second set- BROKEN HEART

1.5K 25 0
                                    

BLAKE's POV

Lunes na naman. As usual, maagap akong nagising at inihanda ang sarili sa pagpasok. Maagap talaga akong pumapasok kasi ako ang sumusundo kay ANT kapag may pasok.

Naka-uniform na ako at tulad ng nasa schedule namin ni ANT tatawag sya sakin ng 7:00 at maggu-goodmorning. Sweet namin nho!.( ^ _ ^ )

*Listen To The Stereo!! Tonight! Tonight! Tonight!

HEDDOFON nara sutechimatte mou!!* PRRRIIIIIITTT

ME: hello

ANT: ohayou (=_=)

Ang lamya naman. Hindi ata kumpleto ang tulog nito.

ME: Anong problema? hindi ka ba nakatulog ng maayos?

ANT: Oo e. Naalala ko na may assignment nga pala ako na hindi nagawa nung sabado kaya ginawa ko kagabi.(*higab*)

ME: ba't di mo na lang sinabi sakin? Sana pinanggawa na lang kita.

Tinaasan ko yung tono ng boses ko. Pero konti lang naman. Saglit s'yang 'di nagsalita.

ME: ANT?? nand'yan ka pa?

ANT: Hindi naman habang buhay dapat nakaasa ako sayo. At isa pa, bukas-bukas magkakagirlpren ka kaya hindi ako dapat dumepende sayo. Mauna na ako sa school, BYE.

PRRRIIIITTT

Hala, nagalit? anong naynasalizationsabi ko? ang moody talaga. Mamaya na nga lang ako magsosory. Isang B-2 lang naman katapat nyan e.

COL's POV

Nagtxext na lang muna ako habang naglalakadbdahil masama ang ramdam ko ngayon para Kay BOOK.
Lunes ngayon kaya tamang Rama ito.

A.E.S.C. GROUP

- PUNTA KAYO SA PARK MAMAYA MAHALAGA LANG TO. SIX GUARDIANS PAKI GATHER ANG MGA TAGA COUNCIL.

iku(sim 1) sending...

SEND.

Hayyy... kailangan ko na magpatawag ng meeting. Lunes kasi. Tsaka io-open ko yung topic na pupunta kami sa home town ko at susugudin na ang mga LLAMAS. Walang alam sina daddy dito. Kusang loob ko na ito at ayaw ko ng patagalin pa.

Makikipagharap na ako sa kanila pero dapat ko itong sabihin kay BOOK kung hindi magagalit sya.

Ngunit kapag sinabi ko naman baka mapahamak sya. Hindi man lang sya makaranas na magkagirlpren. Sana may magmahal na sa kanya para lumayo na siya sa akin at ng hindi na siya madamay sa gulo namin.

*soshite kono sora akaku somete*

May nag-text.

from. MINURU (mist):

Hindi daw makakarating mamaya ang storm na si Hayate. All guardians are present maliban sa kanya. Darating din ang Council. Ano ba talagang meron, COL?

send.

Nireplayan ko na agad baka magisip pa ng kung anu-ano e.

CoL: nanaman?? palagi na lang syang di present ah.

MINURU: dadalahin ko na lang yung loptop ko. Mago-online naman daw sya mamaya.

CoL: kapal ha. Baka gusto nyang magalit ako.

Di na nagreply si MINURU. Ilang minuto din ang nakaraan at nakarating na ako sa gate ng school namin ng hikitin ako ni BOOK.

"BOOK" gulat yung expresyon ko. Nakita ko kasi na may sugat sya sa labi. "Anong nangyari?" sabi ko tapos hinawakan ko yung pisngi nya. Pindutin ko kaya sugat?

"Huwag mong subukan yan." sabi nya ng akmang hahawakan ko na yung sugat nya.

"Ano ba kasing nangyari?"

"Tinatanong mo pa? Nagpatawag ka ng meeting sa park at dahil hindi ako pupunta pinabugbug mo ako sa magaling mong Mist Guardian!"
Labis ang aking pagkagulat.

sya si HAYATE??? pano?? e hindi naman nya gusto ang anime at ang pagttxt e.

"Ano? panong--"

"Oo, ako si Hayate ang Storm guardian mo. Sinigurado ko noon na ako ang pipiliin nila paramabantayan kitang mabuti. Akala ko mananatiling lihim ang katauhan ko pero iba TALAGA ang koneksyon ni Minuru. Nalaman nya kung sino ako." tiningnan nya ko ng masama tsaka binitawan yung braso ko. "Napaka babaw ng dahilan mo para biglaang ipabugbug ako."

"W-wala akong sinabi na bugbugin ka nya. Sabi ko lang baka matikman ni Storm ang galit ko tapos--"

"Yun yon! Lahat ng Guardians mo kikilos ayon sa nararamdaman mo. Hanggang ngayon hindi mo pa rin napapnsin yan!" Napaiyak na ako ng halos sigawan na ako ng BOOK ko. "Naalala mo ba si Ken Suzuki Domino? nagalit ka dahil kinuha nya yung pagkain mo. Sina Lan at Kyohei ang bumugbog sa kanya non kaya nilayuan ka na nya."

Ano? Totoo ba lahat ng sinasabi ni BOOK? ako lang dahilan ng paggiging lumpo nya? Hindi ako makapaniwala.

Umalis na lang ako sa harap ni BOOK alam kong galit na galit sya sa akin at baka hindi na nya ako mapatawad lalo pa ngayon na itinaboy ko sya sa call at napahamak pa sya dahil sakin. Tuluyang tumulo ng kusa ang mga luha ko.

Pumasok sa classroom ng nakatungo maraming nakatingin sa'kin. Maraming nagalala pero ni isa sa kanila hindi ko tiningnan.

"Miss Magallianes, maybe you need to go to the Infirmary." sabi ni sir. tumayo na lang ako at nagpunta sa infirmary. Nakasalubong ko pa si BOOK pero nagdere-deretso na lang ako. Hinawakan nya kamay ko pero nagpumiglas ako. Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti.

"P-Pasensya na. Ok lang ako. Wag kang pupunta mamaya pakiusap. Hindi ka na dapat madamay pa." matapos ay tumakbo ako papuntang infirmary.

Nung makarating na ako dun, dumeretsyo na ako sa kama at natulog. Hindi na ako pinakialaman nung Doctor. Close naman kami kasi isa sya sa council. Sya ang SUN VECOBALLENO. Ang ketekyo ko.

______________

Edited: 8/22/16 2:38 PM

SONGS:

BLAKE RING TONE: LISTEN TO THE STEREO- Ketekyo Hitman Reborn

CP TXT SONG: Shakugan No Shana OPENING SONG

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon