BLAKE's POV
Nandito na kami sa classroom. Tinatawag n'ong iba ang mga girls para ayusan si ANT. Si ANT naman nasa CR at isinusuot ang uniform namin.
Sana manalo kami para maibigay ko sa kanya yung Blue Bear. Teka, nasabi ko ba kanina na Blue bear yung premyo?
O______o
\OoO/
WHHHHHHHHAAAAAAAAAAAAAAAA...... Buti na lang naisip ko lang. Kung nagkataon pala ay malalaman din n'ya ang tungkol d'on.
"Wow ang ganda mo d"yan Boss bagay talaga sa'yo ang gold." papuri ni Lan rito.
"Salamat kung ganon Lan. " sobra ang ngiti ni ANT ng sagutin niya si Lan.
"Boss nandito na kami. Mamadaliin na lang namin make-up mo ha. Buti na lang may dala si Fait na make up." -Hope.
"Sige kayo na ang bahala sa akin." saad naman ni ANT.
Lumabas muna ako at pumunta sa may stage.. inaareglo na nina sir Reyes ang pagsali namin ni ANT. Paglapit nya saki di ko maipinti ang itsura nya.
"Kung ganun hindi pala sila pumayag." sabi ko ng medyo inilihis ko ang tingin ko.
"Pumayag sila. Kayo na nag kasunod nina Vince."
"Sina Rita na pala?"
"Oo kung ako sayo manunuod ako. Balita ko praktisado talaga ang dalawang yan. Madami nga daw ang bumili ng tickets nila." sabi sa amin ni sir Navarro.
Agad naman kaming nagpunta sa may curtain at nakita namin kung gaano kagaling magsayaw ang dalawa.
"Pinanghihinaan ka ba ng loob. BOOK?" napalingon ako nagsalita nakita ko si ANT na nakalugay at nakaheadban lang.
Npakahirap gumalaw ng nakalugay lalo pat mahaba ang buhok ng sasayaw. pero alam kong alam nya yun kaya bakit hindi man lang nyaitinali iyon?
"Bakit di ka nagpaayos ng buhok?"
"Hindi ko kailangan iyon. Huwag kang magalala BOOK kaya natin silang talunin ilang beses na akong nakapagpractice sa Yokai world kaya ibang iba na ako sa dati." sabi nya tapos ngumiti. Ako lang ba o kanina pasya ngumingiti ng kakaiba. Hindi tulad ng dati yung mga ngiti nya ngayon e.
Nagbago na nga kaya sya.?
Natapos na sila at kami na ang kasunod. Ah syanga pala nalimutan kong sabihin. 50% ng magiging points para sa dance competition na to ay manggagaling sa mga audience at mukhang talo na kami. Hindi ko kasi alam kung may kumuha ba ng tickets namin para ibenta. goodbye human size teddy bear goodbye gift for ANT.. T^T
Nagdarken yung lights tapos pumasok na kami ni ANT sa stage. Hinintay namin yung tugtug. Rimix yun ni sir Reyes kasama din dun yung old oak tree. Sana maging ayos ang lahat.
Nagsimula ng yung tugtug. Nagulat na lang ako ng may binulong si ANT sakin.
"Para sa'yo ang sayaw na 'to BOOK." hinila n'ya ako tapos nagsimula na kaming magsayaw ng Boogie.
Ewan ko ba pero kakaiba ang pakiramdam ko ngayon parang kami lang ni ANT ang nagsasayawat walang mga taong nanunuod sa amin. Ngumiti ako sa kanya tapos itinuloy ko ang pagsasayaw namin.
Masaya ako ngayon. Una dahil bumalik siya. Akala ko talaga di ko na siya makikita. Pangalwa, nagpapasalamat ako kay Minuru. Kung hindi dahil sa kanya hindi sana gagaling si ANT sa pagsasayaw dahil sa pagpunta niya sa Yokai World. Pangatlo, sobrang saya ko kasi nararamdaman ko ngayon ang pagmamahal ni ANT. Pakiramdam ko may mga alitaptap na lumalabas sa kanya. Mga liwanag na napaka init at napaka-sweet. Kung maari lang na hindi na matapos ang sayaw na ito at manatili na lang ako rito kasama ang mahal ko, gagawin ko.
Unfortunatly, sa fairytail lang nangyayari y'on.
Natapos na ang sayaw namin. Nanatili pa ring nakahawak ang kamay ko sa kanya. Ayaw kong humarap sa crowd at malamang palabas lang ang lahat. Nakatingin lang ako sa kanya bang patuloy na hinahabol ang hininga ko.
Humarap siya sa akin tapos ngumiti at bahagyang itinagilid ang ulo niya. Namiss ko to. Palagi naman siyang ngumingiti pero ito yung ngiting kanina ko pa hinahanap. Nginitian ko rin siya at humarap na kami sa manda at nagbigay-galang
Laking gulat ko ng makita ko kung gaano karami ang tao pati na rin ang mga tao na may banners at pictures namin. Ang picture pa namin ay iyong stolen shot noong nagpapractice kami sa bahay nila.
Halos maiyak ako sa tuwa. Niloloko lang yata ako ni Suria nung sinabi niyang madaming bumili ng ticket nina Rita. Salamat naman at marami rin kaming supporters. Pero sinong gagawa nito?
BINABASA MO ANG
Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]
AdventureMaraming nagsasabi na tama lang ang umibig pero tama ba na sagasaan mo ang lahat para lang dito? Kahit kapalit nito ay ang pagkakaibigan ninyo? Mananatili sa paligid niya ang kanyang buong Mafia Family pero ano ba talaga ang napipintong balak nila...