Our Mafia Family Veco
-Pangarap na Mahal
Col's PoV
Tulad ng dati tumawag ako kay BOOK bago kami pumasok sa school. Parang ang tagal na ng huli namin itong ginawa. Nakakamiss pala. Naglalakad kaming dalawa ngayon papunta sa school. Nadaanan namin yung lugar kung saan namin nakita si Tenshi, Yung park kung saan kami madalas maglaroo noong bata pa kami. Yung stage kung saan sila kumanta, at ang paborito naming kainan. Ang jollie bee.
Tulad ng datin nakasuot na naman si BOOK ng salamin na pula ang border. Isang white kong sleves na ginawa nyang three fourth at isang vest sweater na kulay gray. Nakasuot lang din sya ng simpleng pants na bumagay sa kanyang porma. Nakukwento sya ngayon tungkol sa nangyari kagabi noong sugudin sila ng mga puting bagay habang ako, ineenjoy ko na lang ang pagtingin sa mukha ng pinaka mamahal ko.
Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako ng todo hanggang sa ngumiti din sya at bahagyang pinisil ang ilong ko.
"Nagwagwapuhan ka sa akin ano~ miss Magallianes." Medyo namula ako sa sinabi nya kaya napatingin ako sa ibang dereksyon.
"H-Hindi kaya. Kay Tenshi ako naku-kyutan." Sana makalusot. Kasama namin si Tenshi at tulad ng dati nasa ulo sya ni BOOK.
"Ah ganun ba." Tumingin sya kay Tenshi. "Ang daya mo naman Tenshi, ikaw na lang palagi ang napapansin ni ANT." Reklamo nya kay Tenshi habang naka pout. Ang cute lang.
Sorry Tenshi. >///<
Mukha namang naintindihan ni Tenshi kaya ngumiti sya.
"Syepre kuya pogi. Wala ng mas ku-kyut pa sa akin noh~" parang batang sabi ni Tenshi.
"Maliban sa akin." Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Si Fuwa pala. Kasama nya si Minuru at nasa school na pala kami.
"Good morning Boss." Sabi ni Minuro at hinalikan ang bubung ng palad ko.
"HOY IKAW!!!!" inis na pasigaw ni BOOK at nakita kong nagkakaroon na ng mga kidlat sa kanilang mga mata. Ganoon din sina Teshi at Fuwa.
Aawatin ko na sana ng bigla silang tumawa. "Hahahaha.. Seloso as ever." Tawang-tawang sabi ni Minuru.
"Hahaha.. ewan ko sayo. Susuntukin na talaga kita. Hahahaha. Buti naalala ko ang pangako mo." Hindi ko alam kung ano yun pero hanggang magkasundo sila okay na rin. ^_____^
"*pant* *pant* Boss~~" Biglang yumakap sa akin si Kyohei at nag wazzup na lang sya kina Minuru at BOOK. Tulad nila kasama rin Kyohei ang kanyang Yokai. Kasunod lang nya si Ryuu at ang malaking bear.
"Good morning!" masayang bati ni Ryuu at kumakaway-kaway pa kasabay ng ngiti nya na umaabot hanggang mata na nagpapasingkit sa kanya.
"Goodmorning din!" bati naming lahat.
"Mabuti pa pumasok na kayo ng school bago ko pa isarado itong gate." Agad kaming napalingon at nakita namin si Lan/ Vince na hawak na ang gate at sasaraduhan na kami.
"Grabe ka naman. Wala ka man lang bang consideration?" biro ni Kyohei at saka lang umalis sa pagkakayakap sa akin.
"Teka, Saan ka pupunta?!" Sabay naming tanong ni BOOK.
"Teacher sya dito. Di nyo ba alam?" nakangising sabi ni Lan at para namang nainis kami ni BOOK doon.
"Hahaha.. bagay talaga kayong dalawa ang dali nyong mainis." Sabi ni Minuru at ginulo ang mga buhok namin.
"Naman tol, sayang gel ko oh." Reklamo ni book. At nandiri naman si Mimuru sa gel na kumapit sa kamay nya.
Pumasok na kami at ng isasara na ni Lan ang gate, saka naman may sumigaw!
BINABASA MO ANG
Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]
AdventureMaraming nagsasabi na tama lang ang umibig pero tama ba na sagasaan mo ang lahat para lang dito? Kahit kapalit nito ay ang pagkakaibigan ninyo? Mananatili sa paligid niya ang kanyang buong Mafia Family pero ano ba talaga ang napipintong balak nila...