fourth set- ANG GALIT

1K 14 1
                                    

Please watch the Video.
I made it. Thank You.

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake)

-Fourth set

Ang Galit

Col's PoV

Kina-usap ako ni Minuru sandali habang may ibang kausap si BOOK.

Mabait si Minuru ngunit sa mga sandaling nakikita ko siyang malayo sa iba at nagmamasid lang pakiramdam ko'y may iba siyang iniisip o minamatyagan. Para siyang isang sundalo sa isang lugar na kami ang mga preso ngunit sa sandaling lumapit naman siya sa kahit na sino parang isa siyang tunay at mabuting tao. Hindi ko alam kung mapagpanggap ba talaga si Minuru o mapagmatyag lang. Sana 'iyong nahuli ang totoong siya at hindi ang unang naisip ko na.

"Col, gusto mo bang malaman ang pinagawayan namin ni Hayate?" tanong niya sakin habang nakapamulsa.

"Huh? Ikaw bahala kung sasabihin mo. Pero sabihin mo na rin." Nagtaka ako sa mga sinabi niya kahit pa ayaw kong makitsismis ay ginawa ko na rin saka ako ngumiti.

"Dahil sayo." Nagtaka akong lalo. Minsan pala talaga ang mga cool na lalaki nagiging palaisipan din sa mga kanilang sinasabi. "Mukhang siya ang magiging kanang kamay mo... BOSS"

Hindi ko mapigilang kiligin sa pagkakatawag sa akin ng ganoon ni Minuru. Kahit pa sabihing lahat sila ay tumatawag sa akin ng Boss, ibang klaseng timbre, tunog, o pagkakabaybay ang paraan ni Minuru ng pagsasabi ng isang salitang iyon. Para bang makatotohanan at walang halong pag-iimbot at panlilinlang.

Gusto kong malaman kung paano niya nagagawang magsalita ng ganito sa akin pero hindi ko na rin nagawa dahil tinawag na ako ni BOOK.

"ANT!!" sigaw ni BOOK na papalapit na samin. "Anong meron?" tanong niya tapos tumingin ng masama kay Minuru.

Siguro'y hindi pa rin nila mapapatawad ang isa't-isa sa nangyaring sakitan sa pagitan nilang dalwa.

"W-wala naman. May tinanong lang ako."

Ano ka naman Antonette?! Ikaw ba ang nagpauso ng www.palusot.com/Col.

Minsan lang ako magsinungaling halatang-halata pa dahil tumawa itong si Minuru.

URRGG walang kasupo-suportang Mist Guardian!! I hate chu!!

Pero joke lang. Hindi ko naman kamumuhian ang aking mist guardian na si Minuru kahit pa minsan nasasaktan na ang mahal kong LIBRO.

"Sige una na ko Boss. Sasamahan ko pa si Ryuu sa kabilang barranggay." Lumapit na si Minuru kay Ryuu ng sabihin niya iyon at bahagya pa niyang tinapik ang balikat ni Ryuu ng tuluyan siyang makalapit.

Ewan ko ba pero napatitig ako sa kanila. Parang may something? Siguro guni-guni ko lang. O baka naman may something nga na hindi ko alam o hindi ko pa rin nauunawaan.

"Hali ka na ANT. Baka hinahanap ka na ni tito Dan." Napatingin na ako kay BOOK ng magsalita siya at saka naman ako sumama ng halos nagpapahila.

Makalipas ng ilang minuto nakarating na nga kami sa bahay at sa hindi ko malamang dahilan, nagawa akong hindi suportahan ng kaibigan ko kaya nauwi kami sa pagtatalo ni Daddy.

"Daddy, pupunta nga po kasi ako ng Alabat at ipaghihiganti ang kamatayan ni tito Leon bakit po ba hindi ninyo makuha! Sinanay n'yo ko para rito kaya bakit--UHG"

Isang sampal ang natamo ko ng magtaas ako ng boses sa labis na kaguluhan ng isip ko tungkol sa sitwasyon sa pagitan namin ngayon.

Ouch! Sinampal ako ni Daddy. Bakit siya ganito sakin?

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon