Dito kami sa marikina convention inivacuate.. marami raming tao, pero infairness may mga kama bawat isa. medyo comfortable na rin. Dahil nga sa laki ng apoy... halos buong village natupok, sadly kasama yung amin. Buti na lang at nakauwi agad sila mama sa bahay at nakapag-ayos ng mabilis. Andun na rin sila, nagkita kami.
Ako: MA!!
Mama: Ge! anak! ano? anong nangyari syo? buti nakarating ka, akala namin hindi mo alam. Nag-alala tuloy ako.
Ako: Okay lang kami ma. Naka-alis naman agad kami ng mga kaibigan ko.
Mama: (habang hawak yung mga unan) Halika na dun, magpahinga na tayo.
Ako: Hindi ma, samahan ko na lang muna yung mga kaibigan ko. Wala silang kasama doon oh. (sabay turo kila Darwin)
Mama: Sige, basta huwag kayong aalis dyan ah. Dadaan daan ako dito. Mag ingat ka Gerome.
Ako: Opo ma. Ako pa. (Sabay kindat at nagmano at humalik kay mama)
Ayun nga't bumalik ako kila Darwin at nagusap-usap nanaman kami.
Rex: Alam niyo ba? (pabulong niyang sabi) usap-usapan daw na hindi normal na sunog yung nangyari. May nakita raw yung mga tao na kumikislap na hugis bilog. Balita nga daw may 5 namatay dahil lumapit doon.
Nanigas ako sa kinauupuan ko. "Eto na ba yun? Yung napanaginipan ko?" naguguluhan ako. Hindi pwede coincidence lang ito. Hindi iyon pwedeng maging reality..' Pilit kong sabi sa sarili ko. Habang hawak ang isang bote ng tubig na club tropicana yung seal.
Ako:(habang nakatingin sa malayo) Oh tapos? ano na nangyari?
Rex: Hindi ko na alam eh. pagkatapos kong marinig yung kwento (halatang kinakabahan) agad akong tumakbo dito at sinabihan ko kayo.
Ako: Uhhh....... (nakatulala pa rin)
Pagkatapos nung sinabi ko na yung "Uhhh.... " umalis ako sa grupo at lumabas ng convention este evacuation center. Halatang naweirdohan sila bigla sa akin dahil nakita ko yung mga mukha nila, mga salubong ang mga kilay.. Anyway, lumabas na ko't nagliwaliw. Habang naglalakad ako, hindi ko namalayang napalayo na pala ako doon sa evac. Nakarating ako dun sa bandang likod nito na parang bakuran at nakita ko ang isang maliit na outhouse ata yun. Nacurious ako.... dahil may nakalagay na....
"STRICTLY PROHIBITED. DO NOT ENTER!" na may pulang kulay at napalilibutan ng sapot ng mga gagamba at bubblegum sa gilid nito. Syempre tinry kong buksan. Nakalock. "Pano kaya to?" Naghanap ako ng pangbukas.... at sakton merong rake doon, yung pangkuha ng mga dahon. Tinry ko yun, medyo matigas at mahirap... habang binubuksan ko ito, nakita ako ni Melissa.
Melissa: Uy Gerome! ano ginagawa mo dito?
Ako: (halatang nagulat) HUH?! Ikaw? ano ginagawa mo dito?
Melissa: Halaa? Inulit mo lang eh. Ano ba yang binubuksan mo?
Ako: Ahh... nacurios kasi ako. Lalo na dun sa babala.. titingnan ko lang kung ano laman nito. Hahaha.
Melissa: Hala ka! Sama ako... para makita ko rin. Dali na Gerome!!
Ako: uh, Oh sige. Ikaw bahala. Basta wag ka maingay ah.
Melissa: OPO!!
"Totoo ba to? kaming dalawa lang ni Melissa. Wohoo. medyo kinikilig at nahihiya ako eh. HAHAHA."
At ayun nga, nabuksan na namin. Pumasok kami at maalikabok dito. Halatang marumi at hindi maayos. Naghalungkat ako nang naghalungkat. Napatigil lang ako kasi naaninag ko yung mukha ni Melissa. Ang ganda talaga niya, perpekto. Kahit mainit at pinapawisan eh ang ganda ganda pa rin. Lalo ako dinaga. Para akong inaatake sa puso. Kakausapin ko ba to? o lalabas kami ng wala man lang nangyaring maganda. Nilakasan ko yung loob ko at nagsalita.
Ako: Melissa... bakit ka lumabas dun sa convention?
Melissa: Eh ang boring kasi dun eh. Wala akong magawa. Tsaka nakita kitang lumabas eh. Kaya sinundan kita.
Ako: Ahh. Eh di ka ba bored dito ngayon?
Melissa: Kanina. Pero nung kinausap mo na ako, hindi na. Haha.
Ako: (nagulat kong sinagot) Ahhh... nahihiya kasi ako eh.
Melissa: Ako rin naman, nahihiya rin sayo eh.
Ako: Eh melissa, sino ba yung c.....
Hindi pa ako natapos sa sinasabi ko eh biglang gumalaw ang lupa, na siyang kinagulat naming dalawa. "Peste naman oh, ganda ganda ng moment eh", kaya agad ko siyang hinablot sa kamay. Nataranta na ako eh. Agad kaming pumasok sa convention at pumunta sa grupo.
Ako: Uy! naramdaman nyo? (sabay ringin kay Zoey)
Zoey: Ang alin?
Ako: Yung lindol kanina.....
Katy: Hinde, pero yung sweetness niyo nakita at naramdaman namin.
Ako: (nagsalubong yung kilay ko) Huh? sinasabi mo?
Katy: Ayan oh! ( sabay nguso sa kamay ko)
Ayt!!!! mula pa pala kanina hawak ko pa rin yung kamay ni Melissa. Grabe, kakahiya. Hindi rin pala niya napansin, ang higpit ng hawak ko sa kanya. Kahiya talaga...... pero hindi rin eh. Hahaha.
Nagtabi kami umupo at nagkwentuhan na lang.... Isang masayang pagtatapos ng araw.
>>>>>>>>>>>>>>>>==<<<<<<<<<<<<<<<<<
Hi reader!! Please READ, COMMENT AND VOTE. -Frederald
BINABASA MO ANG
You Wouldn't Believe This
AdventureAnong gagawin mo kung nasa isang sitwasyon ka ngayon, na hinding hindi mo aakalaing mangyayari sa 'yo? Paano kung hindi mo alam kung ano ang kinakalaban mo? Anong gagawin mo? Susuko ka ba? Or You'll fight for your life...