Col's PoV
Matapos naming kumanta naglaro lang sila sa buong funtime. Kung saan-saan na sila nagpupupunta. Lalo na ang mga babae, doon lagi sila sa game na pwedeng sayawan. Gagayahin mo lang yung naka3-D na anime at ipapalabas din yun pagkatapos mong sayawin. samantalang ako naman ay may dalaawang token curtisy of Phobie. hehehe... kaya nandito ako ngayon sa harap ng basketball ring at handa ng makipaglaban sa oras.
"Col, laban tayo." lumingon ako sa nagsalita at nabigla ako ng makaharap ko ang taong iyon.
Si............ Takumi.
"huh? hehehe... nakakahiya naman baka sabihin nila kinakalaban kita kapag nalampaso kita hehehe.." I didn't meen it. It's for a joke but he takes it seriously.
"I'm Serious Col, kapag nanalo ka dito hahayaan mo na si Hayate at hindi mo siya pipigilan sa kahit na anong desisyon n'ya." nakita ko ang dedikasyon sa mukha nya. Seryoso nga talaga siya sa kanyang sinabi.
Naalala ko tuloy na nitong minsan lang sobrang galit 'ko sa kanya dahil ipinatapon nya ako sa Yokai world ng hindi handa tapos ngayon eto na naman sya pinapagawa ako ng isang bagay na alam kong labag sa loob ko. Ang kaibahan lang, sinasabi na n'ya sa akin na dapat ko na talagang pakawalan si BOOK.
(Bakit ba niya sinasabi ang mga ganitong bagay? Isa ba talaga kong pader na pomoprotekta sa kalayaan ni BOOK para mahalin sya.... para mahalin ang isang taong hindi tanggap ng lipunan...
... isang tao na isa sa pinagkakatiwalaan ko at isang kaibigan ko...
... isang tao na akala ko.... totoo ang pinapakita sa akin kapag kaharap ko sya...
... iyong taong... hindi mo aakalaing umiibig sa mahal mo at alam mong masasaktan sya dahil hinaharangan mo ang pagibig nila.
Bakit ang sakit... Bakit mo ito nagawa.... TAKUMI.....
Mahal ko rin naman sya.....)
"hehe... bakit ba--"
"Just accept. Ayaw kong makitang nahihirapan s'ya."
Kita kong concern s'ya. Doon ko nakita at napatunayan na bakla s'ya. Bakla s'ya at mahal n'ya ang mahal ko.
ANG SAKIT. T^T
"Payag na ako. Pero kapag ako ang nanalo.."
( ......ano nga ba? kapag ako ang nanalo anong gagawin ko... pipigilan ko ba sila?... )
Dito na ako nakapagdesisyon ito na talaga ang huli... this is the end. "Kapag ako ang nanalo,... maguusap tayo ng masinsinan at totoo ang lahat ng sasabihin mo at hindi ka maglilihim." halos mabunutan ako ng tinik ng sabihin ko iyon. Gusto ko sanang sabihin na lubayan niya si BOOK pero para ko namang ikinulong si BOOK sa aking bisig at ayaw ko noon... ayaw kong masaktan siya dahil sa akin.
Tumango si Takumi sa sinabi ko at nagsimula na kami. Agad naman kaming napansin nina Phobie kaya lumapit sila sa amin at nanuod.
Unang round, lamang sya... 45-42. Second round dito ako talagang nahirapan kasi gumagalaw na yung ring. Pero panalo na ako.. 53-55. Third trial dito na kami magkakaalaman, Lumapit si BOOK sa amin at nagulat ako ng pumunta siya sa side ni Takumi.
(Langya talaga wala na ba talagang bestfriend- bestfriend. syemas.)
"GO Col kaya mo 'yan!" cheer nina Phobie, Faith at Hope. Nakakatuwa si Hope kasi kahit pahiya-hiya s'ya nagawa pa rin niyang masisigaw para sa akin. Napangiti ako dahil doon.
"Sige lang RITS--Takumi, kaya mo pa 'yan. Tingin ka lang sa ring.".
( AJDIJIGHGFGIUHUDJN bakit! bakit sya nagchi-cheer sa kanya?BOOK naman e... dito na ba talaga masisira pagkakaibigan natin?)
BINABASA MO ANG
Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]
AbenteuerMaraming nagsasabi na tama lang ang umibig pero tama ba na sagasaan mo ang lahat para lang dito? Kahit kapalit nito ay ang pagkakaibigan ninyo? Mananatili sa paligid niya ang kanyang buong Mafia Family pero ano ba talaga ang napipintong balak nila...