Kyohei's PoV
"Anong problema Kyohei?" ayan nananman sya sa mga mata nya. Hindi ba nya napapansin na yan ang dahilan kung bakit laging may nagkakagusto sa kanya. Bakit ba kasi napaka inosente ng pinsan ko pagdating sa mga reaksyon nya e.
"Col, Hindi ka ba tumitingin sa salamin?... I mean kung hindi ka madalas tumingin sa salamin?" sandali syang nagisip tapos tumingin sa akin at ngumiti.
"Hindi. hahahha.. ano ka ba pinsan noon pa man hindi na ako madalas tumingin sa salamin. ang panget ko kasi tsaka noon pa man hindi nga ako mahilig magsuklay hindi ba?" tumawa sya ng mahina. Baliw nga.
Pinisil ko ang magkabila nyang pisngi tapos inilapit ako ang mukha ko sa kanya. "Simula ngayon, para sa kaligtasan mo palagi ka ng tumingin sa salamin para hindi mamiss-understood yang mga expresyon mo."
Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa pisngi nya, na sana pala hindi ko muna ginawa kasi ginantihan nya ako kaagad.
"Hoy Kyohei, kailan mo pa ako nagagawang pagsabihan ng ganyan. Mas matanda ako sayo tandaan mo yan tsaka.... tsaka... ganoon ba talaga kasama ang expressions ko?" hay... ayaya nanaman e.
"Ayan nanaman oh." pinindot ko naman ngayon ang ilong nya pumalag sya at pinalo-palo ako. kesyo masakit daw talaga. " Hahaha.. opo ate COL di na kita pagsasabihan basta this time sundin mo muna ako. Mas matanda pa rin naman ako sa'yo sa edad e. hahaha" sinimangutan nya ako kasi alam nyang tama ako. Tumalikod din sya sa akin at nanood na sa performance ng KHR dubbers.
Niyakap ko sya mula sa likod. Bahagya syang nagulat at tumingin sa akin. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya.
"Kyohei a-ano t-to..." nanginginig sya pati na ang boses nya.
"Wag mo ng ituloy Ate Tonett, nahihirapan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag pati ikaw mawala pa sa akin. Masasaktan na ako ng sobra. Mahal kita ate. Higit pa sa pagiging magpinsan natin. Mahal kita. I Love You." hindi sya nakagalaw pero ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso nya pati na rin ang mga luha sa kanyang mga mata.
"H-Hindi maari.. a-ako ay...*snif* ako ay *snif*.."
"May ibang minamahal tama." Huminga ako ng malalim at binitawan ko na sya pero nakaalalay pa rin ang braso ko sa kanya. "Matagal ko ng alam. Kung nauna lang siguro akong magpakilala baka ako ang magustuhan mo."
Umiling sya at itinungo lalo ang ulo nya. "Hindi Jayson. Pinsan kita at hanggang dun na lang yun. Please huwag mong gawin ito."
Niyakap ko sya at umiyak lang sya sa dibdib ko. "Kung pwede lang na hindi ko na lang sya minahal. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito. Jayson, Gusto kong bumalik sa Alabat para makalimot. Kalimutan sya at ipaanod sa Dagat lahat ng nararamdaman ko ngayon. Jayson, akala ko ako talaga yung sinabihan nya ng I love you, nagulo ang isip ko noon tapos ngayon malalaman ko na... na para pala kay Rita iyon huhuhu...." gannoon pala ang dahilan.. ngayon alam ko na kung bakit kanina pa siyang umaga hindi masaya.
Alam nyang mali na umibig sa lalaking iyon pero ginawa pa rin nya. Pinilit nyang sumalungat sa tadhana nya.
(Fash back October 3 1994)
"Nanganak na sya. Nanganak na ang asawa ni kuya Dani." exited na sabi ng mama ko. Bata pa ako noon pero naiintindihan ko ang mga pinaguusapan nila. "Hali ka Ison at tingnan mo kung anong itsura ng baby. Siguradong maraming magmamahal sa kanya." dagdag pa ni mama.
"Marie, alam mo namang may kaakibat na sumpa ang bata. Hanggang nagmamahal sya sa isang tao na hindi natin kasing lakas o mas mababa ang kakayahan sa atin ay mamalasin sya sa buhay pagibig." si Lola Ellen. Ang nakakaalam ng tadhana ng bawat isa s aaming pamilya.
BINABASA MO ANG
Our Mafia Family: Veco (Oyasumi Col and Blake) [Mafia]
AdventureMaraming nagsasabi na tama lang ang umibig pero tama ba na sagasaan mo ang lahat para lang dito? Kahit kapalit nito ay ang pagkakaibigan ninyo? Mananatili sa paligid niya ang kanyang buong Mafia Family pero ano ba talaga ang napipintong balak nila...