tenth set- The Beach

412 7 0
                                    

< Col's Long hair picture on the right. After n'yang magpunta sa Yokai World>

"Veco Family" (MAFIA) Col and Blake: the beach

Tiningnan ko yung message nya. Pero mali pala ako dapat di ko na talaga binasa iyon.

BOOK: Oyasumi ANT-hime.

ASHITERU

___

Blake's POV

Ito na araw na hinihintay ko. Tinawagan ng Dean ang Papa ni ANT para sa gaganaping beach day out.

Noong una hindi pumayag si Tito Dan pero ng malaman niyang kasama si Jayson/Kyohei pumayag naman ito at siya pa nga mismo ang nagtulak kay ANT para sumama sa amin. Medyo natagalan kami ng preparasyon para rito, buti na lang at kasama sa pagpaplano ang Dean ng school.
Ang saya nga e. Deserve naman daw namin ang bakasyon sabi ng Dean kaya pumayag siya. Alam rin niya kasi na may Mafia ni ANT kaya may takot din naman syang nararamdaman sa posible naming gawin.

Hindi biro ang mga Utos sa amin ng Higher Council at hindi rin Biro ang pagprotekta namin kay ANT kaya namin ginagawa ito.

************

Narito na kami sa beach at kasama namin ang mga myembro ng aming munting mafia family. Kasama ang mga Yokai at ilang malalapit na kaibigan ng mga guardians.

Sumama naman sa amin si ANT pero bakit hindi niya ako pinapansin tanging kinakausap lang niya ay si Jayson?

May nagawa nanaman ba akong mali?

Col's PoV

Narito kami ngayon sa beach. I know I love beaches pero pinapa-alala lang nito ang nakaraan sa akin. Ang aking home town. Maraming masasaya, magugulo at nakakawindang na alaala pero hindi pa rin nawawala ang mga masakit na nakaraan.

"Kamusta. Nagustuhan mo ang beach?" lumingon ako sa nagsalita. Si Jayson na nakangiti. Ni hindi man lang nalulungkot sa mga nangyari sa pamilya namin.

"Oo, pero Kyohei.." tumigil ako para tingnan kung ayos lang sa kanya na ganoon ang tawag ko sa kanya. Nasanay na kasi akong ganoon ang itawag sa kanya. Tumango siya at ipinagpatuloy ko ang pagsasalita. " hindi mo ba naaalala ang nakaraan kapag nagpupunta sa beach. Hindi man lang ba sumasagi sa isip mo ang paghihiganti sa mga Llamas? Dahil naghirap tayo sa kamay nila, ang buong pamilya natin. Si tito---" hindi ko naituloy ang sinasabi ko ng takpan n'ya ang bibig ko.

"Col," tiningnan ko siya sa mukha. Ngumiti siya at nagpatuloy sa balak sabihin. Nakinig na lang ako. "Alam mo ba ang tungkol sa alamat ng multo?

"Alamat ng multo? Meron ba n'on?"

"OO. sabi ng mga matatanda, kapag daw pauli-ulit mong sinabi ang pangalan ng namatay na... hindi sila matatahimik kaya nga...

ayan si papa sa kanan mo oh. Nakikinig sa mga kasunod mo pang sasabihin." Napatingin ako sa kanan ko tapos tumakbo sa likod niya.

"WHHHHHAAAAAAAAAAAAAAAAA......" nagsisigaw na ako sa likod n'ya at nagsimulang umiyak. Ayaw kong makita si Tito. Natatakot ako.

Iyak na ako ng iyak ng Tumawa siya ng malakas. " HAHAHAHAHA... hanggang ngayon ba naman takot ka pa rin sa mga multo Ate Tonnete.. whahahhaha."

"Bubwit ka Jayson bakit mo ako tinakot ng ganun?!" susuntukin ko sana siya pero nakailag ang mokong kaya hinabol ko siya ng hinabol pero hindi ko siya maabutan.

Kahit na may kinakaharap ang pamilya namin na ganito, mananatili pa rin siyang ang makulit na si Jayson. Ang mahal kong pinsan.

"Te Tonnete, mang-hibasan tayo. Tutal hibas naman at namimiss ko na 'yong dati." nakangiti n'yang sabi sa 'kin.

Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon