CoL's PoV
Ilang linggo na rin ang nakakaraan noong naggaling kami sa Resort at isang linggo na lang at ito na ang araw para magpunta kami sa hometown ko. Nagbalik na kami ni BOOK sa dati. Kahit na alam naming mahal namin ang isat-isa, naramdaman ko pa rin na may alinlangan s'ya.
Siguro dahil sa babaeng yun. Hindi si Rita. Wala talaga siyang pagtingin para sa babaeng iyon. Sinabi niya sa akin na sinabi lang niya iyon dahil sobra na akong nasasaktan.
Natawa pa nga ako dahil sinabi na niya din sa amin noong gabing iyon na kakambal niya si Takumi at totoo yung nakita ko ng magbihis si Takumi mula sa disguise n'ya.
Nalayo pala talaga sa kanya si Takumi kaya natural lang na hindi na siya nakaramdam ng tibok ng pulso ng makaharap niya ang kakambal. At dahil nga dito nawala ang agam-agam ko na naging bakla na si BOOK.
Ganoon pa man patuloy pa rin ang mga "CHICKS" ni BOOK na umaaligid sa kanya. Paano ba naman naging campus crush na siya kahit na nerd type ang suot niya palagi. Kasalan ko kasi e, pinilit kong tanggalin ang mga glasses niya at inayusan ko siya ng buhok sa loob ng classroom namin. Hindi ko naman inakala na agad na babalik yung mga hinayupak kong kaklase kaya ayun, pinicturan nila ang BOOK ko. Kumalat iyon sa buong campus kaya naman naging campus crush na siya.
(Tsk. gusto kong sunugin ang mga "followers" nya. Kung maka-hilihid kala mo panabong na manok. Kahigin ko sila e. Takte. GGGRRRRRRR.. sarap ipryd(fried) checken ei!!)
"Ui, ANT ko,pansinin mo naman ako." kinakalabit niya balikat ko para pansinin ko siya pero tinatanggal ko iyon.
"Oo nga naman Boss pansinin mo na kami. pwleesssseeee" paawa naman ni Tenshi.
Lanya 'tong mag-among 'to. Pagtulungan ba ako. Paano ba nila ako hindi pagtutulungan e pati si Tenshi hindi ko pinapansin. Isa pa kasi itong Yokai na ito puro comment kung sino sa mga hinayupak ang pinakamaganda. Hindi ba talaga nila nakikita ang kagandahan ko?!! tsk.
"Col, punta ka daw munang clinic sabi ni sir Reyes." tumingin ako doon sa kaklase ko para naman hindi ako lalo pang mabwisit sa mga 'to. Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko.
"Ui, ano 'yan? Si Nicole lang daw. 'Di ka kasama Blake." puna pa nung kaklase kong lalaki. Hahaha buti nga. "Gagawa pa tayo ng report para sa physics. Hali ka dito." hinikit nya si BOOK palayo sa akin at agad naman akong naglakad papuntang clinic.
Sa pagpunta ko sa clinic nakita ng mata ko ang mga lalaking naglalaro ng soccer sa field. At natamaan ng mata ko si Bato, este, Korou.
Tsk. pupuntahan ko sana s'ya pero pinapatawag ako nina Sir Reyes. Nagtatakbo agad ako sa clinic at hingal na hingal ako ng makarating ako roon. Huminga muna ako ng ilang ulit bago hawakan ang door knob at tuluyang pumasok.
"A-Anong meron?" takang tanong ko.
Narito silang lahat. Wala naman akong pinapatawag na meeting ah. Bakit bigla na lang silang narito? At wow ha, naka-uniporme sila ng aming mafia family. uhmmm.. Violet inner shirt s'ya tapos may winter muscle cut na pang ibabaw. At dahil nga trip namin, lahat ng pambaba nila ay kakulay ng sa rainbow. Kung iisipin nga para kaming kasali sa Pederasyon. Pero sina Sir Reyes, Sir Navarro, Lan at Takumi lamang ang mga bading dito.
"Upo ka muna Boss." si Frost iyon habang kinukuha ang isang upuan at inilagay niya iyon sa may bintana. Naupo naman ako doon at nagsi-puntahan sila sa kanilang pwesto kanina. Sa totoo lang ha, si BOOK lang ang napagkaitan ng pwesto dito. Grabe.
"O.K, pwede n'yo na bang sabihin kung paano nagkaroon ng biglaang meeting?" I cross my arms and legs.
Umayos naman ng tindigan si Suria(sir Navarro) at sinabi na niya ang problema. Bilang siya ang Ketekyo ko, siya ang nagsisilbing speaker para sa lahat ng myembo ng aming pamilya.
BINABASA MO ANG
Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]
AdventureMaraming nagsasabi na tama lang ang umibig pero tama ba na sagasaan mo ang lahat para lang dito? Kahit kapalit nito ay ang pagkakaibigan ninyo? Mananatili sa paligid niya ang kanyang buong Mafia Family pero ano ba talaga ang napipintong balak nila...