Chapter 17: LRT (Araneta-Center Cubao)

15 0 0
                                    

Habang naglalakad kami sa riles, biglang may bumusinang tren.

Melissa: Huh? Narinig niyo yun?

Patty: Ang alin? Ano yun? nababaliw ka nanaman melissa.

Melissa: Hindi, parang may bumusina ng tren? (habang nakatalikod sa kanila)

Habang nagsasalita sila, nakita ko na may ilaw na papalapit. Dalawa! magkahiwalay. Parang mga headlighs ng kotse. Palapit ng palapit. T....ren.... T.... REN.... TREN!!!

Ako: Yung LRT. Papunta dito!!

Katy: OMG!!. Malapit na.

Ako: ano pa inaantay niyo? Tumabi na kayo!

Tooot! toooot! tooot! Binilisan pa nito ang takbo nito. Palapit na ang tren sa amin. Nagtulakan kami sa kabilang side ng lrt pero pagtalon namin, sa labila meron din! Tumayo kami sa gitnang bahagi nung riles (yung may dilaw na parte) at doon nagSLOW MO ang lahat. Dahan dahang dinaanan kami ng tren at nakita ko sa loob ang ilang di pangkaraniwang mga nilalang, ang nakikita lang sa mga palabas noon. Natulala ako at di ko namalayang nahimatay pala ako.

"Gerome! Gerome!" paggising sa akin ni Melissa. Nagising ako dahil sa malakas na sigawan. Nag-aaway na pala si Darwin at Deither dahil sa pagka-iwan ng mga gamit na dala namin. "Akala mo kasi kung sino kang siga! Bida bida ka lagi!" Pagsigaw ni darwin na siyang kinagalit nanaman ni Deither,"Ako pa bida bida dito ah, eh sino ba yung nagmamagaling na hindi man lang iniisip kung ano yung mangyayari! Ikaw yung nagmamagaling! Gago!" sagot ni Deither. Akmang mararambulan na itong dalawa at saktong nakalapit ako at humarang. "Guys ano ba? Itigil niyo nga to. Ano bang problema? Ha? Dahil sa kapirasong gamit nagbabangayan na kayo? Di niyo man lang naisip kung may nasaktan ba o ano ba yung naramdaman ng bawat isa sa atin dito." Sambit ko. "Para kayong mga bata. Maliit na bagay pinalalaki niyo." At tumalikod ako baka ako din madamay at magalit. Si darwin bumaba ng hagdan at nagmukmok kasama si Patty, nagpahangin siguro. Si Deither naman yumuko lang habang nakaupo sa lapag. Siguro nag-iisip isip. Habang nag-lalakad ako pababa sinundan ako ni Katy. "Huy, ano ng plano natin? Natatakot na ko eh." Sabay hawak sa balikat ko. "Hindi ko alam.... hindi ko na alam." Sambit ko. Nawawalan na ko ng pag-asa, ng ideas para makauwi kami ng ligtas. Napayuko ako at di ko namalayang tumulo na yung luha ko na siyang kina-alala ni katy. "Huy, anong nangyayari sayo? Uy, Gerome?","Wala, wala. Di ko lang talaga akalain na mabubuhay pa ko pagkalagpas nung tren. Di ko talaga alam kung anong mangyayari sa atin kung sakaling may madisgrasya sa atin. Di ko matatanggap yun." Habang pinupunasan ko yung mga luha ko lumapit si Darwin sa'kin, "Gerome, pasensiya ka na sa amin ah. Tama ka, talagang ang selfish nung ginawa namin ni Deither, napaka-childish. Pasensiya na talaga bro.", "Okay na bro. Wala ka dapat ika-sorry. Siguro pare-parehas lang talaga tayong nahihirapan sa sitwasyon. Pasensiya na rin sa mga sinabi ko, nabigla lang din ako." "Nako, wala yun. Sige kausapin ko lang si Deither. Iwan ko muna kayo dyan." Umakyat na siya sa taas at naiwan kami ni Katy at Patty sa baba. "Pat, ano may plano ka na ba o idea by now?" Sabi ni katy. "Well for the first time I really don't know. I really don't know."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Wouldn't Believe ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon