(Takumi "RAIN" PoV)
*BLAG*
"ARAY!!"
Ano yun?
"Ano ba Risetsu. Umalis ka nga!!!" ha? Sino ba yung sumisigaw. At bakit--- "MARK!!!"
Imiulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang kapatid ko sa ibaba ko. "Hi BOOK" sabi ko tapos pumikit ulit.
"Ano ba MARK!! Tumayo ka nga ang bigat mo!!!' mabigat? Pano ako hindi bibigat e mas malaki ako sa kanya. Baliw naman nito. "ISA! PAPASUGOD KO ANG PAPA MO SA MGA PULIS!!" noon din ay napabangon ako. Nagulat sya sa bigla kong pagtayo.
"Kuya naman. Wala namang ginagawa si papa ko e." sabi ko na kinukusot ang mata ko.
"Tsss. Tulungan mo nga ako dito." tumingin ako sa kanya at nakita ko syang nakagapos ng tali.
"Anong kabaliwan yan Hayate." nakapamewang kong sabi.
"Tanong mo sa ibang guardian alangan namang matali ko sarili ko dito. Diba Diba?!" pasigaw nyang sabi. Tama naman sya doon. "Pakawalan mo na ako, gusto ko ng puntahan si ANT." lumngkot ang mukha nya ng maalala nya si boss.
"Kung pwede mo lang pakalmahin ang sarili mo kuya, hindi ka na nila sana itatali ng ganyan." Umupo ako sa binti ko na parang tumat*e lang tapos pinisil ko ang ilong nya. "Hindi lang ikaw ang nakulangan at nasaktan kuya BOOK. Nawalan din kami ng boss." Tumahimik lang kami sandali. ALam kong nasasaktan sya at nahihirapan pero kailangan nyang malaman na mali na ang ginagawa nya. Kung makikita sya ni boss na ganyan, alam kong magagalit sya. "Kuya, tingin mo ba magiging okay lang kay boss na nagkakaganyan ka dahil sa kanya." lumingon lang sya sa kaliwa nya habang napatingin ako sa itaas. Nasa isang madilim kaming ligar. May mga bagong sandata doon at isang malaking lamesa na may mga mantsa(stain) pa ng dugo. Punishment room yata ito e. Matapos kongmaisip iyon napatingin ulit ako sa nakatali sa kuya ko. Lubid nga iyon pero sa dami-dami ng nakita kong lubid sa tanang buhay ko, ito lamang ang lubid na silver at may mga mantsa din ng dugo. Tatanggalin ko na sana ang tali nya ng bigla syang magsalita.
"Kahit gaano katagal ang pinagsamahan, kapag nawala na ang tiwala ng isa mawawala na rin ang pag-ibig nya." Tahimik ng lumuluha ang kapatid ko at pumikit sya sandali bago tumingin sa akin. Naupo na ako sa maduming sahig at tumingin laman sa nakaka-awa nyang mukha. "Maibalik man natin sya dito, hindi na nya ako iibigin [ang muli. Hindi na. Mabuti pang mamatay na ako." dumating ang mga kasama namin at narinig nila ang huling sentence ni kuya.
Agad na lumapit si Minuru at kinuha si kuya sa Kwelyo at sinuntok sa kanang pisngi. "e, loko ka pala e. Ikaw ang pinili nya! HIndi ako, hindi si Kyohei o si Tetsu! Bakit ganito mo na lang sya pakawalan ha! Napakawalang hiya mo De Vega! HIndi kakarapat-dapat sa kanya. Kung hindi ka lang nya hahanapin sa amin pagbalik nyapinatay na kita noong araw pang iyon. Noong una pa, noong nagkasabay tayo papunta sa school hinayaan kitan saktan si boss. Hinayaan kita dahil alam ko ng mahal ka nya pero bakit ba pauli-ulit mo syang sinasaktan! At ang tanga mo lang kasi hindi mo nakikita na paulit-ulit ka nyang pinapatawad para lang mahalin mo sya ng lubusan. Tapos ano, anong igaganti mo. Ito. Sinasabi mo na mahal mo pa yung Nikki na yun kaysa sa kanya?" Nagulat kaming lahat sa narinig namin. Kung ganoon pala alam ni Miuru ang totoong nangyari.
"Nikki?" di makapaniwala si Kuya sa nariring nya ngayon. Lahat kasi ng sinabi ni Minuru ay tumatama sa puso nya. Ramdam ko rin iyon dahil konektado kami.
"Oo. Yung Nikki. Dumating ang dating mafia ni boss. At ipinakita sa amin noong lightning guardian nya ang iniisip mo. Nasaktan si boss noon dahil nalaman nya na hindi sya ang unang tumawag sa iyo ng book. Nasasaktan sya dahil nalaman nya gusto mong pakasalan yung taong iyon at nagawa mo pang pag-aralan ang iba't-ibang lengwa for that fvckng b**ch." Noo'y naningkit ang mata ni kuya at nagpumilit syang kumawala.
BINABASA MO ANG
Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]
AdventureMaraming nagsasabi na tama lang ang umibig pero tama ba na sagasaan mo ang lahat para lang dito? Kahit kapalit nito ay ang pagkakaibigan ninyo? Mananatili sa paligid niya ang kanyang buong Mafia Family pero ano ba talaga ang napipintong balak nila...