. 2, channel 2 kasi talaga ako eh. Hahahaha. Na wala daw pasok ang pre school, grade school, at high school sa metro manila. Na siyang kinatuwa at kinalungkot ko. Ikinatuwa kasi tinatamad talaga ako pumasok ngayon at makakapagpahonga ako, pero ikinalungkot kasi di ko makikita yung mga kaibigan esp. You know who!! Hahaha. (si melissa) kasabay ng pagtugtog ng choir, "haaaaaaaaah". If you know what i mean.
At dininig ni Papa God, ang hiling ko. May nagdoorbell, voila! Ang buong barkada. Guess what, kasama pa si melissa! Hahahaha. Nagulat ako at di ko pinahalata yung sobrang tuwa ko. "Oh? Napadalaw kayo?" meduo malungkot kong tanong pero deep inside tuwang-tuwa. "Parang ayaw mo naman." sagot ni melissa. Yihie! "Hindi ah, tuwang tuwa nga ako eh..." sagot ko na medyo kilig pwet. Haha. "lalo na kasama ka." pabulong kong sagot. "ano yon?" singit niya. "Uh, Uh wala, wala. Sabi ko lalo na't wala tayong pasok." medyo di ko na alam sasabihin ko kaya nagimbento na lang. Haha... "di mo ba kami balak papasukin?" sarkastikong tanong ni Katy. "kanina pa kami andito oh, baka gusto mong isali kami sa usapan niyo, madami na ngang langgam dito eh, umaambon pa. Mukhang uulan na nga eh." dagdag pa niya. "Hala ka, dami mong sinabi. Oh pasok na, hoy. Dyan ka lang (sabay turo kay Katy) diba madami kang reklamo oh dyn ka, hahahaha." sabi ko, at tumawa silang lahat. "Gerome!!! Ano ba? Parang di tayo magkaibigan ah." sigaw nito. "Eh ang dami mong sinabi, di lang pinapasok agad eh. Pasok na nga. Mahamugan ka pa!" sambit ko. "Buti naman, ang arte mo! Kilig pwet ka lang eh. Ano ba naman to nakalimutan ko yung baon kong tsinelas. Kainis!" bwelta ni Katy. "mahirap na talaga kapag menopause na." maikli kong sabi sabay tawa. "ano?" inis na sagot ni Katy. Sabay tawa naming lahat. At sabay ding pagbukas ng mga ilaw at pagbalik ng kuryente.
===========><=============
Please Vote, Comment, and READ!!! Hahaha.
-Frederald
BINABASA MO ANG
You Wouldn't Believe This
AdventureAnong gagawin mo kung nasa isang sitwasyon ka ngayon, na hinding hindi mo aakalaing mangyayari sa 'yo? Paano kung hindi mo alam kung ano ang kinakalaban mo? Anong gagawin mo? Susuko ka ba? Or You'll fight for your life...