Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake)
-Fifth set
The Other Yokais
Col's PoV
Kasama namin si Tenshi pagpasok namin sa eskwelahan. Ako ang may hawak sa kanya at pakiramdaman ko mas madaling gumalaw kapag narito siya. Kakaiba ang pakiramdam ko ng mahawakan ko siya simula kanina. Ewan ko ba basta pakiramdam ko ayaw ko na siyang bitawan.
Sobrang cute din kasi niya.
"ANT," Warning tone ang gamit ni BOOK ngayon pero 'di ko siya pinansin. "ibaba mo nga 'yang halimaw na 'yan."
Kakainis naman itong si BOOK kitang ang cute-cute ng batang Yokai na ito. Ay mali, Jappa. Jappa no Tenshi. Angel's little monster. Ang cute-cute talaga.
"Inggit ka lang kasi Cute siya ikaw hindi." Agad kong banat na may kaunting pagtatampo dahil ayaw niya sa halimaw na ito saka ko s'ya asar na pinandilaan. Ang bad niya kasi.
"Heh. Itago mo nga siya at baka may ibang makakita sa kanya." kita ko ang inis niya kahit na alam kong concern na rin naman siya sa munting halimaw.
"Hindi mo ako kailangang itago, Boss." Boss ang tawag ng Jappa sa akin. Sabi ko kasi sa kanya isa akong boss at mula noon Boss na ang tawag n'ya sa akin. Hindi ko mapigilang kiligin.
Same way sila ng pagkakatawag ni Minuru ng ganoon sa akin pero iba si Tenshi dahil para siyang batang Vesion ni Minuru. Parang ganoon ang pakiramdam ng sabihin niya ang salitang iyon.
"Ikaw lang naman ang makakakita sa'kin. Dapat talaga ikaw lang pero nakikita din ako ni kuya mokong sa 'di ko malamang dahilan. Bakit ganoon Boss?"
Nagpanguso ang cute niyang mga labi. Yes! Labi. Sa halip na tuka, labi ang meron siya dahil ulo ng tao na may mahabang puting buhok ang meron siya sa katawan ng itim na bibe slash pato.
Ang cute-cute talaga!
"Siguro dahil sa narinig din niya iyong pagsabog kanina." Seryoso kong sagot kahit na kinikilig pa rin ako sa hawak kong halimaw dahil sa labis na saya.
Iyong pagsabog pala kanina ang hudyat ng mga Yokai sa mundo namin. Nakakapagtaka lang na kinakailangan nilang dumating rito ngayon.
"Hoy halimaw 'wag mo nga akong tawaging KUYA MOKONG." reklamo naman ni BOOK na nakikipagtitigan ng mata sa mata sa munting halimaw.
"At 'wag mo naman siyang tawaging halimaw BOOK napaka-rude n'on." saway ko sa kanya saka humimig ng, "Why you 'gonna be ruuuuuddddeee~~"
Sabi ko at ngumuso rin tulad ng ginagawa ni Tenshi ngayon kaya naman napahilamos na lang ng kamay niya sa sariling mukha si BOOK at napangiti ako ng matagumpay.
"O sige na. Tenshi na rin tawag ko sa kanya." Nakapikit niyang sinabi na parang hindi sincere. Ngumiti na lang ako ng mas malapad dahol alam kong sooner or later matatanggap niya rin ang prisensya ng Jappa.
"Boss anong itatawag ko sa kanya?" ang cute talaga ni Tenshi. Napaka inosente niya.
"Uhhmmm a-no.... Hayate na lang." sabi ko kasi gusto ako lang ang tatawag ng BOOK sa aking kaibigang Libro.
"Ganoon ba Boss? sige, Boss." sabi niya tapos tiningala ako.
"hmmnnn?" napahimig ako ng pagtatanong.
"Gusto ko sa ulo ni Hayate." nagulat naman ako d'on pero binigay ko rin siya kay BOOK.
"Huy ayoko sa... Tenshi na 'to." Pagtutol niya tapos tinago iyong kamay at umiwas samin.
BINABASA MO ANG
Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]
AdventureMaraming nagsasabi na tama lang ang umibig pero tama ba na sagasaan mo ang lahat para lang dito? Kahit kapalit nito ay ang pagkakaibigan ninyo? Mananatili sa paligid niya ang kanyang buong Mafia Family pero ano ba talaga ang napipintong balak nila...